Gio's PoV
"I'm busy for the whole month that's why I forgot to call you-- I'm ok, I'm ok-- What?! -- Not now, GrandPa."
[Naneun-i oneun wol jeoleul bangmunhaneun geos-i johseubnida.]
[A/N: Translation: I want you to visit me this coming December.]
"Harabeoji!--"
[A/N: Translation: GrandPa]
[I still need to finish something in here, sonja. I'll call you later]
[A/N: Translation: Grandson]
Call Ending...
Matapos akong tawagan ni Lolo sa phone, napaupo ako sa sofa na malapit lang sa kinatatayuan kong lugar dito sa bahay namin.
Si Lolo naman e. Ayokong magbakasyon sa Seoul. Gusto kong sumama kina Mama sa Cavite ngayong Christmas Break. Kaso kinukulit na naman ako ni Lolo.
Ayoko sa Seoul!
"Gio, may problema ba?"
Napaupo ako ng ayos ng marinig ko si Mama.
"Eomma, si Lolo kasi."
[A/N: Translation: Mama]
"Bakit daw? Tinawagan ka ulit?" Umupo naman si mama sa katapat kong lounge.
Tumango ako. "Opo, pinagbabakasyon po ako sa Seoul. Ayoko po dun. Kaso baka po magalit si Lolo kapag tumanggi ako."
"Edi sundin mo na lang yung Lolo mo."
"Eomma naman..."
"Hindi ka naman mag-iisa dun. Kasama ang Kuya mo kapag pumunta kang Seoul."
"Ma, wrong idea naman e. Si Hyeong pa kasama ko."
[A/N: Translation: Kuya]
Speaking of Kuya, bumaba siya mula sa hagdan at bihis na bihis ng corporate attire. Paalis na siguro papunta sa company kung saan siya nagtatrabaho.
"Yong, aalis ka na agad?" Tanong ni Mama kay kuya matapos nitong makababa.
Tumango lang siya sa kanya. Medyo excited atang pumasok. 10 am kaya yung simula ng work niya.
"Oo nga pala, tumawag ang Lolo mo kanina kay Gio. Pupunta daw kayong Seoul this coming Christmas Vacation."
Tumayo na ako ng hindi sumagot si kuya kay Mama.
"Hyeong, pero huwag kang mag-alala. Pinag-iisipan ko kung sasama ba ako sayo o hindi--"
Hindi ko na tinapos ang gusto kong sabihin ng dire-diretso pa rin si kuya palabas ng bahay.
Lumapit sa akin si Mama at tinapik ako sa braso.
"Wag mo na lang pansinin yung kuya mo, Gio. Nagmamadali siguro sa company at baka marami pang aasikasuhin sa opisina."
Tumango lang ako kay Mama at dumiretso na siya sa kusina. Habang nakatingin ako sa papaalis na kotse, napabuntong hininga na lang ako.
Wala na atang pag-asa na kausapin niya ako...
"An-Yong!!!" Huh? Anong ginagawa nito sa bahay?
"Kean?" Anong trip nito at nagHangeul?
"Ang lungkot mo ngayon ah? Bakit?"
Tsk. Hindi ako malungkot.
"Bakit ka nga pala nandito?"
Pumasok naman si Kean sa bahay at feel at home na humiga sa lounge. Ni hindi ko pa nga siya sinasabihan na tumuloy.
BINABASA MO ANG
Love Quarrel
Teen Fiction[COMPLETED] ✔ Love vs. Quarrel A girl who fights for her right to love someone. Story Plot: February 17, 2013 Posted in Wattpad: February 15, 2015 Date Finished: June 2, 2017 Genre: Teen Fiction, Romance, Friendship, Highschool (c) rhoanne18
