Yuna's POV
Nakaalis na sina Lysa at Dennis para sa part 2 ng date nila. Nasa classroom pa rin ako dahil inaayos ko pa ang aking bag ng dumating yung lima.
"Tara na Yuna, ikaw na lang ang hinihintay."
"Sige, Patch. Sunod na rin ako sa labas."
Kinuha ko yung bag ko at napansin kong abala si Jia sa phone niya.
"Si Gio yan noh?"
"Gio ka dyan! Teka, bakit nandito ka pa? Akala ko kasama kana nina Patch palabas ng classroom kanina?"
"Hihintayin naman nila ako sa labas. Ikaw, bakit parang hindi ka ata sasama sa amin?"
"Hindi naman talaga ako sasama sa inyo."
Huh? May curfew ba 'to?
"May curfew ka ba ngayon?"
"Wala naman. Pero sabi ni Gio na i-cheer ko siya sa training ngayong 5 pm."
Tumingin ako sa relo ko at malapit ng mag-5 pm.
"Kaya pala abala sa phone kanina. Kunwari ka pa." pang-aasar ko.
"Sumunod ka na kina Patch, tsk." naasar pa.
Lumabas na ako ng classroom at nakita ko sina Patch malapit sa fountain ng school.
"Tayo-tayo lang ba ang magfoo-food trip?" tanong ko.
"Wala ang mga boys, busy." sagot sa akin ni Acey.
Umalis na kaming lahat ng school at nakarating kaagad kami ng café.
FT Haus
"Nice one! Wala masyadong tao!" masayang-masaya si Celestine na lumapit sa isang bakanteng table sa pinaka-gitna ng café. Naging favorite na ng barkada ang spot na yun.
"Mabel, Yuna, kayo ang manlilibre ngayon."
"Waah! Oo nga pala." angal ni Mabel.
Kinuha ko yung wallet ko at tinanong silang lahat kung anong gusto nila. Hinigit ko na si Mabel papuntang counter area.
"Mabel, nakikita mo ba ang nakikita ko?" nakatingin lang ako sa isang table kung saan nakapwesto sina Luke.
"Huh? Bakit Yuna? May nakikita ka ba na hindi nakikita ng normal na tao?" Sabi na, hindi ako magegets nito.
"Tingnan mo yung table malapit sa entrance door."
Ipinihit ko yung mukha ni Mabel palingon sa entrance door.
"Nakita mo na?"
"Waah! Si Luke--"
"Mabel!"
Natakpan ko agad ang bibig niya pero huli na ang lahat dahil nakatingin sa amin si Luke habang nakikinig sa kausap niyang babae. Ah, kasama niya pala ulit si Tracy.
Humarap ulit ako sa counter area at nagpatay-malisya. Naramdaman kong kinukulbit ako ni Mabel sa likod.
"Yuna, sorry! Napalakas yung pagkakasabi--"
"Ok lang."
"Narinig niya ata tayo."
"Oo nga eh. Bayaan mo na, nangyari na ang nangyari."
Bago kami makaalis ng counter area, nakaalis na agad sina Luke sa cafe. Napabuntong hininga ako dahil wala na sila. Relief.
Pagkabalik sa table kung nasaan sina Hazel, nakita kong nag-aaway sina Celestine at Patch. Tiningnan ko si Hazel at inilingan niya ako. Nakita rin ata nila sila Luke, except lang siguro kay Celestine kaya back to normal sa pakikipag-away.
BINABASA MO ANG
Love Quarrel
Novela Juvenil[COMPLETED] ✔ Love vs. Quarrel A girl who fights for her right to love someone. Story Plot: February 17, 2013 Posted in Wattpad: February 15, 2015 Date Finished: June 2, 2017 Genre: Teen Fiction, Romance, Friendship, Highschool (c) rhoanne18