Yuna's PoV
Naghikab ako at naramdaman ko na rin sa wakas ang antok.
Matapos kong itago ang kaninang binabasang libro sa cabinet, nagulat ako nang marinig na tumunog ang doorbell ng aming bahay.
11 pm na ah. Sino naman kaya 'yon?
Mga maids lang namin ang kasama ko sa loob ng mansyon. Umuwi ang parents at dalawa kong kuya sa probinsya dahil may balik-bayan kaming kamag-anak.
Although may family outing kami at that exact date na dumating siya, hindi muna ako sumama sa kanila dahil ayokong umabsent sa school. Buti na lang at special holiday bukas kaya makakasunod na rin ako papuntang province.
Pagkababa sa salas, binuksan ko ang ilaw sa terrace para tingnan kung sino ang tao sa labas. Nang makilala kung sino ito, laking gulat ko nang makita si kuya Ford matapos akong sumilip sa malaki naming bintana.
Bihira na kasi siya bumisita sa mansyon kaya ganun na lang ang gulat ko nang mapag-alamang siya ang tao sa labas.
Para hindi na siya maghintay ng matagal, agad kong ini-unlock ang pinto at ito na ang pagkakataon na makausap siya after all these years.
"Hey." bati niya sa akin.
"Anong ayos mo? Mukha kang bampira ha."
Nakasuot ba naman ng black na t-shirt. Para pang tuxedo yung yari. Idagag mo pa ang mga red design na nagmimistulang rose na bulaklak.
"Nagpapauso lang ng outfit."
"Niloloko mo ba ako? Anong trip mo at napadpad ka sa pamamahay ko?"
Hindi naman sa nagsusungit ako sa kanya. Hindi ko lang mapigilan na magtaka kung bakit siya napadalaw dito sa mansyon namin. Sa tinagal-tagal ba naman ng pagkakaibigan namin, ngayon lang ulit niya ako kinausap.
"May kasama akong limang babae. I know that you can do me favor. If I'm not mistaken, they are already your new friends." sabi niya sabay ngumisi pa sa direksyon ko.
"Pasalamat ka at childhood friends tayo. Akala ko naman kung ano na. Tagal mong hindi napadpad dito ha. Oo nga pala, sinu-sino ba mga kasama mo?"
Lumingon ako sa likod niya at natuwa dahil sina Hazel pala ang sinasabi niyang mga kaibigan ko.
"Ikaw na bahala sa kanila, ok?"
"Sure."
Bago siya umalis, ginulo niya ang buhok ko sabay tinapik ang aking balikat. We are close since childhood years because I am the younger sister of one of his first friends in this town which is no other than my two older brothers.
Honestly speaking, nakakamiss rin pala ang taong ito dahil matapos ang pagiging bata namin, malimit na siyang umaalis ng bansa para dumalaw sa kanyang mga magulang.
Noong magtransfer siya sa West Academy, akala ko ay hindi na niya ako natatandaan at kilala.
But it turned out that all my thoughts were wrong. Dahil sa bago kong mga kaibigan, bumalik rin ang pagkakaibigan namin ni kuya Ford.
Living Room
Nang makaalis na si kuya Ford, pinapasok ko ang lima sa loob ng mansyon. Matapos ang maikling oras, pinaupo ko sila sa couch nang makapagpalit na sila ng damit.
Nakakapagtaka lang kung bakit nagkasya sa kanila ang mga damit kong pinahiram, haha.
"Nagdrama ba kayong lahat? Pugto mga mata niyo." sabi ko matapos umupo sa tabi ni Mabel.
Bigla silang nagtawanan.
"Except sa akin." proud na sabi ni Mabel.
"Grabe, napagod ako ngayon ah." nakita kong naghikab si Hazel.
BINABASA MO ANG
Love Quarrel
Novela Juvenil[COMPLETED] ✔ Love vs. Quarrel A girl who fights for her right to love someone. Story Plot: February 17, 2013 Posted in Wattpad: February 15, 2015 Date Finished: June 2, 2017 Genre: Teen Fiction, Romance, Friendship, Highschool (c) rhoanne18
