Yuna's PoV
"Parang kailan lang noong nagsimula tayong makapaglaro ng volleyball."
I'm not reading books right now. Mas pinili kong makipaglaro kila Jia at Lysa ng volleyball kesa magbasa.
Minsan ko ng tinalikuran ang sports na 'to pero hindi ko mapagkakait na namimiss ko rin maging varsity player.
After ng training nilang dalawa, nagyaya akong maglaro ng volleyball. Noong una nagtaka sila sa ginawa ko. Dahil gusto rin nila, hindi na sila nagtanong pa kung ano ang pumasok sa isip ko na maglaro.
I'm usually reading books while waiting for the two. Pero buong training nila ay nanood lang ako.
Dennis is with me. Ilang oras kaming nag-usap tungkol sa kanilang dalawa.
He has changed a lot from our past years in high school. Halos bihira ko na lang siyang nakikita na bad mood at seryoso. Malimit na siyang nakikipagkulitan kila Luke. And he becomes sweet to Lysa so much.
Dalawang taon na nila akong pinapakilig sa love story nila. Wala e, sila yung favorite kong couple.
Pero meron atang makakakuha sa place nila. :)
"Siguro namimiss mong maglaro ng volleyball noh?" biro sa akin ni Jia bago masalo yung bola.
"Masama ba?" sabi ko habang nakangiti.
And maybe me, mukhang nag-iba na rin mula sa nakaraan.
"Nyahahahaha! Sayang, ito na ata ang last game natin ngayon."
Lysa's right. Ito ang pinakahuling araw ng paglalaro namin dito sa gymnasium. Isasara na kasi ito by next week dahil sa graduation. Wala ng makakagamit nito dahil ang tanging bukas na lang ay Auditorium.
"Even this will be the last game, maipapatuloy pa naman natin ang paglalaro sa college di ba?" tanong ko.
Suddenly, ngumiti sina Lysa at Jia sa akin. I know that we will be busy in our college life. Pero sana, hindi mawala ang bonding na 'to.
"Ano ka ba! May summer vacation pa tayo na pwedeng sulitin sa volleyball. Pati nandyan naman sila Hazel ah?"
Hindi ko nasalo ang bola ng iserve ito ni Lysa.
"T-Tama. Pero marami akong mamimiss."
I should not cry infront of them. Hindi naman mawawala ang memories eh. But iba kasi kapag may maiiwan ka.
It's hard to move on. Moving on is not the anwer to forget all the past. It is about looking forward and making all the memories be your guide for the future.
Lumapit sa akin ang dalawa at niyakap ako. I will miss everything in this school. Pero nandyan naman sila sa pagpunta namin ng college life.
Kaya dapat wala na akong alalahanin pa.
Kasi nandito ang barkada... na kahit magkahiwalay man... panghabambuhay naman ang pagkakaibigan.
Next Day
Ilang araw na lang bago ang graduation kaya wala na kaming ginagawa sa school kundi umattend ng practice.
"Wala bang manlilibre ngayon?" Nagkaroon kami ng 30 minutes bago magpatuloy sa graduation practice. Si Celestine yung nagtanong kung wala bang manlilibre.
Namimiss ko na yung panlilibre namin every week. Hindi na kasi 'to naituloy dahil kalimitan ay kanya-kanya na kami ng kasama sa pagfoofood trip.
Ganyan talaga kapag may love life na. Haha.
"Ayoko rin namang manlibre ngayon. Hmmp, sino ba ang dapat nanlilibre every Friday?" tanong ni Patch sa amin.
Biglang dumating si kuya Ford atsaka inilapag yung green notebook sa harapan namin.
BINABASA MO ANG
Love Quarrel
Teen Fiction[COMPLETED] ✔ Love vs. Quarrel A girl who fights for her right to love someone. Story Plot: February 17, 2013 Posted in Wattpad: February 15, 2015 Date Finished: June 2, 2017 Genre: Teen Fiction, Romance, Friendship, Highschool (c) rhoanne18
