Kenzo' POV.
Continuing...
Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa nakita ko. Tama bang ako yung nahiya sa kanila oh dapat sila?.
"Anung nangyari doon?" Tanong ng usoserong si Tyron nang lapitan nya ako.
"Nakita mo naman diba, bakit kailangan mo pang tanungin kung anung nangyari?"masungit kung sagot then pumasok na ako sa pinto at sumunod pa din ang loko-loko.
---------------
Maya-maya nagdatingan na din si Marco at Skye.
"Nakita nyo yung ganap kanina?" Exaggerated na tanong ni Marco then natawa si Skye.
"Chismoso ka talaga noh. Anu naman kung makita natin silang ganun. Normal lang yun dahil ikakasal na sila at isa pa hindi na sila bata"pagtatanggol ni Skye saka sya tinignan ni Tyron.
"In fairness, talagang hindi pa din nagbabago ang figure ni Morgan kahit pa may anak na sya, ay anak pala nila ni Kenzo diba?" Pagbibiro ni Tyron then inirapan ko lang sya at nagtimpla na lang ako ng coffee.
Pinapakinggan ko lang ang mga pinagsasabi nila pero halos sumabog ako dahil sa pananahimik ko.
"Anu naman ang naramdaman mo kuya nang makita mo sila sa ganung sitwasyon?" Tanong ni Marco then bigla ba naman akong nasamid.
"Shhiiitt" pagmumura ko dahil lumabas ba naman sa ilong ko yung kape dahil sa nakakabiglang tanong na yun ni Marco.
"Relax. Hindi ka naman dapat mataranta ee" sabi ni Tyron then naghugas na lang ako at napag-isip ng ganito.
"I'm too addicted to Morgan. Every details at curved ng katawan nya memoryado ko. Ni minsan hind sya nawala sa fancy dreams ko. Even sa real world na ginagalawan ko. Kaya naman gulat na gulat ako nang nakita ko sila ni Vincent kanina. May kirot sa puso ko na makita ko siyang may iba na at sa harap ko pa talaga" sabi ko sa sarili ko then bigla ba naman may kumalambag sa tabi ko kaya natauhan ako.
"Pre, nandito kapa ba sa amin? Sa lalim ng iniisip mo ayaw mo nang pakawalan nyang faucet na hawak mo ahh. Kanina pa nakatiwang-wang yang tubig ohh" pagpuna ni Tyron then para akong nagising kaya agad kung pinatay yung faucet.
"Lalabas lang muna ako" sabi ko then pinagtawanan nila ako pero hindi na lang ako nagpa-apekto.
"Umiiwas kaba dahil apektado ka or umiiwas ka lang kasi wala ka nang pakialam sa kanya?" Seryosong tanong ni Tyron kaya naman imbes na lalabas na ako ee hinarap ko sya.
"Hwag nyo nang pag-usapan ang buhay ng iba. Dahil kahit anung gawin nila wala na tayo doon" matapang kung sagot then tumango-tango si Marco.
"Tama ka naman kuya pero tama bang dito pa sila magkalat?" Seryosong sabi ni Marco kaya naman hinampas sya ni Skye.
"Hindi pagkakalat ang tawag doon. At kungsa tingin mo sinadya nila yun, pwes gusto kung malaman mo na may mali sa nangyari. Hindi ganun mag-react si Ate Morgan kung talagang wala syang tinatago?" Napuzzle kaming lahat sa sinabing yun ni Skye kaya nagpasya na lang talaga akong lumabas.
---------------
Main Resorts Lobby...
Nakasalubong ko si Zailey at Caiden kasama si Andres.
"Hwag mong sabihing iiwasan mo pati yung bata?" Tanong ni Caiden nang harangin nya ako dahil aalis na sana ako ee.
"Alam nyo kung paano ako nagmakaawa sa kanya noon. Halos nakipagpatayan na ako para lang maipaglaban ang karapatan ko, tapos bumalik-balik sya para sabihing anak ko ang batang yan?" Sagot ko witha cold voice.
BINABASA MO ANG
Unwanted Status (7RWIS-book2)
RomantizmMy Unwanted Status, took my entire life and dignity. How come na ang lalaking pinangarap at hinanap ko ay iisa. Na syang dahilan kung bakit nagpakababa ako ng husto para lang may napatunayan ako sa pamilya ko at sa lahat ng taong minamata ako. Putt...