Hazel's PoV
It's already our second day in school at nakakaramdam na agad ako ng katamaran. Ito kasi ang araw na kung saan magsisimula ng magturo ang lahat ng mga teacher dito sa West Academy.Medyo binibilisan ko ang paglalakad sa hallway papunta sa classroom namin. 7:46 am na kasi eh. Late na akong nakarating sa school dahil hindi na ako dinaanan ni Acey kanina sa bahay. Sabi niya sa akin sa text, kay Mabel na lang daw siya ulit sasabay papasok sa school. Bukod sa mas malapit ang kanilang bahay sa isa't-isa, ayaw niya kasing pinaghihintay ng matagal.
Ewan ko ba d'on. Hindi naman aalis ang school kung hindi siya papasok ng maaga. -_-
Noong mapatapat ako sa classroom namin, merong dumanggi ng balikat ko. Just like yesterday, bumalandra na naman ang mga gamit ko sa sahig!
Tiningnan ko yung tao na nasa gilid ko. As expected...
"Oh, it's you again. You were also that girl who bumped into me yesterday, am I right? A mere coincidence, huh." sabi niya bago magsmirk.
Biglang tumaas ang isa kong kilay.
"Anong sabi mo?"
Ang lakas ng loob nitong sabihin na ako ang nakabangga sa kanya kahapon ah. Halatang hindi sinasadya ang bungguan namin ngayon. May co-i-coincidence pa siyang nalalaman. Isa pa, mang-aagaw siya ng line!
Dahil napipikon na ako sa kanya, kwinelyuhan ko siya at nagulat ito sa ginawa ko.
"You Headset Guy! Kapal rin ng mukha mo 'no?! As if naman na ako ang BUMANGGA sa'yo kahapon." I said while giving him my deadliest glare.
Akala ko'y natakot siya sa ginawa ko dahil hindi siya nakapagsalita ng halos isang minuto. To my surprise, nawala ang pagkagulat niya kanina dahil unti-unti siyang ngumingiti sa akin.
Hindi talaga siya natitinag ha!
Mas lalo akong nainis matapos mag-iba ang simple niyang ngiti.
He flashed his signature smirk like what the heck?!
"Is that so? Okay, I'm sorry."
Noong binitawan ko na siya, gusto ko naman siyang sakalain matapos magwink sa akin.
What's wrong with this guy?!
Dahil sa kakaisip kung bakit ako trip ng lalaking 'yon, hindi ko namalayan na pumasok na pala siya sa classroom. Sakto at nag ring na ang warning bell ng school.
Bigla-bigla ay may napansin akong tao na nakatayo sa kaliwa ko. Noong nilingon ko siya, bigla akong nagulat.
"Ms. Condez, mind telling me your reason why are you still outside the classroom?"
Okay. Siya lang naman ang geometry teacher namin ayon sa sinabi ng aming adviser kahapon. Napaka-terror daw nito at ang number one rule niya sa klase ay bawal ang tardiness. Uh oh.
"Uhmm, m-may nakabunggo po kasi sa a-akin kanina. Kaya po ako nandito para k-kuhanin ang nahulog kong mga gamit." kinakabahan kong sabi sa kanya.
Kumunot ang noo nito.
"Bilisan mo na lang sa pagpupulot ng mga gamit. Maya-maya'y pumasok ka na sa classroom."
Naiwan ako sa hallway nang pumasok na siya sa loob. Noong marinig ko ang pagbati ng lahat sa Geometry teacher namin, yumuko ako at nagsimulang pulutin ang mga nakabalandra kong gamit sa sahig.
Bwisit talaga ang Headset Guy na 'yon. Lalo na doon sa part na nagsorry siya. As if namang sincere 'yon! Tch!!!
Lunch Break
Kain lang ako ng kain habang busy magdaldalan ang mga kaibigan ko. Sa kalagitnaan ng pagsubo ko ng pagkain, napansin kong nakatingin na pala sila lahat sa akin for unknown reason.
BINABASA MO ANG
Love Quarrel
Jugendliteratur[COMPLETED] ✔ Love vs. Quarrel A girl who fights for her right to love someone. Story Plot: February 17, 2013 Posted in Wattpad: February 15, 2015 Date Finished: June 2, 2017 Genre: Teen Fiction, Romance, Friendship, Highschool (c) rhoanne18