Jia's Point of View
"Varsities, you can go now to your respective classrooms."
Matapos sabihin ni coach 'yon, tumakbo agad si Lysa sa bleachers kaya sumunod ako sa kanya. Nandoon kasi si Dennis na pinanood ang volleyball training namin kahit maaga itong nagsimula. Nandito nga rin pala niya si Yuna na abala sa pagbabasa ng libro. Early bird kasi ito kaya hindi na ako nagtataka noong isinama siya ni Dennis.
"Love, tubig oh."
"Thanks Love!!!"
Habang busy ang dalawang love birds sa ka-sweet-an nila, umupo ako sa bleachers at kinuha ang water jug ko sa bag.
"Pupuntahan mo ba sina Hazel sa canteen?" tanong ko kay Yuna nang makita kong sinara niya ang kaninang binabasa na libro.
"I don't know. Pwede rin."
Noong umiinom ako ng tubig, niyaya niya sina Lysa na pumunta kaming canteen. Habang magkakausap silang tatlo, napansin kong umalis na si Lean sa gymnasium kasama ang mga kaibigan niya.
"Akala ko tatambay pa sila dito ng sobrang tagal. Mabuti na lang at naisipan nilang umalis na."
Lumapit ang tatlo sa akin.
"Tapos ka na ba, Jiabels?" tanong ni Lysa.
"Oo. Magpalit muna tayo ng standard uniform."
"Sige. Love, Yunabels, saglit lang kami sa cr. Bye!!!!"
Tumakbo na kaming dalawa papasok ng cr para magbihis.
"Uwaaah Jiabels! Pabantay naman. Nyahahaha! Epic failed ng pinuntahan kong cubicle, sira ang pinto!!!"
Kumunot ang noo ko.
"Hindi mo kailangan sumigaw. Wala naman ako sa kabilang bundok para hindi ka marinig."
Lumapit ako sa pinto at binantayan ang cubicle kung nasaan si Lysa. Habang nagbibihis siya sa loob, bigla akong may naalala.
"Oo nga pala. Mukhang okay na kayo ni Dennis ah." kinatok ko ang pinto para tawagin si Lysa.
Ilang minuto ang lumipas, natapos na si Lysa sa pagpapalit ng uniform. Ako naman ngayon ang nasa loob ng cubicle.
"Ha? Ayun ba? Sus! Mababaw na LQ lang naman 'yon. Hindi naman masama kung minsan ay may tampuhan kami."
"Minsan?"
"Oo, minsan. Nyahahaha!"
Minsan lang ba? Lagi nga silang nag-aaaway eh. Lalo na kapag tinotopak 'tong si Lysa. Isabay mo pa ang pagiging sensitive at impatience ni Dennis.
"Bilisan mo na d'yan para mapuntahan pa natin sila Kean."
"Wow ha. Bubuksan ko pa lang ang bag ko oh. Nagmamadali?"
Tumawa siya kahit hindi naman nakakatawa ang sinabi ko. There she goes again with that unique laugh of hers. Kinakalampag niya pa ang pinto at mapagkakamalan mong nababaliw na ito sa sobrang pagtawa. Napapailing tuloy ang ulo ko habang inaalis ang uniform sa bag.
"Aha! Alam ko na! What if puntahan mo na lang kami sa canteen? Tutal ang bagal mo magbihis eh. Nyahahahahaha!"
Ano?!
"Hoy, Lysa. Huwag mo akong iiwan dito aba!"
FYI for her, binantayan ko ang cubicle na 'to noong nagbibihis siya ng uniform. Isa pa, hindi ako mabagal kumilos.
Narinig kong tumakbo siya palayo kaya nagmadali akong magbihis ng uniform. What the fudge? Pinagtitrip-an ata ako ng babaeng 'yon. Lagot siya sa akin kapag naabutan ko siya.
BINABASA MO ANG
Love Quarrel
Teen Fiction[COMPLETED] ✔ Love vs. Quarrel A girl who fights for her right to love someone. Story Plot: February 17, 2013 Posted in Wattpad: February 15, 2015 Date Finished: June 2, 2017 Genre: Teen Fiction, Romance, Friendship, Highschool (c) rhoanne18
