Kenzo's POV.
A few days ago...
Natauhan ako nang mabalita ang Official breaking the silence ni Morgan sa discussion ng Chavez Updates.
Salon.
Inayus ko ang sarili ko para na din sa request ni Mama at Papa.
"After natin dito, gusto mo bang mag-gym?" Tanong ni Tito George sa akin then tumango lang ako. At isinuot ko ulit ang shades ko." It's official, hindi na talaga matutuloy ang kadal nyo ni Morgan" dugtong pa nya then tumayo na ako.
"Kaelangan mo pa bang ipamukha Tito sa akin yan?"pabulong kung sagot then ngumiti lang si Tito at inakbayan ako.
"Hindi naman. Hindi mo pa ba nakukuha ang ibig kung sabihin?" Nakakaloko nyang tanong then lumabas na kami.
------------
"Ikaw na nga ang may sabi na may nangyari sa inyo ni Morgan diba. Ibig sabihin mahal ka pa nya, bakit hindi mo ulit kausapin malay mo baka bumalik na sya sayo. Kasi alam mo kapag wala na talaga sya sayo, hindi ka nya pupuntahan at hindi nya ipapaubaya pa ang sarili nya sayo." Naging palaisipan ang sinabing yun ni Tito George.
"Paano kung ayaw nya na talaga at narealized nyang gusto nya pa pala si Simon?" Masungit kung sagot then tinapik ni Tito ang balikat ko.
"Walang mangyayari kung hindi ka magbabakasakali Kenzo. Tyaka hahayaan mo na lang bang pagtawanan kayo ni Zailey. Remember eto ang gusto nyang mangyari" seryosong tugon ni Tito then napailing na lang ako.
-----------------
Gym...
Ginagawa ng lahat ang makakaya nila para lang malibang ako. Ni ayaw pa nga nila akong papasukin sa office dahil kailangan ko daw munang magbakasyon at magpahinga. Samantalang hindi naman ako pagod at lalong wala naman akong sakit para magpahinga sa bahay.
Wala naman mangyayari sa akin kahit pa magmokmok ako maghapon at magdamag. Kahit pa nga lunorin ko ang sarili ko sa bote-boteng alak at pagpasagasa ako sa daan hindi naman na nya ako babalikan ee.
Ako lang talaga ang nag-aasumed doon sa nangyari sa amin noon. Wala na yun sa kanya, kaya pipilitin ko na lang na tanggapin nang paunti-unti ang pagkawala mya at ang paghihiwalay namin.
Sinalubong ako ni Tyron at nagpaalam naman si Tito George dahil babalik na sya sa Office.
"Magkita na lang tayo mamaya sa Resto" paalam ni Tito then tumango si Tyron.
"Napapansin ko parang pinagpapasa-pasahan nyo ata ako ahh?"kunot-noo kung tanong then inakbayan ako ni Tyron.
"Pare, kailangan mong mag-unwind after natin dito sa Gym. Look, maraming bagong member, try to pick one, para naman may mapagkaabalaahan ka mamaya" loko-lokong sabi ni Tyron then umiling-iling na nga lang ako.
----------------
Binigyan ako ni Tyron ng maiinom noon. Hindi ko ba alam kung aalis na ba ako oh hahayaan ko lang tong mga chismosang katabi ko.
"Hayaan mo na lang sila. Opinyon nila yan. Ang importante alam mo sa sarili mo na hindi mo ginamit si Morgan" pagpapalakas loob na sabi ni Tyron then tumango ako.
"Noon, maghiwalay kayo ni Shannon noon, anung una mong ginawa?" Seryoso kung tanong habang nakayuko ako at pinaikot-ikot ko sa kamay ko yung energy drink na bigay ni Tyron.
"Seriously?" Natatawang tanong ni Tyron sa akin. Kaya naman tinignan ko sya, kaya natakot sya. "Well, noong pagbintangan nya ako kahit wala naman talaga akong ginawang kasalanan, hindi ako nambabae noon alam mo yan, takot ako sayo diba. Honestly, gusto ko nang tumalon sa rooftop ng Herah Hotel noon" seryoso nya nang sagot sa akin.
BINABASA MO ANG
Unwanted Status (7RWIS-book2)
RomansaMy Unwanted Status, took my entire life and dignity. How come na ang lalaking pinangarap at hinanap ko ay iisa. Na syang dahilan kung bakit nagpakababa ako ng husto para lang may napatunayan ako sa pamilya ko at sa lahat ng taong minamata ako. Putt...