Chapter 19: Her Birthday

78 3 0
                                    

Acey's POV     

     

    

"Kean?" Agad na tanong ko sa kanya dahil nagulat ako na nasa tapat siya ng gate ng bahay namin.

"Tara na sa school." nakangiti nyang sabi sa akin. Um-oo na lang ako at nagpaalam ako sa lola ko bago makaalis ng bahay. Si lola lang kasi ang nasa bahay ngayon dahil nasa company na yung mga parents ko para magtrabaho. Kaya sa kanya na lang ako nagpaalam.

"Mukhang good mood ka ah?" tanong ko sa kanya. Hindi siguro siya inasar ni Hazel o kung anuman. Medyo ilang araw na rin na hindi ako nakakasama kina Patricia dahil naging busy ako sa project namin sa nasalihan kong club.

"Bakit? Masama bang maging masaya ngayon?" sabi niya sabay tingin sa akin na may pagtataka.

"Hindi naman." Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa may napansin akong babaeng may violet na bag.

"Hazel!!!" sigaw ni Kean sa nakita ko kanina. Wow, Deja vu lang? At wait... tama ba ang nangyari kanina? Si Kean at Hazel--

"O, hello Kean! Nandito ka na rin pala, Acey. Long time no see ah?" abot-tengang ngiti ni Hazel sa amin. This is very very very weird. Kapag kasi nagkikita ang dalawang yan, mang-iinis na bigla si Hazel kay Kean at itong childhood friend ko ay magsisimula ng ma-bad trip. Pero kabaliktaran ang nangyari. Nagbatian ang dalawa with happiness. Hmmp... maigi na rin siguro yun para hindi ako magsasaway ng agang-aga.

"Ayos 'to. Magkakasabay tayong papasok sa school."

Hindi ko na lang pinansin ang mga nangyayari sa paligid. Hindi ko talaga ma-gets. May something na kakaiba.

Hanggang sa SCHOOL...

"Morning." bati ko kina Patricia at Celestine na busyng-busy sa pagsasagot sa libro nila.

"Magandang araw rin." walang lingon na sagot sa akin ni Celestine.

"Bakit ngayon ko lang napansin ang presensya mo?" tanong ni Patricia pagkatapos magsulat. Umupo ako sa proper chair ko bago siya sagutin. "Busy sa club."

Bumalik naman ang atensyon niya sa libro. "I see."

Ilang minuto pa bago magstart ang klase. Nagkalikot muna ako sa phone ko para mawala ang pagkabored. Habang scroll ng scroll, nakita ko ang date sa pinaka-top portion ng screen. Wait, don't tell me--

"May naaalala ba kayo ngayon?" tanong ko sa dalawa ng may ngiti. Muntik ko nang makalimutan na birthday ko pala!

Tiningnan lang ako ni Patricia suot ang walang ekspresyon niyang mukha. "Meron."

"Sabi na nga ba, naalala niyo--"

"Patay, huhuhu! Nakalimutan kong ipasa ngayon ang project ko sa Geometry! Napagbigyan na nga ako ni ma'am pero kinalimutan ko pa. Waahh!" napa-irap na lang ako sa nagsalitang yon.

"Akala ko ba Mabel, pinasa mo na kahapon?" tanong ni Celestine sa kanya habang nagsusuklay ng buhok. Tapos na pala sa ginagawa niya kanina.

"Hindi e. Sabi kasi ni ma'am, August 9. E ngayon yun. Huhuhu." patuloy na pag-angal ni Mabel.

"Maniwala sa inyo. Palusot pa na hindi niyo maalala ang b--" naputol ang sinasabi ni Celestine ng takpan ni Patricia ang bibig niya. Napataas naman ang kilay ko. May tinatago ba sila sa akin?

"Anong palusot ang sinasabi mo, Celestine?" seryoso kong tanong sa kanila.

"Napakadaldal mo talaga! Huwag mo nang ipagmalaki ang 'sweet date' niyo ni Luke kahapon." tumayo si Patricia habang kaladkad si Celestine palabas ng room.

Love QuarrelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon