Chapter 74 : Game Over

259 7 0
                                    

Kenzo' POV.

House...

"Game over Kenzo." Sabi ni Irex nang patulak ko syang binitawan.

"Tumigil ka" inis na inis kung warning sa kanya dahil hindi na tumigil mula pa kanina.

"Huling-huli na namin kayo sa akto kaya hwag ka nang magsinungaling" sagot nya then tinalikuran ko sya.

"Matagal ko nang gustong makipaghiwalay sayo, pero hindi mo matanggap yun. Siguro  naman napaintindi ko na sayo kung anung totoong gusto ko diba at hindi ko na kailangang magpaliwanag sayo dahil tapos na tayo" Malumanay kung tugon sa kanya then hinili nya ang damit ko mula sa likuran at hinatak-hatak ako.

"Bakit ganun lang ba yun kadali?. Ganun din lang ba yun kabilis?. Kung ikaw hindi mo tanggap na iniwan at pinagpalit ka ni Morgan noon, pwes dapat naiintindihan mo din kung bakit ayokong makipaghiwalay din sayo ngayon." matapang nyang sagot habang hinahatak nya ako kaya naman hinirap ko sya para tumigil na sya.

"Hindi kita mahal at hindi kita kayang mahalin. Please tanggapin na lang natin to Irex. Wala namang magbabago sa relationship natin kay Sue. Ako pa rin ang tatay nya at ikaw pa rin ang nanay nya. Please gusto kung maging masaya this time" pagmamakaawa ko then naiyak ako ng husto.

"Ni minsan naman wala kang narinig sa akin diba?.Hinayaan kitang mahalin mo lang ang anak natin. Kahit hwag na lang ako, kasi kontento na ako na magkasama tayo, na ako yung katabi mo at ako yung nasa sulok lang ng mga mata mo. Daig ko pang bulag sa twing iniisip-isip mo noon si Morgan. Kahit sobrang nasasaktan ako, hindi ako nagreklamo oh nagtanong oh nanlimus sayo ng pagmamahal. Pero sana this time, tignan mo naman ako, piliin mo naman ako utang na loob Kenzo" pagmamakaawa nya then lumuhod sya sa harap ko at humagulgol ng iyak.

Sarado ang isip at ang puso ko sa lahat ng sinasabi ni Irex. Kahit ayoko syang saktan, mas mabuting maghiwalay na kami para wala nang mahirapan pa.

"I'm really sorry  Irex. Hindi ko na hahayaang mawala pa sya sa akin. Sa paraang alam ko sya mamahalin at ipaglalaban" sagot ko then inayus nya ang mukha nya at tinignan ako ng masama.

"Pwes, tignan natin kung anu din ang kaya kung gawin at patunayan para ipaglaban ka Kenzo" pagbabanta nya then bumukas ang pinto.

"Sorry, iyak kasi ng iyak si Sue, hinahanap ka nya Ate Irex" nakasimangot na sabi ni Skye then lumapit yung bata kay Irex at yumakap eto.

Tatangkain ko sanang hawakan sya pero hinampas ni Irex ang kamay ko.

"Hwag mong hahawakan ang anak ko mula ngayon" nanlilisik at galit na galit na saway ni Irex kaya naman  huminga ako ng malalim at wala akong nagawa.

-----------------

(After a couple of days.)

Halos magdilim na ang paningin ko dahil sa natatamo kung mga suntok ni Caiden at Tito George.

Walang magawa si Marco at Skye that time dahil talagang galit na galit din sila sa akin.

"Ang G*go mo Pre. Niloko mo kaming lahat. Paano mo nagawa kay Morgan yun. Hindi kapa ba nakontento sa kung anung meron kayo ni Irex?!" Galit na galit na tanong ni Caiden.

Pumunta sila sa London  para lang bugbogin ako at pahirapan ako.

"Mahal ko sya alam nyong lahat yan noon pa man" pangangatwiran ko then sinupa ako sa may likod ni Caiden then hinila ni Tito George ang damit ko.

"Kung alam ko lang na magkakaganito ka dito, sana hindi na kita hinayaan. Alam mo ba kung  gaano kabigat noong ginawa nyo. Alam mong kasal sila, at ikakasal kana din ee. Bakit sumawsaw kapa.?!" Pagpapamukha sa akin ni Tito then tumulo ang dugo sa may ilong ko at sa may bibig ko.

Unwanted Status (7RWIS-book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon