Hazel's PoV
Madilim na sa daan pero hindi ko pa nakikita ang mansyon nina Ford. Bakit kasi hindi pa bukas yung ilaw ng mga poste dito?
Bigla namang umilaw ang isang poste at sakto pa sa kinatatayuan ko. Wow ha? Spotlight?
Mabuti na rin at nagsimula nang magkailaw sa mga sumunod na poste.
Parang naging way na yung mga poste para mahanap ko agad yung mansyon nina Ford.
Nang makita ko na yung hinahanap ko, lumiko ako sa gilid ng mansyon papuntang likuran.
Ang taas ng pader tapos yung inaapakan ko pa ay damuhan. Nag-iingat ako sa paglalakad since madilim dito. Baka may ahas. -_____-
Ok lang naman sa akin kung makakita ako ng ahas dito. Kaysa naman sa masamang loob! Sa ahas na ako!
Nagtataka kayo kung bakit ako dumaan sa likod ng mansyon? Oh well, isa 'to sa mga sikreto kong daan papasok kila Ford. ^__^
[A/N: Eto yung sagot kung paano nakapasok si Hazel sa mansyon nina Ford sa 'Chapter 7 His Feelings']
Hindi talaga ako dumaan dati sa main door ng mansyon nila. Alibi ko lang yun. Nagkataon lang na ito yung dinaanan ko kasi bukas. Pero wala naman akong balak na masama. 'Nagkataon nga lang.'
Pagkaakyat ko sa pader, doomed! Nakakandado ang gate ng back door.
No choice na bumalik ulit sa unahan ng mansyon.
Dahan-dahan akong naglakad pabalik sa main entrance gate. Swerte at wala naman akong nakita or naapakan na ahas sa damuhan. Medyo malamok nga lang tapos ang ingay ng mga kuliglig. Nakakarindi.
Ayan, nasa tapat na ako ng gate na dobleng height ng tao ang size. Rich kid talaga e.
Magdodoorbell na sana ako ng biglang may tumahol. Baka may aso sa tabi-tabi!
Hinanap ko yung aso kung saan siya tumatahol pero ng mapansin ko yung siwang sa gate, may apat na paa akong nakita. Ah nasa loob pala ng mansyon yung aso.
"Ma'am Hazel! Napadalaw po kayo!" masiglang bati ng katulong ata nina Ford. Di ako sure kung katulong. Ngayon ko lang siya nakita e.
Teka... Bakit ako kilala nito?
"Paano niyo ako nakilala?"
Magsasalita pa lamang yung maid na pinagbuksan ako ng gate ng may sumingit ulit na isang maid.
"Mabuti na lang at nandito po kayo Ma'am Hazel!"
Aba?! Bakit ba nila ako kilala?!
"Pumasok po kayo Ma'am Hazel, kailangan--"
"Mga Ate, wait lang po muna. Pwede po ba ako magtanong? Kahit isang tanong lang?"
Nakatingin lang yung dalawang maid sa akin na para bang handa silang pakinggan kung ano man ang itatanong ko.
"Paano niyo po ako nakilala? E si Ford lang po yung laging tao dito sa mansyon nila kapag nakakapasok ako?"
"Mahaba pong storya, Ma'am Hazel."
"Ang kailangan po natin gawin ay pumunta sa kwarto ng Young Master."
Young Master? Sa palabas ko lang yun napapakinggan ah? -___- Rich kid talaga.
Naglalakad kami sa hallway ng mansyon habang may napapansin akong basag na mga gamit sa sahig. Madaming bubog. Mabuti na lang at naka-sapatos ako ngayon.
"Bakit ang daming basag na gamit?" tanong ko sa dalawang maids.
Nakayuko lang sila habang naglalakad at hindi nila sinagot yung tanong ko.
BINABASA MO ANG
Love Quarrel
Ficção Adolescente[COMPLETED] ✔ Love vs. Quarrel A girl who fights for her right to love someone. Story Plot: February 17, 2013 Posted in Wattpad: February 15, 2015 Date Finished: June 2, 2017 Genre: Teen Fiction, Romance, Friendship, Highschool (c) rhoanne18
