Irex' POV.
Walang kahit anung tanong oh pagdadalwang isip na tinanggap kami ni Kenzo sa bahay nya kaya naman sobrang nagpapasalamat kami sa ginawa nyang pagtulong sa amin.
Pinaayus ko naman na sa abogado namin ang ginawa ni Matthew at nahuli naman na sya dahil na din yun sa tulong ng mga maimpluwensiya naming pamilya.
Gusto ko lang talagang tapusin ang kahibangan ng ate ko. Tatlong buwan na pala syang buntis at doon din lang namin nalamang may malubha syang sakit. Leukemia at ang sabi ng Doctor ay maaring lumala at hindi namaagapan ang sakit nya. Naawa ako ng husto sa kanya pero anu ang kaya kung gawin ngayon para sa kanya. Naalis ko nga sya sa poder ni Matthew pero may malubha naman syang sakit at buntis pa sya. Anung gagawin ko.
Nadatnan ko noon si ate Megan sa may balcony.
"Hwag mo na nga syang iisipin pa, pwede bang sarili mo na lang at ang magiging anak mo ang pag-tuonan mo ng pansin at tensyon ate?" Naiiyak kung sabi sa kanya dahil umiiyak sya at nakatulala sa kawalan.
"Hindi din magtatagal ang buhay ko, gusto kung ikaw ang mag-aalalaga at ituturing mong anak ang magiging baby ko. Alam kung hindi mo sya papabayaan Irex. Mahalin mo sya at hwag na hwag mong ibibigay kay Matthew, ipangako mo yun sa akin" tagubilin ni ate kaya naman tinigna ko sya ng masama.
"Anu ba yang pinagsasabi mo? Nababaliw kana ba huh ate?" Galit at bulyaw kong sagot sa kanya.
"Tanggapin na lang natin kung anung kagustuhan ng Diyos at kung anu ang magiging takbo ng lahat." Sabi nya kaya niyakap ko sya.
"Lalaban ka pa naman diba? Para sa magiging anak mo, para sa akin at para sa magiging... "natigilan ako ng umiling sya. "Susuko ka na lang ganun na lang yun? Para sayo okay na yun ate naman!" Reklamo ko then pininasan nya ang mga luha sa pisngi ko.
"Ang tagal ko nang nilalabanan ang sakit na to', ang tagal ko nang nagtitiis at nahihirapan. Okay na sa akin yung mailabas ko ang anak ko. Ikaw na ang magpapalaki sa kanya, ikaw na ang bahala sa kanya. Basta ipapangako mo na walang ibang makakapanakit oh makakakuha sa kanya" sagot nya kaya naman tinignan ko sya ng matagal sa kanyang mga mata.
"Ate...please kahit kunti lang subuka. Mong lumaban ulit. Magagamot kapa at gagaling kapa diba!?" Positibo kung tugon sa kanya then ngumiti sya at umiling.
"Magpakatatag ka. Tuparin mo lahat ng pangarap mo Irex. You deserved to be happy sis. Mahal na mahal kita lagi mong tatandaan yan" parang nagpapaalam na sabi nya kaya naman umiling ako at nainis ako sa kanya.
"Bakit ba ganyan ka magsalita. Pinapangunahan mo ang dapat na mangyayari pa lang. Ate naman ee" halos magalit na ako sa kanya mabuti na lang at nginitian nya ako kaya parang nawala yung pangamba ko sa mga pinag-sasabi nya.
----------------
Morning...
Kababa ko lang nang makita ko si Kenzo sa Dirty Kitchen at abala etong naghahanda ng breakfast.
"Masyado na ata kaming nakakaabala sayo Mr. Martinez?" Pamungad kung bati sa kanya kaya napangiti nya na talaga namang nakakahawang gayahin.
"Good morning. Ahm coffee?" Alok nya sa akin then ikinuha nya ako ng cup.
"Ako na, hwag ka nang mag-abala pa" sabi ko then nagsabay pa kami sa pagkuha ng cup kaya naman di namin naiwasang tignan ang isa't-isa.
"Namumugto ang mga mata mo, okay ka lang ba?" Seryoso nyang tanong sa akin then natawa ako.
"Yun din sana ang sasabihin ko sayo pero naunahan mo lang ako. Well okay lang ako. Eto kasing si ate kung makapag-habilin akala mo kung mawawala na sya" pilit kung pagbibiro pero sumeryoso ang tingin at mukha ni Kenzo sa akin.
BINABASA MO ANG
Unwanted Status (7RWIS-book2)
Roman d'amourMy Unwanted Status, took my entire life and dignity. How come na ang lalaking pinangarap at hinanap ko ay iisa. Na syang dahilan kung bakit nagpakababa ako ng husto para lang may napatunayan ako sa pamilya ko at sa lahat ng taong minamata ako. Putt...