Chapter 54: Plan

68 3 0
                                        

Acey's Pov 
  
  
   
"Kamusta ka dyan?"

Weekend ngayon at nasa bahay lang ako dahil wala kaming gala na magbabarkada. 
  
  
  
[Eto ok naman. Medyo malapit sa school ang dorm ko.] 
  
   
  
Kausap ko ngayon si Kean dahil wala akong magawa sa bahay. Kinakamusta ko lang ang kababata ko dahil kahapon lang siya nakalipat sa dorm niya.

"May kaibigan kana dyan?" tanong ko. 
  
  
  
[Kaibigan? Oo naman. Friends-friends na kaming mga dormmates ko dito. Pero mas ayos pa rin kayo e. Medyo geeks kasama ko dito.] 
   
  
 
Napangiti ako sa sinabi niya. "Ayaw mo non, mahahawahan kana rin ng kasipagan sa pag-aaral?" 
  
  
  
[Ok lang. Pero excited sila masyado. Sa Monday pa lang ang simula ng klase tapos aral agad. Sakit sa mata ng mga libro.] 
  
  
  
"Acey, bumaba kana dito. It's already lunch time." sabi ng isa sa mga maids dito sa bahay.

"Uhh.. Kean, mamaya na lang tayo mag-usap. Lunch na kasi eh. Kumain kana rin." 
  
    
  
[Sige. Ikamusta mo na lang ako sa iba. Bye Acey my--
   
   
  
Call ended... 
  
  
   
Kitchen 
  
   
   
"Hello Acey!!!" Nandito pala si Mabel.

"O Mabel, naligaw ka ata dito sa bahay namin."

"Makikikain lang ako."

-_- huh?

"Dito ka pa dumayo para lang kumain? Naghihirap na ba kayo at makikikain ka?" biro ko.

"Hindi ah! Ininvite ako ng Mama mo kagabi. Dito daw muna ako sa inyo tumambay. Hehehe. Wala na daw kasi si Kean e kaya ako muna papalit."

Ok?

"Kumain na tayo."

"Sige!"

After kumain, nakatambay lang kaming dalawa sa backyard ng bahay ko. Nandito rin pala ang kambal na kapatid ni Mabel na sila Elizabeth at Evan.

"Pansin ko tahimik lang si Evan ngayon." sabi ko kay Mabel.

"Lagi naman yang tahimik. Nakikinig lang siya kay Liza kapag dumadaldal yung kakambal niya."

"Buti hindi nabobored sa kanya si Elizabeth."

"Hindi naman. Lagi kaya sila ang magkasama."

Hindi identical twins sila Elizabeth at Evan. Kamukha kasi ni Evan yung Mama nila at kamukha naman ni Elizabeth si Mabel.

"Ang cute nilang tingnan." 
  
  
   
Like me and Kean from childhood days.  
  
   
   
"Naiimagine ko nga sila na parang kayo ni Senior eh. Kaso ang pinagkaiba lang, magkadugo sila Van at Liza." 
  
 
  
We're just childhood friends before. Pero deep inside, may nadevelop na feelings... 
  
  
  
"Kamusta na daw si Kean sa bago niyang dorm?"

"Ok lang naman siya. Mukhang nag-eenjoy sa dormmates niya."

"Huhuhu, baka makalimutan na niya tayo Acey."

"Tsss, bahala siya kung ganon."

Lumapit naman si Elizabeth kay Mabel at niyayaya siyang umuwi.

"Bakit uwing-uwi kana agad?" tanong sa kanya ni Mabel.

"Ate dadating na kasi si Mama ngayon. Huwag daw kasi kami aalis ni Kuya Van ng bahay kapag wala siya."

Huh? It means tinakas lang sila ni Mabel?

Love QuarrelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon