Patricia's PoV
Lumampas na ang kanto kung nasaan ang bahay nina Hazel.
Nakita ko namang natutulog ang tatlo sa backseat. Ako na lang ang gising. Mabuti na rin 'yon para may nagbabantay sa mga kaibigan ko.
Katabi ko si Ford na busy lang sa pagmamaneho.
Napalingon siya sa akin at iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Napatitig na ata ako sa kanya kanina.
Pero... Wala akong gusto ha. Kay Hazel 'yan!
"Bakit ayaw mo pang matulog?" tanong niya sa akin habang nakatingin lang sa daan.
"Ayokong matulog. Hindi pa rin naman ako inaantok."
Katahimikan ang bumalot sa paligid. Tumingin ako sa bintana ng kotse. Nakakatakot naman sa street na 'to. Wala masyadong mga bahay. Kung may mga bahay man, kakaunti lang. Mga mansyon pa.
"Oo nga pala. Baka pagalitan kami ng mga magulang namin." 9:30 pm na kasi. First time namin magpagabi ng ganito. Swear, hindi na ako papayagan ng nanay ko maglakwatsa ulit.
"Just go with the flow sa mga posibleng mangyari sa mansion ko."
Napataas naman ang isa kong kilay dahil sa sinabi niya.
"Alam mo, nagda-doubt ako kung anong meron sa mansyon mo. Bakit kasi doon pa?" inis na sabi ko sa kanya.
Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa pagmamaneho.
After ilang minutes, tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang malaking mansyon.
"Mayaman pala kayo." sabi ko sa kanya.
Ginising ko ang tatlo mula sa back seat.
"Eto ba talaga ang mansyon ni Ford?"
Tinitingnan ko ng maigi ang mansyon. Swerte nila dahil mayaman sila. Sana magkaroon rin ako ng malamansyong bahay in the future.
"Oo ayan nga." sabi naman ni Hazel.
"Wow, the vampire's mansion!"
Hanggang kailan kaya titigil sa pantasya itong si Mabel? Mamaya, baka ihagis ko 'to sa isang napakalaking trash can na nakita ko sa tabi ng mansyon.
"Huwag niyo ng titigan ang bahay ko. Pumasok na kayo sa loob. Baka magkulang pa kayo d'yan."
"Yabang naman." sabi ni Hazel at agad namang sumunod sa kanya.
Love Birds
Makapasok na nga sa mansyon, baka may kumidnap sa akin dito sa labas. Ako na lang pala ang naiwan. Daldal ko kasi sa isip eh.
Reyes' Mansion
Habang naglalakad sa sala, nakakaramdam ako ng something unusual sa paligid. Parang nakakasama ng pakiramdam na ewan. Hirap iexplain.
"Umupo muna kayo sa couch."
Lilingon sana ako sa direksyon kung saan nakatayo si Ford pero nabigla ako nang makitang wala na pala siya sa kaninang lugar.
Konti na lang, maniniwala na ako kay Mabel dahil sa hinala niyang bampira si Ford.
Nahahawa na ako sa kahibangan ng kaibigan ko. My God!
"Ilang beses ka na ba nakapasok dito?" tanong ni Acey kay Hazel habang inililibot ang paningin sa buong mansyon.
"Dalawang beses na."
"Ah."
Nakatingin lang ako sa chandelier nang biglang nagsalita si Mabel.
"Parang mag-isa lang si Ford dito."
"Oo. Solo lang siya dito. Nasa ibang bansa ang mga magulang at kamag-anak niya." sagot naman ni Hazel.
"Pure blood."
BINABASA MO ANG
Love Quarrel
Ficțiune adolescenți[COMPLETED] ✔ Love vs. Quarrel A girl who fights for her right to love someone. Story Plot: February 17, 2013 Posted in Wattpad: February 15, 2015 Date Finished: June 2, 2017 Genre: Teen Fiction, Romance, Friendship, Highschool (c) rhoanne18
