Chapter 55: Stranger - Danger

77 3 0
                                    

Mabel's PoV 
  
   
  
"Pwede ba tayong mag-usap? Kahit saglit lang?"  
   
   
   
Nakaupo ako at nakaharap sa salamin ng dresser ko habang iniisip kung anong pwedeng ipalusot kay Acey.

Waaah! Hindi ko alam ang gagawin ko!

May kasalanan kasi ako kay Acey kahapon. Noong tinanong niya ako kung pwede kaming mag-usap, tinakasan ko lang siya.  
  
   
   
Flashback...  
  
   
   
Agad na itinago ko yung kamay ko sa likuran para hindi niya mapansin kung anong meron dito. Pero parang alam na niya kung ano yung nasa kamay ko eh.

T^T

"Sugat ba yan?" tanong niya.

Umiling ako. "Hehehe, ano bang sinasabi mo Acey? Sugat? Wala akong sugat noh!"

Sorry Acey! Huhuhu! Natututo na akong magsinungaling dahil kina Ford.

"Talaga? Patingin nga ng kamay mo."

Lalapit na sana siya sa akin ng sumigaw ako.

"May vampire na pumasok sa bahay mo!!!" pagsisinungaling ko.

Napahinto siya sa paglapit sa akin at sinamaan ako ng tingin.

"Vampires aren't real."

Alam ko naman eh. T^T

"Pero may nakita talaga akong vampire na pumasok eh."

"Vampire? Niloloko mo ba ako--"

"Acey, bakit nasa labas ka pa?" biglang dumating yung Papa ni Acey kaya may pagkakataon na akong makatakas.

Bago pa makalapit yung Papa ni Acey sa kanya, kumaripas na agad ako ng takbo. 
 
  
  
End of Flashback... 
  
  
  
7:23 am na ngayon at malapit ng magtime. Hindi pa ako nakakaalis ng bahay kasi iniisip ko pa rin ang mga nangyari kahapon. Atsaka kailangan kong magready ng speech para sa mga tanong ni Acey sa akin mamaya.

Alam kong lame yung excuse ko kahapon sa kanya. Kaya hindi ako pwedeng kampante lang pagkarating ng school dahil tatadtarin niya ako ng maraming tanong.

Huhuhu.

"Ate, hindi po ba kayo papasok?" tanong sa akin ni Evan.

"Papasok na rin ako. Sama ka?" Hindi kasi sumasabay sa akin ang kambal kapag papasok sa school dahil hinahatid sila ni Papa. Pero kanina pang 6 am nakaalis si Papa eh. Kaya ako na lang ang kasabay nila.

"Opo. Sasabay kami ni Iza."

"Ah sige. Tawagin mo na yung kakambal mo sa loob. Sabihin mo papasok na tayo sa school." 
  
  
  
School; 7:57 am 
  
  
  
Muntik na akong malate!

"O Mabel, bakit ngayon ka lang?" tanong sa akin ni Hazel na nagbabasa ng libro.

"Hinatid ko pa kasi yung kambal sa classroom nila. Tapos medyo nalate lang ng konti dahil late rin nagising."

Huhuhu! Ilang beses na akong nakapagsinungaling ngayong linggo!!! (T^T)/ 

"Okay? Sige, upo ka na."

Pagkaupo ko. "Sila Patch? Asaan?"

"Pumunta muna atang CR."

"Ah, ganun ba? E nandyan na ba si Acey?"

"Oo, magkakasama silang tatlo. Bakit matanong ka ngayon?"

Naging busy na lang ako sa pag-aayos ng bag pero hindi pa rin tinitigilan ni Hazel na nakatitig sa akin.

Love QuarrelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon