Chapter 72 : Confirmed

288 7 0
                                    

Simon's POV.

Halos isang linggo na rin nakakalipas. At talagang lalo akong pinanghihina nang sakit ko.

Nasa London lang ako yun ang hiniling ko sa Dad at sa kapated ko. Tutal hindi naman na ako magtatagal, mas gugustohin kung malapit kay Morgan kahit na hindi nya ako nakikita.

"Sa tingin mo ba ikinabuti ang pagbibigay sa amin ng pera mo huh Simon. Bakit hindi mo sabihin ng harapan kay Morgan kung anung sitwasyon mo at kung anung nangyayari sayo?" Bulyaw sa akin ni Irex then tumayo na ako mula sa pagkakahiga ko sa kama kung saan ako nanatili di kalayuan sa Bahay namin.

"Wala na akong balak pang sabihin oh ipaalam pa kay Morgan ang tungkol sa sakit ko. Malapit na Irex, kunting panahon na lang." This time bumukas ang pinto at bumungad sa amin si Sandy.

"SI---MON? IREX?. BAKIT MAGKA-SAMA KAYO?" taka nyang tanong then pinabitawan ko sya sa mga tauhan ko.

"Hwag mong sabihing pati sya binayaran mo para manahimik?!" Kunot-noong tanong ni Irex then ngumiti ako.

"Maupo muna kayo sandali" sagot ko then para litong-lito si Sandy sa nangyayari.

"Akala ko ba nasa Japan ka? At akala ko ba  matatagalan pa bago ka bumalik?"takang-taka nyang tanong then padabog na naupo si Irex sa harap ko habang ako pasimple kung ininda ang kirot sa may ulo ko.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Irex then pilit akong  ngumiti sa kanya.

"Pinatawag ko para pakiusapan. Irex tigilan mo na si Morgan hwag mo syang pahirapan. At ikaw Sandy tigilan mo na ang pagpaparinig mo kay Morgan" sabi ko then napatayo bigla si Sandy.

"Anung ibig mong sabihin. Teka lang ahh. Ang sinabasi mo ba Simon is..." natigilan sya nang unahan sya ni Irex.

"There having an affair. Plinano ni Simon na magkita-kita kaming apat dito para ibalik si Morgan kay Kenzo. May stage 3 brain cancer sya and sinasabi nya sa akin na malapit na daw syang mamatay. How come na sisiraiin nya ang pagsasama namin ni Kenzo at ang pagsasama nila ni Morgon dahil sa gusto nyang maging masaya ang asawa nya!?" Umiiyak na sabi ni Irex then huminga ako ng malalim.

"Totoo ba ang sinabi nya Simon?"maluha-luhang tanong ni Sandy then tumango ako. Then sinugod nya ako at sinampal.

Agad na dumugo ang ilong ko at bahagya akong nakaramdam ng hilo.

"I'm dying soon. Please tulungan nyo akong mapasaya si Morgan. Hayaan nyo akong baonin ko ang mga ngiti nya sa pag-alis ko. Sa buong taong pagsasama namin ni Morgan, ni minsan hindi ko naramdamang minahal nya ako. Pakiramdam ko tuloy para ko syang ikinulong at pinatay sa sarili kung mga kamay. Kaya naman ako ang gagawa ng paraan para magkasama ulit sila ni Kenzo" sagot ko then hinila ulit ako ni Sandy kaya naman inawat sya ni Irex.

"Tumigil kana. Sa ginagawa mo, lalo mo lang paiiksihin ang buhay nya. Kaya pwede ba kumalma kana Sandy" nabagalit na sermon nya kay Sandy.

"Hinahayaan mo syang gawin yun. T*nga ka ba? Inakakasal na kayo ni Kenzo, may anak kayo. Anung klase kang babae at anung silbi mong tao?" Masakit na sumbat ni Sandy kay Irex then natahimik si Irex.

"Alam kung malaki kalokohan to', pero eto lang ang pwede kung gawin para kay Morgan" sabi ko then kinuha ko yung passbook para kay Sandy. "Take this, rebuild your company. Magagamit mo to at makakatulong to sa iyo" sabi ko then tinignan ako ni Sandy at hinampas nya lang ang kamay ko kaya nahulog sa harap ni Irex yung passbook.

Pinulot nya to at binasa.

"500 Million Pesos!?" Gulat na gulat nyang basa kaya napatingin si Sandy sa kanya.

"Sa tingin mo ba masusuhulan mo ako at mababayaran mo ako sa pananahimik ko. Simon, mag-isip ka nga. Anu sa tingin mo ang mararamdaman ni Morgan kapag nalaman nya to',. Masasaktan din sya kapag nawala ka." Humahagulgol nyang sabi kaya naman napayuko ako dahil parang maiiyak ako sa sinabi nya.

Unwanted Status (7RWIS-book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon