Chapter 7 : Confirmed

379 8 0
                                    

Kenzo's POV

Gym in my House...

Nasa loob ako ng Shower noong bigla kung maalala ang mga nangyari kahapon.

"Gaya pa rin ng dati Morgan"
Sabi ko sa saliri ko noong patayin ko yung shower at napasandal ako sa likod ng pinto.

"Matagal na panahon na yun, dapat nakalimutan ko na yung halik na yun ee."
Huminga ako malalim ako tinapis ko ang tuwalya sa katawan ko.
____________________

Natigilan ako sa cabinet ko noong makita ko yung kaisa-isang painting na ginawa ko noong nasa middle school pa lang kami.

"Monster Brat" sabi ko sa sarili ko at natawa na lang ako.

Nakapangalumbaba sya noong tangkain kung iguhit sya sa notepad ko.
_____________

"Sya pa rin ba hanggang ngayon Bro?!" Naisara ko ng wala sa oras ang locker ko at tumingin ako sa mula sa likuran ko.

"Hindi kaba marunong kumatok?!" Inis kung sagot at tanong sa kanya.

"Sorry, nakabukas yung pinto ee, kaya pumasok na ako" sagot nya then ngumiti sya ng alanganin.

"Kumatok ka dapat, nasa bahay kita"kalamdo ko nang tanong sa kanya then napatingin ako sa kanya sandali.

"Nadadala mo na sa bahay nyo yang ugali mong yan, pwede bang relax ka lang, nasa bakasyon ka, at wala sa opisina Kenzo" pagpapakalma nya then huminga ako ng malalim.

"Tyron, alam mo namang ayokong may ibang taong nakakapasok sa bahay ko oh sa kwarto ko diba?!" He nodded, then nagbihis ako habang sya abalang kinakalikot ang mga equiptment sa loob ng gym ko. Oo may gym ako sa loob ng bahay, mahalaga kasing mapanatili ko ang ganda ng katawan at healthy ng mga mucles ko eh
_______________

"Itutuloy mo pa rin ba yung plano mo?!" I nodded then naupo ako sa tabi ni Tyron

"I guess, ngayong nagkita na ulit kami, makakaganti na ako sa kanya" buong loob kung sagot then umiling-iling si Tyron.

"Hindi ko akalaing siseryosohin mo ang mga sinabi mo a year ago. Kenzo kawawa naman yung tao, mukhang di naman sya aware sa nangyari noon sa inyi ee" sagot nya kaya tinignan ko sya.

"Sa dami ng atraso nya, masasabi kung malaki ang naging kontribusyon nya para magbago ako ng husto, at ang tagal kung pinaghandaan ang planong makaganti sa kanya" pagmamalaki kong sagot then ngumisi lang sya.

"Hay, Pare hindi na uso yang gantihan mo yung taong minsan kang sinaktan at inapi, maraming taon na ang lumipas, pag-aaksayahan mo pa ba ng panahon yang Morgan na yan?!" I nodded sa sinabing yun ni Tyron.

"Kailangan ko syang turuan ng leksyon, hindi sya titino kung walang mangangahas na pahirapan at kalabanin sya Tyron"matapang kung sagot then natawa ng bahagya si Tyron.

"Alam mo Kenzo, nagdududa na talaga ako sayo ee, kasi ginagawa mo ba yan dahil may feelings ka pa rin sa kanya oh, dahil natatakot kang baka mapantayan ka nya?!"tuso at nakakalokong tanong ni Tyron sa akin.

"Sira, hindi nuh, yang mga ganyang babae, hindi yan pinapahalagahan oh minamahal, dapat sa mga ganyan, pinaglalaruan at pinapakinabangan muna bago pahirapan" binato ako ng towel ni Tyron sa Mukha at talagang sapol ako .

"Ang sama mo naman, babae pa rin si Morgan, kaya kahit anu pang nagawa nya sayo hindi mo dapat sya gantihan, kalimutan mo na lang yung mga nangyari, hindi maganda yang plano mong pahirapan tapos paglalaruan mo pa?!" Umiiling-iling at talagang nanghihinayang si Tyron sa balak kung gantihan si Morgan.

Unwanted Status (7RWIS-book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon