Hazel's POV
Friday ngayon at naka-indian seat kaming lahat sa sahig dahil sinasaway kami ni Patricia. Nakatungo rin ang mga ulo namin habang pinapakinggan siya."Nakakainis talaga kayong lahat, di niyo ba alam?! May balak pala kayong pagtripan ako ha? Sige, simulan niyo ulit ako ngayon. Tatamaan na talaga kayo sa akin."
Napaka-matampuhin ni Patch kaya kapag may nalaman siyang sikreto na hindi naman nasabi agad sa kanya eh halos mag-apoy na siya sa galit.
Isa sa rule ng Tropang Cupcake Monsters na kung anong alam ng isa, dapat alam rin ng lahat. Lalo na kung may naaapektuhan sa isa naming myembro. Gaya na lang sa kung anong nangyari sa latest na pag-uusap nina Best at Luke. Kapag may kasalanan ang isa, kasalanan na ng lahat. May naging problema man sa isa, maliit o malaki, problema na ng buong barkada. Kaya ito ang drama naming pito.
"May pasabi-sabi pa kayo na naghiwalay na ang dalawa ha?! At ano 'tong nakita ko na masaya silang magkasama after natin silang makasalubong kahapon?!" Pagtritripan sana namin si Patch kaso epic failed eh. Nagkabukingan.
"Huhuhu! Patch sorry na!" naiiyak na si Mabel ng magsalita.
"Hindi ako galit. Hindi ko lang alam kung bakit niyo pa itinatago sa akin ang nangyari kay Celestine at Luke. Halos ilang araw na akong nag-iisip at pinagbibintangan si Luke sa kasalanang hindi niya naman nagawa."
"Edi hindi ka galit sa amin?" si Lysa habang naka-pout.
"Hindi."
"And bakit ba sobra kang galit na galit sa amin?" This time, si Best na ang nagsalita.
"Hindi nga sabi ako galit! Sa susunod huwag niyo akong pinagtataguan!"
"Opo." sabay-sabay naming sabi sa kanya.
"Tayo na kayong lahat. Maglulunch na."
Umalis na kami sa gym at pumunta na kaming canteen.
Canteen
Sa table malapit sa counter area kami naupo. Nauna kasi ang mga asungot kaya doon kami napapwesto kung saan sila naka-lugar."Mukhang ikaw naman ang bad trip Patricia ah?" At kita mo nga naman 'tong si Luke, ngayon lang namin ulit makakasama ang lakas pang mang-asar.
"Hindi ko pa rin nakakalimutan ang kasalanan mo sa amin, Luke." pagbabanta ni Patch sa kanya.
"Sorry naman!" sabay ngiti ni Luke. Kaplastikan nito oh. -_-
Nagpaalam muna sina Yuna, Lysa at Jia na magcCR saglit at naiwan kaming lima na nakatayo pa rin sa harapan ng table.
"It's nice to see all the old members of Tropang Cupcake Monsters."
"Palakpakan ang lima!"
Nagsisunod naman ang ibang asungot sa baliw at napaka-torpe nilang kaibigan na si Kean. Pagkatapos nilang pumalakpak, sinamaan ko sila ng tingin.
"Gusto niyo bang balatan ko kayo ng buhay?"
Umiling silang lima at nagpameywang si Acey. "Para naman fair, manlilibre rin kayong lima gaya ng ginagawa naming mga babae."
Sumimangot si Dennis mula sa sinabi ni Acey. "Bakit? Dapat hindi kami kasama ah?"
"You should, handsome buddies. Kasama kaya kayo sa mga inililibre namin sometimes. Errr." si Best, back to normal. As in back to kaartehan sa pananalita at pagkilos. -_-
Si Patch naman ang nagsalita. "Mabuti nga kayo, sabay-sabay lima na manlilibre compared naman sa aming mga babae, by partners everyday. Tsk."
"Ok, I'm into it."
BINABASA MO ANG
Love Quarrel
Teen Fiction[COMPLETED] ✔ Love vs. Quarrel A girl who fights for her right to love someone. Story Plot: February 17, 2013 Posted in Wattpad: February 15, 2015 Date Finished: June 2, 2017 Genre: Teen Fiction, Romance, Friendship, Highschool (c) rhoanne18