Chapter 41 : The 7 Reasons

333 7 0
                                    

Morgan's POV.

My thoughts  of view.

Mga mabigat akong dahilan kung bakit takot akong makipag-commit kay Kenzo.

Una, hindi naman talaga ako naniniwala sa Destiny. Dahil yun sa mga magulang ko. Wala naman talagang nagtatagal at nagsasama ng panghabambuhay ee..

Pangalawa, mataas ang expectations ko sa buhay ko, sa pangarap ko at sa taong mamahalin ko at mamahalin ako. Gusto ko kapag mahal ko,mas  mahal na mahal dapat jya  ako, kaso parang hindi naman yun mangyayari ee.

Pangatlo, umaasa pa din ako na balang araw magkita kami ng unang first kiss and first love ko qt baka isang araw makalimutan ko din tong nararamdaman ko at mga pinagdaanan ko.

Pang-apat, mahal ko at mahalaga sa akin ang pamilya ko. Hindi ako makakapayag na madamay at maging mesirable ang pamilya ko ng dahil lang sa akin. Oo nga't wala akong ibang inisip noon kundi sarili ko pero ngayon nagbago na ang lahat, mas pipiliin ko ang kapakanan at reputasyon ng pamilya ko kesa pansarili kung kagustohan at kaligayahan.

Pang-lima, ayokong magmahal ng taong hindi naman talaga ako kayang panindigan at ipaglaban. Yung tingin sa akin ee laruan at basahan lang ako. Sinong babae ang nanaising malagay sa kinatatauan at sitwasyon ko.

Pang-anim, hindi naman ako looser ee, marunong lang akong tumanggap ng pagkatalo at magpaubaya. Ayokong ipagpilitan at ipagsisikan ang sarili ko sa taong nakikita lang ang halaga ko na para bang isang parausan lang. Kaya ko namang talikuran sya kung kinakailangan ee.

Pang-pito at ang huli sa lahat ng dahilan ko, takot akong sumugal at matalo lalo na sa isang hindi inaasahang laro. Siguro isa akong gamer pero takot din akong matalo at madaya ng iba. Lalaban naman na sana ako ee, pero sa malinis at marangal na paraan. Ayoko ng dayaan at sapilitan. Kahit ipusta ko pa ang lahat-lahat kung hindi naman worth it ang babalik at mapapanalunan, mas okay pang hwag na lang lumaban.

End of the dramatic thoughts...

-------------------

Reality...

Umuwi muna ako sa bahay namin para makapagpahinga.

"May problema ba kayo ni Kenzo?" Tanong nang kuya Zion ko na kadarating lang galing sa bakasyon sa New York.

"Wala kuya" maiksi at walang buhay kung sagot then naupo sya sa tabi ko.

"Tell me, anung problema?" Seryoso nyang tanong then naiiyak akong hinarap sya.

"I don't  want to get married with Kenzo" lukuluha kung sabi then tinignan nya ako ngpatanong at seryoso.

"Anung nangyari? " tanong nya.

"Masyado akong nagpadalos-dalos sa naging desisyon ko. Ayokong pagsisihan ko ang pagpapakasal ko sa kanya" lumuluha kung sagot then niyakap nya ako.

"Kung anung maging desisyon mo doon ako pero dapat kausapin mo muna si Kenzo. Daanin natin sa magandang usapan, hindi yung bigla mo na lang syang tatalikuran oh iiwanan" payo ni Kuya Zion sa akin then tumango ako.

-------------

Evening...

Hindi ko kinakausap si Kenzo dahil nga nagagalit ako sa kanya kaya di ako umuwi sa bahay nya at sa masion ako magpapalipas ng sama ng loob.

"Umuwi kana pala dito?" Tanong nya nang makababa ko.

"Dito muna ako pansamantala Kenzo" masungit kung sagot then huminga sya ng malalim.

Unwanted Status (7RWIS-book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon