Jia's PoV
After our Final Exams, inaabangan na namin kung sinu-sino ang mga candidate for honors.Halos wala na kaming ginagawa sa school dahil ilang linggo na lang at graduation na. Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang yung first day.
Parang kailan lang noong bumalik si Gio sa Seoul.
"Ayun na 'yon. Psh. Nakakainis. Hindi ko alam kung paano niya napapayag si Nanay."
Todo kantyawan ang ginagawa namin ngayon kay Patricia. I'm glad that she and Terrence are already fine in each other.
As what you heard above, nagsisimula ng manligaw si Terrence sa kaibigan namin.
"My gosh! Hindi pa rin ako makapaniwala dahil sa nangyayari ngayon. I'm so happy for you talaga, Patch!" sabay yakap ni Celestine kay Patricia.
"Oy dumistansya ka! Aish! Kainis si Nanay e, paano kaya siya naudyukan ng masamang elemento na 'yon?!" reklamo ni Patch.
"Anobayan Patch, dami mong reklamo. Edi sana dineretso mo na lang si Terrence na ayaw mong magpaligaw." sabat ni Hazel.
"Si nanay kasi pumayag! Wala na akong kasalanan don!"
"Hindi lagi siya ang magdidikta ng kung ano ang para sa'yo. Dapat may sarili ka ring desisyon." sabi ni Acey.
Sinamaan ni Patch ng tingin si Acey. "Wow ha. Thank you sa sinabi mo." At umirap pa ang leader namin.
Habang nagkukulitan pa sila, biglang dumating si Ma'am Castillejo kaya natahimik ang lahat ng estudyante sa classroom.
"Eto na pinakahihintay niyong lahat. Ang list of honor students."
Pagka-announce ni Ma'am Castillejo sa top 5 to top 10, mas lalong nag-ingay ang mga kaibigan ko para icheer si Patch.
"Nyahahahaha! Kinakabahan na 'yan oh!" pang-aasar ni Lysa.
"Ang ligalig niyo eh! Mas excited pa kayo sa akin."
"For the first honorable mention, ang nakakuha ng pwesto na 'to ay si...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
... Ms. Linford."
"HUH?!/WHAT?!/PAANO NANGYARI 'YON?!"
Iba-iba ang naging reaksyon namin sa new rank ni Celestine. Lagi siya yung pumapangalawa sa top pero anong nangyari?Itinaas ni Hazel yung kamay niya at agad itong nahagip ang atensyon ni Ma'am Castillejo.
"Yes, Ms. Condez?" nagtatakang tanong ni Ma'am Castillejo.
"Ano pong nangyari sa rank ni Celestine? Sino po yung new Salutatorian?"
"Excited lang, Hazel?" biro ng guro namin kay Hazel.
"Hindi naman po."
Bumuntong-hininga si Ma'am Castillejo bago magsalita. "Medyo bumaba yung performance ni Ms. Linford last grading. Siguro at malaki ang naging epekto nito sa general average niya."
Si Mabel naman ang nagtaas ng kamay. "Pero si Patricia pa rin po ba ang Valedictorian ng batch namin?"
Gumaan naman ang loob naming lahat ng sumang-ayon si Ma'am Castillejo sa tanong ni Mabel.
"Pero muntikan ring makuha ng new top 2 ang rank niya."
Sino kaya yung bagong top 2?
"Ok, ok. Masyado kayong excited na magbabarkada. Let's move on to the new Salutatorian."
BINABASA MO ANG
Love Quarrel
Teen Fiction[COMPLETED] ✔ Love vs. Quarrel A girl who fights for her right to love someone. Story Plot: February 17, 2013 Posted in Wattpad: February 15, 2015 Date Finished: June 2, 2017 Genre: Teen Fiction, Romance, Friendship, Highschool (c) rhoanne18