Chapter 3: Miss SG

109 5 0
                                    

Hazel's PoV    
   
    
    
Habang naglalakad sa hallway, iniisip ko pa rin kung bakit ako kasama sa meeting.

"Kean, bakit nga pala ako kailangan sa office?"

Nagulat siya nang magsalita ako. Tahimik na kasi ngayon sa hallway dahil class hours na.

"Ano kasi--"

"May nagawa ba akong katarantaduhan?"

"Wala--"

"Never naman ako nagkaroon ng kasalanan sa principal."

"Hindi--"

"Kung importante ang pag-uusapan sa office, para saan naman kaya--"

"Pwede mo ba muna akong patapusin sa pagsasalita?" seryoso niyang sabi sa akin.

"Kean, napansin ko lang ha. Bakit ang sungit mo ngayong araw?" tanong ko sa kanya.

Umiwas siya ng tingin.

"Dahil ba sa sinabi nila Patch kanina?"

Bigla niya akong sinamaan ng tingin.

"Nagiging perwisyo na ba ako sa barkada mo? Galit ba kayo sa akin dahil wala ng time si Acey sa inyo?"

Yun ba ang pinoproblema niya? Ang babaw ha.

"Aray naman! Napaka-sadista mo talaga kahit kailan!" reklamo niya nang hampasin ko sa balikat.

Nagpameywang ako.

"Senior Kean Dave Cruz, walang problema kung kasama mo lagi si Acey. Ano ka ba. Hindi kami galit sa'yo."

Tumango-tango siya sa akin.

"Nakakahalata sila na may gusto ka sa childhood friend mo. Bakit kasi ayaw mo pang umamin?" sabi ko sabay cross arms.

"Nagtataka lang ako kung bakit sa dinami-rami ng tao sa mundo, ikaw pa ang nakaalam ng nararamdaman ko sa kababata ko." inis niyang sabi.

"Madali kasi akong makahalata."

"Ang sabihin mo, tsismosa ka lang."

"FYI, hindi ko sinasadya na malaman ang nararamdaman mo kay Acey. Umamin ka na kasi! Bahala ka kapag may nakatuluyan si Acey na iba. Nako, pagtatawanan kita. Promise." torpe kasi eh. Walang maganda na naiidulot 'yon.

Hindi siya nagreact sa sinabi ko. Ano bang kinakatakutan niya sa pag-amin? Yun bang baka masira ang friendship nila ni Acey once na umamin siya? Jusko naman. Feeling niya ata nasa storya siya eh.

Dahil kanina pa siya tahimik, hinampas ko ulit siya.

"Nakaka-dalawa ka na ha! Kung makahampas ka parang close na close tayo eh." naiinis niyang sabi habang nakahawak sa parte ng kanyang braso na hinampas ko.

Binigyan ko rin siya ng death glare.

"Senior, close tayo sa ayaw o sa gusto mo. Magkaibigan kayo ni Acey dahil magkababata kayo. Magkaibigan kaming dalawa dahil nasa iisang barkada kami. Winelcome ka namin sa barkada dahil mahalaga ka kay Acey. Naging malapit ka sa amin dahil alam mong mahalaga rin kami sa kanya. Kaibigan ka namin, Senior. Huwag na huwag mong kalilimutan 'yan. Dahil d'yan, close tayong dalawa sa isa't-isa."

Napakamot siya sa ulo. Ano na naman bang problema sa sinabi ko?

"Magkaiba kayo ni Acey."

"Sadista man ako, masungit siya, madaldal si Celestine, mataray si Patricia, slow poke si Mabel--"

"Kahit magkakaiba kayo ng katangian, magkakaparehas naman kayong lahat?"

"Syempre. Kaya nga kami naging magkakaibigan eh. Kami ang magbabarkada panghabambuhay. Kasama do'n sila Lysa ha. Tanggap namin ang isa't isa." pagmamayabang ko.

Love QuarrelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon