Chapter 78: Kiss

34 2 0
                                        

Lysa's PoV  
  
  
   
Nyehehehe! Tinakbo ko na mag-isa ang dapat kong puntahan na mamahaling restaurant. Nasa bayan ito naka-locate pero kahit malayo, nakeri kong takbuhin. Tinamad akong magcommute eh. XD

Pagkapasok ko sa resto, nakita ko si Love na mag-isang nakaupo sa table habang may binabasang libro.

"Hello Love!!!!!!~"

Sinamaan ako ng tingin ni Love dahil sa pagtawag ko sa kanya. Bakit kaya? Hindi naman siguro napalakas yung pagkakasigaw ko sa pagtawag ah. Di ba?

"Hindi ka ba natutuwa na nakita ako? ;___;"

"Nakakahiya yung ginawa mo."

Tiningnan ko ang buong paligid at nakita ang mga tao na nakatingin sa amin. Nagpeace sign na lang ako sa kanila para humingi ng tawad. Syempre in behalf rin 'yon para kay Love.

Pagkaupo ko sa upuan, hindi ko makita yung mukha ni Dennis dahil natatakluban ito ng libro.

"Bakit hindi kana lang sa library tumambay?" tanong ko.

"Ano?"

"Magbabasa ka lang ata dito ng libro eh. Nagugutom na ako. :3"

"Tss."

Padabog niyang sinara ang libro atsaka tumayo na. Wiiih~ Oorder na siya ng foods!

Paalis na sana siya ng pigilan ko.

"Bakit?"

"Ano... uhh... hindi mo ba ako tatanungin kung anong gusto ko?"

"Ano bang gusto mo?"

"Meron ba ditong sprinkles at chocolate chip cookies?" *Q* Kanina ko pa gusto kumain nun eh.

"Wala."

Umalis na siya sa tabi ko kaya natahimik na lang ako dito sa table. Ang bad ni Love. Tinalikuran agad ako. Ano kaya ioorder nun sa akin? =w=

Nakabalik na rin agad siya kaya may nakasama na ulit ako dito.

"O, ang tahimik mo ata?" tanong niya sa akin.

"Hinuhulaan ko kasi yung inorder mong pagkain eh." ^w^

"It's lasagna." Hala. Lasagna nanaman. (TTwTT)

"Bakit lasagna?" tanong ko. Parang gusto ko pa naman e sweets ngayon. Huhuhu.

"Dahil kung anu-ano nanaman ang isasuggest mo."

"Paano kung ayoko ng lasagna?"

"Ipapaiba ko."

"E? Pwede ba 'yon?"

"Kung ayaw mo edi sa akin na lang. =_="

Grabe si Love! Anong kakainin ko kung ayawan ko yung inorder niya?

"Sige, ok lang kung lasagna." Hindi na siya nasawa sa favorite niya eh.

After makarating ng mga pagkain, nagsimula na siyang kumain habang ako ay nakatingin lang sa kanya.

"Ayaw mo pang kumain?"

"Di pa ata ako nagugutom eh."

"Kumain ka."

"Ihhhh--"

"Kain."

Kinuha ko yung spoon atsaka nagsimulang kumain. Baka kasi magtampo si Love kapag di ako sumunod.

Natapos kami sa pagkain pero di pa rin nakakaalis sa resto. Medyo malapit ng mag gabi. May balak kaya siyang umuwi?

"Di pa ba tayo uuwi?" tanong ko.

Love QuarrelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon