Patricia's PoV
Nasa cashier ako ngayon habang nagbabayad ng tuition fee nang may makita akong pamilyar na babae.
"Hazel!"
"Patch."
"Ngayon ka rin magbabayad ng tuition fee mo?" tanong ko sa kanya.
"Oo." sabagay obvious naman.
Matapos namin magbayad, dumeretso kami sa canteen dahil nandoon ang ibang miyembro ng Tropang Cupcake Monsters.
"Wala, late ka Patch! Huh! Dahil dyan, ililibre mo kaming lahat!" tingnan mo nga naman 'tong si Celestine, napaka-kuripot talaga.
"Che! Ikaw mayaman d'yan tapos ako pa manlilibre sa'yo?! Asa!"
"Teka lang. Di ba may schedule tayo kung sino ang manlilibre sa bawat araw?" tanong ni Hazel. Umupo kami ni Hazel sa tabi ni Mabel na nakikinig sa amin.
"Ay oo nga pala, nakalimutan ko. Oh my God, nakaligtas pa si Patch." Kala mo naman nakalimutan niya talaga. Tch! Gusto lang talaga ako inisin ni Celestine kaya nasabi niya ang mga 'yon kanina. Kunwari pa siya. Hindi niya ako maloloko!
"Hey Yuna, nasa 'yo ba yung notebook na color green?" tanong ni Celestine kay Yuna.
"Yup, nasa akin pa pala." inilabas ni Yuna yung notebook na green na may apple na design. Nakaipit ito sa isa sa mga libro niya.
"Well, ang manlilibre today ay sina... Hazel and... Me?!"
"Wahahaha! Napahiya ka pa kay Patch!" napatawa naman kami sa sinabi ni Mabel. Inirapan siya ni Celestine sabay tingin sa best friend niya.
"Tara na nga, Hazel!"
"Haze-Haze, oreo akin tatlo!"
"Grabe 'to si Mabel, ikaw magbayad ha?"
"Huhuhu, dalawa na nga lang Haze-Haze."
Matapos namin sabihin ang mga dapat iorder, umalis na ang dalawa para pumila sa counter area.
"Oo nga pala, tapos na ba kayo sa project natin sa Filipino?" tanong ni Yuna.
"Nako, hindi pa ako tapos d'on. Nakakainis nga yung mga kagroup ko eh. Ako lang ata nagpaplano sa project namin." inis na sabi ni Lysa.
"Lysa, kinakalimutan mo ako."
"Ay oo nga pala Acey! Nyahahaha! Sorry, sorry!"
"Madali lang ang solution d'yan, guys. Kung ayaw nilang tumulong, huwag niyo ilista as your groupmates."
"Tama ka Yuna! Ang galing mo talaga!" masiglang-masigla na sabi ni Lysa.
"Pero may malaki kasi kaming problem eh. Walang magaling magdrawing sa group ko."
"Naiintindihan kita, Yuna. Sino lang ba ang mga pinagpala sa atin sa pagdodrawing? Di ba, yung dalawang magbestfriend na kakaalis pa lamang? Wait, speaking of them. Ka-group mo si Celestine, right?" tanong ni Acey sa kanya.
"Wala kayong maaasahan sa babaeng 'yon 'no!"
Sa hindi inaasahang pagkakataon, narinig pala ni Celestine yung sinabi ko.
"Sabi ko na nga ba't back stabber ka!" maarte niyang sabi sa akin.
"Ako? Back-stabber?! Kailan pa?!"
"Kayong dalawa! Mag-aaway na naman ba kayo?" saway sa amin ni Acey.
"Pagbigyan mo kami kahit ngayon lang!" sabay naming sabi.
"Hello--" Wow, dumating yung mga boys. Hindi natapos ni Luke ang sasabihin niya nang biglang magsalita si Hazel.
"Bakit ka nandito?" tanong ni Hazel sa kanya.
BINABASA MO ANG
Love Quarrel
Fiksi Remaja[COMPLETED] ✔ Love vs. Quarrel A girl who fights for her right to love someone. Story Plot: February 17, 2013 Posted in Wattpad: February 15, 2015 Date Finished: June 2, 2017 Genre: Teen Fiction, Romance, Friendship, Highschool (c) rhoanne18
