Hazel's PoV
Panibagong araw nanaman. Nagising ako ng maaga kaya naunahan ko si Acey sa salas.
"Himala, ang aga mo ngayon."
Isinakbit ko yung violet kong bag sa likod ko. "Syempre, para maunahan ka."
"Tsss."
School
Pagkarating namin sa classroom, nakita ko agad ang pangit na mukha ni Kean. -____-
"Senior, ang aga mo tumambay sa classroom." Ayan na lang yung bati ko sa kanya.
"Dito na lang ako kakain sa classroom niyo para masaya!"
Masaya?! Baka siya lang.
"Bahala ka na nga."
Umupo ako sa proper seat ko para mag-iPod.
"Absent pa rin si Ford ngayon. Yung iba naman e nasa Gymn."
Narinig ko yung sinabi ni Kean kaya inisod-isod ko yung upuan palapit sa kanila. Baka sakaling malaman ko kung bakit siya absent.
"Hindi rin ba nagrereply sayo?" tanong ni Acey kay Senior.
"Hindi ko naman kasi tinetext."
"Why?" si Best naman ang nagsalita.
"Basta. Masamang itext yun kapag wala siya. Siya dapat ang magtetext sa amin. Ayaw ng istorbo."
Itatry ko sanang itext yung unknown number na nakita ko sa phone kagabi pero hindi ko itinuloy. Kailangan kong itanong muna yung number kina Kean para sure na sure... yung hinala ko... na kay Ford yung unknown number.
Plus, itatanong ko rin yung about sa text under ng unknown number.
Pumasok naman si Dennis sa classroom at tinawag niya si Kean.
"Magsisimula ng maglaro sina Lysa. Bilisan mo na dyan!"
"Oo na!-- Saglit lang Dennis!"
Naubos naman ni Kean yung kinakain niya sabay takbo palabas ng classroom. Bigla-bigla kasing umalis si Dennis matapos magsalita. Excited lang?
"Nang-iiwan si Senior!" reklamo ni Mabel.
"Guys, CR lang ako."
"Best! Samahan na kita."
Gusto sana sumama ni Celestine sa akin pero pinigilan ko siya.
"Madali lang ako. Maghuhugas lang ako ng kamay."
"Okay?"
Tumakbo na ako palabas ng classroom at nagsimulang hanapin yung dalawang asungot.
Ang bilis naman nila maglakad. Ilang segundo lang for sure matapos silang lumabas ng classroom, nawala na agad sila sa hallway.
Since 2nd Floor ito, medyo nagdahan-dahan ako sa pagtakbo ng papalapit na ako sa Guidance Office. Bawal kasi tumakbo sa hallway. At baka pa ako mapagalitan ng principal kapag nakita akong tumatakbo.
Napag-isip-isip ko, pumasok kaya muna ako ng office? Baka kasi nawala sila agad dahil dumeretso sila dito.
Great idea.
Guidance Office
"Aha! Sinasabi ko na nga ba at nandito kayong-- lahat?"
Tumingin naman sila sa direksyon ko na parang gulat na gulat.
"Bakit kayo makatingin sa akin ng ganyan?"
Unang bumalik sa kanyang ginagawa si Dennis. "Bakit ka nandito?"

BINABASA MO ANG
Love Quarrel
Roman pour Adolescents[COMPLETED] ✔ Love vs. Quarrel A girl who fights for her right to love someone. Story Plot: February 17, 2013 Posted in Wattpad: February 15, 2015 Date Finished: June 2, 2017 Genre: Teen Fiction, Romance, Friendship, Highschool (c) rhoanne18