Hazel's PoV
🎶 Let's go crazy, crazy, crazy 'til we see the sun
I know we only met but let's pretend it's love
And never, never, never stop for anyoneTonight let's get some and live while we're young
Whoa oh oh oh oh oh oh oh
Whoa oh oh oh oh oh oh oh and live while we're young
Whoa oh oh oh oh oh oh ohTonight let's get some and live while we're young 🎶
Nasa canteen ako ngayon kasama ang barkada hindi dahil sa magfoofoodtrip kami hangga't hindi pa nagriring ang warning bell. Tuwing umaga ay nandito kaming magkakaibigan dahil sa ibang rason. Nakikipagmeet kami kay Kean, na naka-ugalian ng magbreakfast sa school, para magkaroon sila ni Acey ng time sa isa't-isa. Damay kaming lahat sa kanilang moment para daw hindi na kami magtampo ulit kapag sila lang ang magkasama. As if naman nagtampo nga kami noon. Jusko."Hindi ka pa ba tapos d'yan?" tanong ko kay Kean na katapat ko lang.
Itinaas niya ang kanyang kanang kamay hudyat na hindi pa siya tapos kumain. Habang hinihintay siya, nakikinig lang ako sa music na pinapatugtog ni Acey.
"Hoy Celestine! Ibalik mo nga sa akin 'yan!" sigaw ni Patch na nakakuha ng atensyon ko. Nag-aaway na naman ba sila?
"Huwag ka nga masyadong subsob sa pag-aaral. Errrr. Gusto mo bang makipagpalit ng mukha sa book na 'to?" angal naman ni Celestine.
Napa-irap na lang ako dahil sa kanilang dalawa. As in normal na talaga sa kanila ang mag-away. Nagmumukha silang a so't pusa. Kayo na lang mamili kung anong hayop ang bagay sa kanila.
"Patay ka sa akin Celestine! Nako naman!"
"Di mo na 'to mababawi sa akin. Hahaha. So sad."
"Akin na sabi!"
"Na-ah."
"Ayokong tumulad sa'yo na tamad!"
"Maganda naman."
"In your dreams!"
"Sorry, but that's the truth."
Habang may World War 3 sa gilid ko, napansin ko si Yuna na busy lang sa pagbabasa. Kasama namin siya ngayon kasi may laban sina Lysa at Jia sa ibang school ng volleyball.
"Bago?" tukoy ko sa libro.
"Yup. Bigay ni Kuya Caden."
Ah.
"Mukhang more than 5 ang natatapos mo every week." biro ko sa kanya.
Ngumiti siya sa akin. "Hindi naman."
Mukhang wala atang balak sawayin ni Acey yung dalawa. Busy sila ni Kean sa pagkain eh. Si Mabel naman, natutulog lang sa tabi ni Yuna. Well, to ease the boredom, makikipag-usap na lang ako kay Yuna.
"KAYONG DALAWA! TUMIGIL NGA KAYO SA PAKIKIPAG-AWAY." rinig kong sigaw ni Acey sa dalawa. Ikaw ba naman matamaan ng notebook sa mukha. Sa wakas, hindi na magulo dito sa table.
Art Club Room
Dalawang oras na ang nakalipas noong tumambay kami sa canteen. Ngayon naman, nasa Art Club Room na ako. Nag-aayos lang ako ng mga projects sa table nang biglang may tumabi sa akin."Hey."
Inirapan ko lang siya.
"Huh? Why? May nagawa ba akong mali?" taka niyang tanong sa akin.
Hindi ko siya tinitignan. Pero in my peripheral view, kita ko na nagulat siya sa ginawa ko. Hmmp, nagtataka kayo kung bakit ko siya inirapan? Wala lang. Sarap lang nitong asarin.
BINABASA MO ANG
Love Quarrel
Teen Fiction[COMPLETED] ✔ Love vs. Quarrel A girl who fights for her right to love someone. Story Plot: February 17, 2013 Posted in Wattpad: February 15, 2015 Date Finished: June 2, 2017 Genre: Teen Fiction, Romance, Friendship, Highschool (c) rhoanne18