Chapter 14 : Golden Rules

280 9 0
                                    

Morgan's POV.

Patulog na ako noon nang katokin ako ni Kenzon

Napabangon ako, tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Manipis lang ang suot kung Pantulog, kagagaling ko lang noon sa Shower eh. Kaya naman dali-dali akong nagpalit.

"Shit kinakabahan ako" sabi ko sa sarili ko noong hawakan ko yung heart ko.

I took a deep, deep breath. Then hinawakan ko ang pwetan ko at pinagmasdan ang kabuoan ko.

"Relax Morgan, hindi mo kailangang matakot at  kabahan, si Kenzo lang yan. Hindi ka nya dadakmain at pagsasamantalahan okay?" Dahan-dahan kung tinungo ang pinto ng kwarto kung saan ako pinatuloy ni Manang Saling.

__________

Door Slammed....

Agad kung naamoy ang pabango ni Kenzo, at ang shampoo na gamit nya. Ang sarap sa ilong at talagang nagpakaaliwalas sa pakiramdam.

I slowly turn my head up to see na si Kenzo nga talaga ang kaharap ko.

"In my Room, now" Sabi nya then umalis agad sya. Kaya naman panandaliang huminto ang puso ko sa pagtibok sa sobrang kaba at takot.

"Nakasando sya, bagong ligo, at naka-short lang, then pinapapunta nya pa ako sa kwarto nya" Dali-dali kung sinara ang pinto ng kwarto ko at nagtungo agad ako sa kinaroroonan ng maleta ko.

"Kailangan kung magpantalon, kailangan kung balutin ng makapal na jacket ang katawan ko, hindi ako magbibigay ng kahit anung motibo sa kanya." Agad akong naghanap ng makapal na jacket at dinoble ko pa ang suot kung damit at nagpantalon nga ako.

"Hindi pa ako ready at natatakot ako" Sabi ko then kinapa ko ang pisngi ko para magising ako sa katutuhanang anytime pwede na nya akong angkinin.

___________________

Kenzo' Room....

Knock...Knock...Knock...

Kumatok ako ng tatlong besis, sinadya kung mahina para incase na tulog na sya eh, di na sya magising pa, at di maisakatuparan ang mga gusto at balak nya sa akin. Kasi di pa talaga ako ready sa ngayon, at ewan ko kung darating ba yung time na magiging ready na ako.

"Get in!" Halos himatayin ako sa gulat noong magsalita sya.Dahan-dahan ko munang binuksan ang pintuan ng Kwarto nya at sinilip ko sya.I was so amazed noong makita ko ang kabuuan ng kwarto nyan

"Ang ganda ng Art Work na nakapinta mismo sa wall then yung picture nyang halos kapader na ang laki maganda din kasi gwapo sya" Then nagawi ang tingin ko sa napakalawak na kama nya.

"Double King Size Bed pa talaga, I hate it, so sa lawak ng kama na yan pweding-pwede nya akong paikutin, at pagulungin nyan, sa oras na gagawin namin ang bagay na yun" huminga ako ng malalim at naupo ako sa paanan ng kama

Tumingin sya ng masama sa akin.

"What?!" Tanong ko noong halos lamunin nya na ako.

"Hindi kaba nainitan sa suot mo?!" Tinignan ko ang suot kung jacket that time. Medyo nakakaramdam na nga ako ng init at pakiramdam ko sinusunog ako sa loob.

"Ahhhh....Uhm kasi ....malamig yung aircon mo, eh nilamig ako bigla eh" pabalang kung sagot para makaiwas lang.

"Huhubarin mo ba yan oh ako ang maghuhubad para sayo?!" Napalunok ako sa sinabi nyang yun.

Unwanted Status (7RWIS-book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon