Morgan's POV
Family Hospital.
Paggising ko may dextrose na sa kamay ko at may mga plaster na ang mga sugat ko. Pero andoon pa din yung sakit sa may neck at likod ko.
Door Slammed...
Si Kuya Landon lang pala.
"Hindi nakapunta si Dad, nasa Meeting pa sya ngayon" sabi nya then hinadkan nya ako sa noo at niyakap nya ako.
"Hindi nyo na sana ako dinala pa dito. Kung anu-ano na naman ang pinagtutusok at pinapainom nila sa akin. Kuya iuwi mo na ako" natatakot na pagmamakaawa kung sabi kay kuya Landon.
"Dumaan kanina dito si Caiden, tulog kapa dinalhan ka nga nya ng favorite coffee mo" tinuro ni Kuya Landon yung coffee, with note pa na "Pagaling ka Morgan." Then inabot nya yun sa akin.
"Gusto kung makita si Kuya Zion" sabi ko kay kuya Landon the ginulo nya ang nanahimik kung buhok.
"Mamayang gabi pa yun matatapos sa Meeting nya, at sa ngayon hindi muna kayo pweding magkita og mag-usap" malungkot na sagot ni Kuya Landon then inalalayan nya ako sa pag-tayo.
"Pero bakit bawal kuya? At si Patch asan sya?!" Kunot-noo kung tanong then nagkibit balikat si Kuya.
"Basta Morgan, bukas p makakapunta dito si Patch." sagot ni kuya
"Si Caiden hindi ba nya alam ang nangyari sa akin?!" Malungkot kung tanong then
"Tinawagan ko na sya kanina at pupunta daw sya" sagot ng kuya ko habang nakatingin sya sa akin at abala syang inaayus ang ibang gamit ko.
"Kuya gusto ko nang lumabas!" Naiiyak kung sabi sa kuya ko. Actually naduduwag lang ako sa Hospital kaya eto parang takot na takot ako.
"Morgan, sabi ng Doctor mo hindi mo pa kaya, kailangan mong magpahinga at isa pa hindi ka naman mukhang nasa hospital ahh. At
Inabisuhan ko na sila na hwag silang papasok pag gising ka" malambing na sagot sa akin ni kuya."Uuwi na ako sa condo, ayoko dito" naiiyak kung pakiusap kay kuya.
"Dad and I decided last night na sa bahay kana ulit titira Morgan at hindi kana babalik sa condo mo" malungkot na sabi ni Kuya then tinignan ko sya ng masama.
"AYOKO DOON" inis kung sagot then nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni kuya
"Morgan, ayaw na naming maulit tong nangyari sayo ngayon, kaya sa ayaw at gusto mo babalik ka sa bahay" tumayo ako at tinignan ko si Kuya Landon.
"Alam mo naman kuya na ayoko sa bahay na yun diba, at isa pa akasidente lang naman yung nangyati ee" umiling si Kuya Landon.Naiiyak ako sa reaksyon nyang yun. Si kuya kasi yung kapag may sinabi dapat sundin at dapat mangyari."Sa labas lang ako, kung may kailangan ka Morgan, tawagan mo lang ako." di ako sumagot oh tumingin noon kay Kuya Landon, naiinis ako ng sobra.
_______________
Lumipas ang maghapon, ni di man lang talaga ako kumain at uminom ng kahit anu. Di nagtagal dumating na sa wakas si Kuya Zion kaya naman ako na mismo ang tumayo para makalapit sa kanya.
"Oh, kumusta kana?" Yumakap ako sa kanya then sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib nya. "May injury kapa sa noo kaya hwag kang masyadong magkikilos Morgan" maingat na inangat ni Kuya ang mukha ko at hayon nakita nyang dumugo ang sugat ko tas sabayan pa ng iyak ko
"Please kuya take me, ilabas mo ako sa hospital na to, bago pa ako iuwi ni Kuya Landon sa bahay" pagmamakaawa ko then inalalayan ako ni Kuya sa kama
"Morgan----nala-man --ni Dad ang ginagawa mo. Sinubukan ko talagang pagtakpan at ipagtanggol ka, kaya nagkasagutan kami. Hindi nga nya ako pinapapunta dito para walang kumanpi sayo." malungkot at dismayadong sagot ni Kuya kaya naman nanlumo ako
BINABASA MO ANG
Unwanted Status (7RWIS-book2)
RomanceMy Unwanted Status, took my entire life and dignity. How come na ang lalaking pinangarap at hinanap ko ay iisa. Na syang dahilan kung bakit nagpakababa ako ng husto para lang may napatunayan ako sa pamilya ko at sa lahat ng taong minamata ako. Putt...