Luke's PoV
Nangangalay na ako sa kinatatayuan ko dahil higit ilang minuto kong vinevideohan ang nasa stage na mga sumasayaw. Isa lang ang masasabi ko sa kanilang lahat...
Shet!
Magaling silang lahat sumayaw. At mas gumanda pa ang performance ng 3rd year section A dahil alam ko at ng lahat kung sino ang pinaka-nagdala ng sayaw nila.
Isa pang shet! Whooo! Ganda talaga ng girl friend ko!
"Malusaw yan." Medyo pinupuri ko pa ang pinakamamahal kong girlfriend ng sumabat si Gio sa tabi ko.
"Ipalusaw kita kay Hazel gusto mo?" Umiling lang ang gago sa tanong ko at umalis na. May pangaasar pang nalalaman.
E ano naman kung malusaw ang girlfriend ko dahil kanina ko pa siya pinapanood? Siguro titig na rin kumbaga pero syempre mas masama kung malusaw siya dahil ibang lalaki ang nagpapantasya sa kanya. At syempre dahil sa gwapo ako at walang kapantay ang pagmamahal sa puso ni Babe (Celestine), matitikman nila ang kamao ko. Asa naman na ipagpalit ako ni Babes sa mga panget sa tabi-tabi. Sa gwapo kong 'to?
Matapos ang performance, sumunod naman ang section B. Medyo traydor lang at hindi ko muna sila ichecheer ngayon kahit na mga kaklase ko sila dahil nagugutom na rin naman ako.
Nakita ko si Hazel na may parang hinahanap kaya nilapitan ko ang sadista para magpasama sa backstage.
"Babes!" Tawag ko kay Hazel. Bakit babes? Pang asar lang. Bilis kasi nito mainsulto. Parehong pareho sila ni Ford. Bagay na bagay. Swak na swak. Pwedeng-pwede. Pero parehong sasabog kapag nagalit. ^_^
Narinig naman ako ni Hazel kaya halos patayin na niya ako sa tingin dahil sa itinawag ko sa kanya.
"Hoy kapag inulit mo pa yang sinabi mo sa akin, makikita mo na lang ang sarili mo sa sementeryo bukas!! Tamang-tama isang buwan na lang bago ang undas. Sumabay kana sa mga advance na mamatay."
Harsh masyado ng babaeng 'to.
"Biro lang Hazel, magpapasama lang ako sa back stage."
Alam niyo na ang susunod sa sasabihin niya. Pustahan kahit isang libo, magsusungit na naman yan. In...
3...
2...
1...
--
"At bakit pa kita sasamahan? Kailangan pa ba ng companion para lang makapunta sa back stage? Alam kong si Best lang ang pupuntahan mo." Kita niyo na.
"Sus, gusto mo rin naman puntahan yung best friend mo. Samahan mo na ako, dali na!"
"Hindi pwede."
"Bakit?"
"Basta."
"Dali na." Medyo binunggo-bunggo ko na siya pero kahit halos matumba na eh nagmamatigas pa rin.
"May hinihintay ka ba at ayaw mo akong samahan?"
Hindi siya nakatingin sa akin ng sumagot. "Oo kaya tumahimik ka na lang dyan."
"Sino?"
"Wala ka ng pakialam don."
Awww, napakaharsh talaga kahit kailan. Walang katumbas!
"Iwan mo na yang hinihintay mo. Inaaksaya niya lang oras mo dito eh."
"Tama ka naman kasi Luke. Pero paano kung malaman mong si Headset Guy ang hinihintay ko? Aalis pa ba ako?"

BINABASA MO ANG
Love Quarrel
Teen Fiction[COMPLETED] ✔ Love vs. Quarrel A girl who fights for her right to love someone. Story Plot: February 17, 2013 Posted in Wattpad: February 15, 2015 Date Finished: June 2, 2017 Genre: Teen Fiction, Romance, Friendship, Highschool (c) rhoanne18