Hazel's PoV
Dinala ko yung iPod Touch ko dahil nag-GM yung representative ng class namin na shortened-period lang kami. May meeting ang mga teachers ngayong araw at biglaan daw yun.Pagkarating ko sa school, hindi ko inaasahang makita ang pinakamabait na tao na nakilala ko sa buong mundo.
"It's nice to see you here, Hazel." yung ngiti niya, masyadong fake.
"Thanks, pero sorry hindi ko gusto makita ang pagmumukha mo ngayon. Nakakasira na agad ng umaga."
"How dare you--"
"Lean." Biglang may dumating na lalaki at hinawakan sa balikat si Lean.
"Ford! I'm so glad na makita ka dito!"
At tingnan mo nga naman ang babaeng 'to, makayakap kay Ford wagas. Sabagay, 'close' daw sila eh, hayaan na nga. Pati ano bang iniisip niya? Na magseselos ako sa ginawa niyang pagyakap? Bakit? Ang alam ko hindi naman 'kami' ni Ford.
"Ganyan na pala ang pagwewelcome ng mga malalandi sa mga tao ngayon."
"Gusto mo bang yakapin rin kita, Hazel? Baka pagsisihan mo at hindi ka makahinga dahil sa sobrang higpit."
"No thanks. Mahirap tanggalin ang isang nakapulupot na ahas."
"Kanina ka pa! Ugh! Look what that b*tch told me last time, Ford!" nagmamakaawa si Lean kay Ford habang nagpapanggap na naaapi.
Tiningnan ako ni Ford at tinaasan ko lang siya ng isang kilay. "Auntie wants to talk to you. Pumunta ka daw sa office niya."
"Fine."
Sinamaan niya ako ng tingin pero nginitian ko lang siya habang naglalakad sila ni Ford palayo. Hindi ko hinayaan pang insultuhin siya ni Ford dahil magsusumbong nanaman ang bruha na yon sa mga magulang niya. Palibhasa, napaka-isip bata.
"Hahaha! Ano sa tingin mo sa sarili mo Hazel, hindi isip-bata? Feeling mo, napaka-matured mo na sa kalagayan mong yan?" Gusto ko ng isaksak kay Kean ang tinidor na hindi niya pa nagagamit. Nakuha pang pagtawanan ako at lokohin. Buti nga at sinabi ko pa sa kanila yung nangyari kanina at yung tungkol sa pagtulong ko kay Ford para tantanan na siya ni Lean.
Nasa canteen ako kasi ngayon (as usual, with Tropang Cupcake Monsters plus Kean) at nagkukwentuhan kaming lahat.
"Ayos nga na hindi na umeksena si Lean sa Quadrangle ng makasalubong ko. Pero napaka-arte pa rin." sabi ko.
"Mabuti na lang talaga, Hazel. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na basagin ang mukha niya, kahit mas maganda pa siya sa akin."
Dapat aasarin panigurado ni Best si Patricia sa mga sinabi niya pero tahimik lang ito at parang naboboring sa kanyang kinauupuan.
"Tama ba sinabi ko, Celestine?"
Itinulak ni Patch si Celestine kaya parang nagising ang diwa nito.
"Huh? Ano nga ba sinasabi mo kanina?"
"Kill joy ka ngayon ah? Ano bang nangyayari sayo at parang sinasapian ka ni Mabel? Huwag mong sabihin na tinatangay na rin ng hangin ang utak mo?"
"Patch, bakit?" tanong ni Mabel kay Patricia dahil hindi rin ito nakikinig at nagtakha lang siya ng marinig ang pangalan.
"Sabi ko, maganda ka Mabel."
"Yeeyyy! Thank you Patch!"
"Tsss, kahit kailan hindi ako magiging si Mabel. May hinihintay kasi ako." paliwanag ni Celestine kay Patch. Nakita ko namang inilabas niya ang kanyang phone at binuksan iyon.

BINABASA MO ANG
Love Quarrel
Ficção Adolescente[COMPLETED] ✔ Love vs. Quarrel A girl who fights for her right to love someone. Story Plot: February 17, 2013 Posted in Wattpad: February 15, 2015 Date Finished: June 2, 2017 Genre: Teen Fiction, Romance, Friendship, Highschool (c) rhoanne18