Morgan's POV.
Gallery...
Parati na lang akong binabantayan ni Sandy. Hindi ko magawang umalis ni makatawag lamang kay Kenzo. Para ko na kasi syang anino. Kung nasaan ako andoon sya.
Huminga ako ng malalim dahil hindi ako makapag-focus sa pinipinta ko.
"Pupunta lang ako ng CR, hwag mong sasabihing sasama kapa?" Pabulong kung tanong sa kanya then umiling lang sya.
"Look, masama bang tumambay sa gallery mo. Kung sa tingin mo binabantayan kita, hindi Morgan" natatawa nyang sabi then tinignan ko sya ng eye to eye.
"Kung ginagawa mo to dahil pinaghihinalaan mo talaga kami ni Kenzo pwes gusto kung malaman na mali ka" sagot ko then umiling sya na para bang hindi sya satisfied sa sagot ko.
"Hwag kang mag-alala wala naman akong pinagsasabihan ng ginagawa nyo ee. This time, sana naman hwag ka nang magpapagamit pa sa kanya Morgan. Maayus na ang buhay mo and buhay ninyo ni Simon. Kung ayaw mong sabihin ko kay Simon ang tungkol sa pagloloko mo, sumama kana sa Japan at iwanan mo muna ang lahat dito" seryoso nyang sabi then tatalikod na sana ako nang bigla nya akong hilain pabalik. "Morgan kalimutan mo na lang si Kenzo" mahinahon nya nang sabi then inalis ko ang kamay nya sa may braso ko.
"Tapos kana ba magsalita? Dahil kung tapos kana, pupunta na ako sa CR" sarkastika kung sabi then binitawan nya ako.
---------------
Sa inis ko umalis ako ng walang paalam kay Sandy. Naiiyak ako na hindi ko maintindihan. Wala akong mapagsabihan ng nararamdaman ko.
-------------
Old House...
Lahat na lang nang pwede naming puntahan ni Kenzo ay napuntahan ko na. Bakit hindi nya man lang ako tinatawagan. Kaya nagdesisyon akong puntahan sya dito.
"Anu bang nangyayari sayo Kenzo? Pinag-aalala mo ako ng sobra?!" Umiiyak kung sabi sa sarili ko habang hindi pa din ako mapakali sa kinatatauan ko.
I decided na puntahan na lang sya sa bahay nila.
----------------
Kenzo' House...
Nakailang minuto akong nagbuzzer sa gate bago ako pag-buksan.
"ATE---MORGAN!?" Gulat na gulat na sabi ni Skye nang makita nya ako, kaya hinila nya ako sa may gilid sa labas ng gate nila.
"Anung ginagawa mo dito?" Bulong nyang tanong then ibinulsa ko yung kamay ko dahil sobrang lamig."Ahmmm...kasi...may usapan kasi kami ni Kenzo, about doon sa painting!" Pagsisinungaling ko dahilan para umiling sya at huminga ng malalim.
"I'm sorry Ate Morgan. Hindi kana dapat pumunta pa dito. Nang dahil sayo halos mapatay ni Kuya Kenzo si Marco. Hindi tama ang pinasok nyo ni Kuya Kenzo. Hwag mo syang hanapin at pupuntahan pa dito please. Para sa ikakabuti ng lahat" pakiusap nya kaya naman napamaang ako sa takot na naramdaman ko ng sandaling to.
"Anung ibig mong sabihin Skye?" Pabulong kung tanong sa kanya. Umatras sya ng bahagya at umiling-iling.
"Ginagamit ka lang ni Kuya Kenzo. Gusto ka lang nyang gantihan at saktan. Sana naman sapat na dahilan na yun para umiwas kana sa kanya diba?" May galit na sagot nya then nahigit ko ang pag-hinga ko. "Hwag ka nang umasang mahal kapa nya dahil, gusto nya lang maging mesirable ang buhay mo. Ikakasal na sya at masaya na sya sa buhay nila" pahabol nya then para akong binato nang nagyeyelong tubig sa buong pagkatao ko nang sandaling yun. Ni hindi ko na nga naramdaman pa ang lamig oh ng kahit anu sa katawan ko ee.
BINABASA MO ANG
Unwanted Status (7RWIS-book2)
RomanceMy Unwanted Status, took my entire life and dignity. How come na ang lalaking pinangarap at hinanap ko ay iisa. Na syang dahilan kung bakit nagpakababa ako ng husto para lang may napatunayan ako sa pamilya ko at sa lahat ng taong minamata ako. Putt...