Chapter 56 : Heartaches

259 6 0
                                    

Manila...

Kenzo's POV.


Daig ko pa atang na-comatose sa mga nangyari. Kasi buhay pa ako pero pakiramdam ko patay na ang buong katawan ko.

Sobrang sakit na tuluyan na ngang umalis at sumama si Morgan kay Simon. At alam na nang lahat ang nalalapit nilang kasal. Sobrang sakit at sobrang nakaka-dismaya pero anu nga bang magagawa ko, kundi  ang unti-unting tanggapin sa sarili ko na wala na talaga. Na yung pinangrap at minahal ko ng buong buhay ko ay hindi na babalik pa sa akin.

Backyard...

Dinalaw ako ni Tito Goerge. Ayoko sanang mapaistorbo kaso wala akongmagagawa, mapilit  pa din sila.

"Hanggang kelan mo ba gustong pahirapan ang sarili mo? Imbes na maging okay kana talaga is nagiging mabagal ang recovery mo dahil hindi ka kumakain at umiinom ng mga gamot mo." Malumanay nyang sabi sa akin pero di ko sya pinansin. "Nagkakaganyan ka dahil mas pinili nya si Simon  kesa sayo? Anu ba Kenzo, pwede bang tama na, tumigil kana sa kahibangan mong to', okay, mapagod ka naman sa pagmamahal at paghahabol kay Morgan. Utang na loob kalimutan mo na lang sya" galit na galit na sabi ni Tito kaya naman sinagot ko sya ng ganito.

"Hindi nyo kasi nararamdaman at nararanasan ang sakit na pilit kung nilalabanan ngayon ee. Alam nyong pakiramdam na parang hindi na ako magiging okay, na hindi na ako gagaling at hindi na ako makakasurvive pa." Nakatingin ako sa malayong tugon sa kanya.

"Titigil ang mundo mo ngayong wala na sya? Kenzo, hindi sya mundo at lalong hindi sya ang buhay mo. Dapat maging positibo ka dahil nabuhay kapa nang dahil sa pagkakasaksak mo, binigyan ka ng diyos para magbagong buhay, tapos sasayangin mo lang dahil nawala lang si Morgan. Hwag kang magpakatanga dahil kung mahal ka man nya at kung minahal na talaga nya hindi sya basta-basta sasama at magpapakasal kay Simon." Pagpapamukha nyang tanong sa aki  kaya naman tumayo ako at kinuwelyuhan ko sya kahit pa Tito ko sya wala akong pakialam.

"Minahal ako ni Morgan,  alam ko yun at naramdaman ko yun. Kaya hwag na hwag mong sasabihing ni minsan walang ni kahit katiting  na pagtingin sa akin si Morgan" galit na galit at humahagulgol kung sabi then kinuwelyuhan nya din ako.

"Kung mahal ka nya at minahal nya talaga nya, bakit iba ang pinili nya? Bakit sya sumama kay Simon? Ang daming bakit Kenzo, may dahilan naman at rason sana ee sa mga bakit na yan" sabi nya then napansin ko na lang na tinapik ni Papa ang balikat ko. Kaya napatingin ako sa kanya at pati nga si Tito Goerge  ee.

"Walang mangyayari at walang magbabago kung pareho nyong pinagtatalunan ang dapat na pag-usapan ng masinsinan" sabi ni Dad then binitwan ako ni Tito at bumitaw na din ako.

-------------

In my Room.

Kinausap ako ni Papa ng masinsinan at kaming dalawa lang.

Ni minsan hindi ako pinakialaman ni Papa ss mga nagiging desisyon  ko sa buhay ko. Hinahayaan nya lang ako pero kapag sobrang alam nyang mali na at sobra na doon na kami nagkakaproblema.

"Alam kung walang maidudulot ang mga payo sayo ng Mama at ng Tito mo. Ayokong pakialaman ka oh pagalitan ka, pero pamilya mo kami. Hindi mo maalis na amin na hindi ka samahan at damayan sa mga pinagdadaanan mo. Kami ng mama mo ang pinaka-naapektohan sa mga nangyari sayo, anak sa pangalawang pagkakataon, makikiusap na naman ako sayo." Mahinahong pakiusap sa akin ni Papa kaya naman humupa ang galit ko at inis ko nang sandaling to.

"Sobrang sakit, ang sakit-sakit Papa. Kung sino pa yung handang gawin at ibigay ang lahat para sa kanya, sya pa yung tinalikuran at iniwan nya. Hindi man lang nya ako binigyan ng pagkakataong makabawi at mapatunyan ang sarili ko sa kanya at sa pamilya nya. Hindi man lang nya ako pinakinggan  at pinaniwalaan. Ang bilis  nyang bumitaw at ang bilis nyang humanap ng kapalit. Samantalang buong buhay ko syang hinintay at minahal." Hindi ko mapigilang hwag maiyak sa harap ni papa.

"Minsan yung akala nating nakalaan at nakatadhana sa atin at sila pala yung sobrang mananakit sa atin. Alam ko kung bakit nagawa mo ang mga bagay na yun para umabot kayo sa ganito, at alam ko kung paano at gaano mo minahal si Morgan. Pero anak, tama na" umiiyak na sabi sa akin ni Papa. Pakiramdam ko tuloy sobrang apektado na din talaga sila sa nangyayari sa akin.

"I'm really  sorry Papa" humahagugol kung paghinga ng tawad saka ako yumakap kay Papa.

"Okay lang yan anak. Masasaktan ka lang pero, hindi titigil ang mundo mo at ang mundo namin para sayo ng Mama mo. Magiging okay ka din at makakalimutan mo din ang lahat ng sakit na to'"very supportive  na sabi ni papa habang tinatapik-tapik nya ang likod ko.

"Paano po Pa kung, hindi ko sya sukuan at hintay ko sya tama po ba yun?" Seryoso kung tanong then hinigpitan ni papa ang pagkakayakap nya sa akin.

"Hanapin mo muna at ayusin mo ang sarili mo, at gawin mo kung anung sa tingin mo ang makakapagpasaya sayo anak. Pero kung dumating yung panahon na kasal na sila, hindi mo na sya pwedeng hintayin. Hahayaan mo na lang sila, naiintindihan mo ba ang ibig kung sabihin?" Tanong ni Papa kaya tumango ako.

"Opo, Pa, naiintindihan ko po kayo" sagot ko saka ngumiti si Papa at hinawakan nya ang magkabilang balikat ko at sinabi ang bagay na to.

"Hwag na hwag kang papasok sa isang relasyong alam mong may basbas at sagrado na. Maraming relasyon ang nasisisira at nawawasak dahil sa maling sistema  at sa maling paniniwala. Anak, matalino ka at alam kung mas malawak ang pag-iisip at pang-unawa mo, kesa sa laki ng pagkagusto mo at pagmamahal mo kay Morgan diba?" Sabi ni Dad kaya yumuko ako at tumango na lang bilang sagot sa kanya.

---------------------

Lumipas ang dalawang araw at sobrang nababaliw na ako sa loob ng bahay. Gusto ko nang lumabas at gusto ko nang magtrabaho.
Kung anu-ano na ang naiisip ko sa bahay na to ee.

"Pwede ka naman munang magbakasyon oh di kaya magtrabaho na lang dito sa bahay anak" pagpupumigil sa akin ni mama habang inaayus ko ang gamit ko sa trabaho.

"Ma, kailangang magtrabaho, ayokong magbakasyon oh kahit anu dahil okay lang po ako" nakabusangot kung sagot then hinawakan ni Mama ang laylayan ng long-sleeved  ko kaya natigilan ako.

"Hwag mo nang parusahan pa ang sarili mo anak. Tanggapin mo na lang na wala na talaga. Kapag mahal mo diba dapat maging masaya kasi masaya sya ee. Oo sobrang sakit at walang kasingsakit yung nararamdaman mo ngayon pero kapag tinanggap mo yun ng buong puso mo, unti-unting mababawasan hanggang sa tuluyan mawala yung sakit at  makakalimutan lahat-lahat ng to'. Anak okay na yung isang dalawang beses  ka nang nagmahal at nasaktan. Hwag mo na syang antayin pa" humahagulgol na pakiusap sa akin ni Mama kaya nilapitan ko sya at niyakap ng mahigpit.

"Mama, hwag mo na po akong intindihin, baka lalo ka lang pong magkasakit kapag masyado kang nag-aalala. Okay lang ako Mama" pagpapatahan ko kay Mama.

"Walang magulang na gustong makita ang kanyang anak na sobrang lugmok at unti-unti nilalamon ng kalungkutan  at paghihinagpis. Kung nasasaktan ka anak, kami ng Papa ang mas nasasaktan at nahihirapan. Kung kaya lang namin na pakiusapan at piliting bumalik sayo si Morgan, gagawin namin. At kung pwede lang naming akuin  ang kalahati ng sakit na nararamdaman mo, kukunin namin ng Papa mo yun para lang hindi ka namin  nakikitang nagkakaganyan" napakabagbag damdaming sabi ni mama na dahilan para maiyak ako ng sobra.

"Ma,  sobrang mahal na mahal na mahal ko po si Morgan. Lahat na ginawa ko ee. Pinagsisisihan ko po lahat ng nagawa at nasabi ko po sa kanya. Pero ang sakit-sakit na hindi man lang nya ako binigyan ng chance na patunayan sa kanyang sobrang mahal na mahal ko sya. Bumitaw agad sya at sumama kay Simon." Pagalalabas ko ng sama ng loob ko.

"Ang totoong nagmamahal, kahit pa napakaimposible pa, kung malinis at totoo ang hangarin mo sa kanya, gagawa at gagawa ang diyos ng paraan para pagtagpuin at paglapitin ulit kayo. Anak, alam kung sya lang ang pinangarap  mong babae sa buong buhay mo. Hindi ako magagalit kung patuloy mo pa din syang mamahalin sa kabila ng lahat ng nangyari. Pero eto ang lagi  mong tatandaan. Hwag mong ipipilit ang gusto mo kung ayaw nya na sayo. Naiintindihan  mo ba ang ibig kung sabihin?" Tanong ni mama kaya naman tumango ako at sabay pinunasan nya angmga luha ko.

"Opo Mama. Kung dumating yung panahon na magkita ulit kami at sabihin nyang mahal nya pa ako. Patawarin po ako ng Diyos pero hindi ko na sya papakawalan pa." Tugon ko kay mama then hinadkan nya ako sa noon ang aking noo at inang-ayunan ang aking sinabi.

-----------------

Office....

Inaamin kung nahihirapan pa akong makapag-focus sa trabaho. Kahit ang dami ko pang ginagawa at ang daming umaaligid sa akin hindi ko maiwasang isipin oh hanapin si Morgan.

Tinignan ko ang account  nya sa social media pero naka-blocked ako sa lahat ng account  nya.

Door slammed.

Ibinababa ko ang phone ko at nagkunwaring may binabasa ako sa table ko.

"Hwag ka nang magkunwaring may binabasa ka dyan. Nakita na kita Kenzo" sabi ni Tyron nang makapasok sya sa office ko.

"Hindi kaba marunong  kumatok man lang?" Masungit kung tanong then tinignan ko sya nang masama pero ngumiti lang sya.

"Kaya pala takot na takot ang lahat ng staff ng hotel dahil sa pagsusungit mo. Kenzo naman, nasa office ka, iniiwanan mo dapat yang problema mo sa bahay diba. Remember  na ikaw ang nagsabi nyan."mahinahon at malumanay nyang sabi kaya naman huminga ako ng malalim.

"Anu bang kailangan mo?" Salungat  kung sagot sa sinasabi  nya.

"Anu bang klasing tanong yan? Anung oras na ba at hindi kapa din kumakain, nagpahanda na ako ng pagkain sa Conference  room. Gusto kang makita ng mga board member" sagot nya then tinignan ko sya.

"Puntahan mo si Shannon at sya ang umattend ng meeting. Ang dami ko pang tinatapos" masungit kung sagot then ipinatong ni Tyron ang kamay nya sa folder na binabasa ko.

"Looked pare, ayokong dumagdag pa oh makadagdag pa sa mga pinagdaanan mo pero, please naman maging okay ka naman na oh. Mag-moved on kana. Bakit di mo gayahin si Morgan, sumama sya kay Simon, bakit di mo subukang magmahal ng iba!?" Seryoo nyang sabi then inalis ko ang kamay nya.

"Wala akong panahon para sa mga ganyang bagay" sagot ko.

"Gusto ka ni Zailey, at okay naman  na sya sayo diba? or si Irex. I think pweding-pwede kayo?" Sabi nya kaya naman napatingin ako sa kanya ng masama.

"Hindi ako kagaya mong chick boy okay kaya tantanan mo na ako Tyron" sabi nya then bumukas ang pinto.

Napatingin kami pareho ni Tyron.

"Ahmm...I think may dapat kana munang asikasuhin?" Nag-aalalangang sabi ni Shannon sa akin dahilan para magtaka ako.

"Anung ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya.

"Si Ms. Megan ng Rimson Hotel at yung kapated nyang si Irex, nasa office sila ni DM" seryoso  nyang sagot then tinignan ako ni Tyron.

"Pinapunta mo talaga sila dito para anu? Para madamay ka sa gulo nila? Kenzo naman nag-iisip ka ba talaga? Seryoso ba to!?"" Inis na sermon sa akin ni Tyron then sinundan ko si Shannon.

-----------------

Actually naman talaga sa plano ko ang tulungan nila at tanggapin sila. But, how come na hihindi ako, buntis na si Megan at hindi na talaga matigil ang pananakit sa kanya ni Matthew.

GM' s Office.

Huminga ako ng privacy  sa lahat ng staff na kung pwede bigyan ng Special treatment at security  si Megan at Irex.

"I-m really sorry. Alam naming hindi eto yung tamang oras para abalahin maging bigat kami syo Kenzo" umiiyak na sabi ni Irex habang walang imik na nakatulala si Megan sa tabi nya.

"Anu bang ginawa ni Matthew  at nagkaganyan si Megan at napano ang mga sugat at pasa sa mukha mo?" pagtataka kung tanong saka tinignan  ni Irex si Megan.

"Buntis si ate at hindi pinanagutan ni Matthew  ang batang dinadala nya. Gusto nyang ipatanggal ang bata sa sinapupunan ni ate kaya umalis dahil pinagbantaan nya kami, itinakas ko lang si ate kaya pati ako napagbuhatan nya ng kamay." umiiyak na sagot ni Irex then lumapit ako kay Megan.

Tumingin sya sa akin at naiyak bigla kaya naman niyakap ko sya.

"Tutulungan ko kayo at ako na ang bahala sa inyo " sabi ko then ginantihan ko rin sya ng yakap .

-----------------

In my House...

On the spot kung inayus ang dating kwarto na ginamit ni Morgan noon.

"Tulungan na lang kita" boluntaryong sabi ni Irex nang ligpitin ko ang mga gamit ni Morgan.

"Pasensya kana kung medyo makalat ahh" natataranta kung sabi sa kanya  then tinulungan nya na ako sa pag-liligpit.

"Okay naman na kami sa baba, bakit mo pa inaalis ang mga gamit ni Morgan?" Tanong nya na talagang nakapagpahinto sa pagliligpit ko.

"Hindi na sya babalik ee at isa pa kailangan  ko na ding alisin ang mga to'" malungkot pero may ngiti kunwari sa labi ko.

"Kahit pa andito oh wala ang mga gamit nya, hindi naman sya mawawala sa puso mo diba?" Seryoso nyang tanong kaya huminga ako ng malalim.

"Hindi naman siya mawawala at maalis sa buhay at puso ko. Hindi ako sumusuko nna balang araw magtagpo ulit kami, pero hindi din naman ako umaasang babalikan nya pa ako. Sapat na sakin yung mahal ko sya at hinding-hindi na yun magbabago pa kahit kelan." Malungkot  at talagang naiiyal kung sagot kay Irex kaya naman nilapitan nya ako.

"Nandito lang ako, kung kailangan mo ng kaibigan at makakausap. Please kalimutan mo na lang yung sinabi ko sayo noon. Masyado  lang akong nadala ng pag-nanais kung kunin at ilayo si ate sa Matthew  na yun." Sabi nya then tumango ako at nagpatuloy kami sa pagliligpit ng gamit.

Hindi ko nakitaan ng kahit anung motibo si Irex ng sandaling yun. Kaya kampanti ako.

------------------

Pinuntahan ako ni Tyron at Shannon sa bahay.

"Kung nagpunta kayo dito para pagsabihan ako pwes umalis na lang kayo" mahinahon kung sabi kay Tyron dahil alam kung tutol sya sa pagpapatira ko kay Megan at Irex dito.

"Baka mapahamak ka lang sa ginagawa mo?!" Sabi ni Tyron then si Shannon ang sumagot.

"Palibhasa makasarili ka kaya hindi ka marunong maawa ee" sagot ni Shannon.

"Hindi sa hindi ako naawa. Iniisip ko lang kung anung pwedeng maging mangyari sa pagtulong ni Kenzo sa magkapated na yan..hindi natin alam baka may binabalak ang mga yan, at isa pa hindi natin sigurado or kabisado ang mga yan. Look, Kenzo baka nakakalimutan mong ang Matthew na  tinutukoy nang mga yan ee isang mafia at sugarol na tao." May puntong sabi ni Tyron kaya napa-isip si Shannon.

"Alam ko at naiintindihan ko kung anung ibig mong sabihin  Tyron. Oo masyadong delikado ang ginagawa ko pero, buntis si Megan, makakaya ba ng konsensya mong titiis at pabayaan ang batang nasa sinapupunan nya?" Sabi ko kaya napatingin si Tyron sa akin.

"Pwede mo silang tulungan pero please naman hwag sa sarili kong pamamahay. Paano kung matungtong sila or masira ka at baliktarin ka? Sana intindihin mo din yung mga pwedeng mangyari, alam ko namang gusto mo lang silanv tulungan, pero sana naman isipin mo din ang mga tao sa paligid mo hindi lang basta sila at ikaw" sabi ni Tyron at umalis na lang sya.

----------------

Garden...

Nag-usap kami nang masinsinan ni Shannon.

"Kumusta na ba ang pagluluksa mo?" Seryoso nyang tanong sa akin kaya natawa ako na para bang maiiyak sa tanongan nyang yun.

"Pagluluksa talaga ahh?" Pilyo kung sagot then lumapit sya sa akin at inakbayan nya ako. " Anu bang ginawa mo? Nakakairita ka ahh" saway ko sa kanya then hinanpas nya ang balikat ko.

"Hindi ko kasi alam kung paano ka iko-comfort ee. Yun kasing sira-ulong Tyron na yun, wala na lang ginawa kundi ang sermonan ka, si Tito George pinapagalitan ka pati si Tito at Tita kinukonsente ka lang. Natatandaan mo noong mag-break kami ni Tyron, sabi mo hindi nya ako pinagpalit, gusto nya lang hanapin ang sarili nya, sa tagal ba naman namin diba" natatawa nyang sabi kaya natawa ako.

"Halos ilang buwan kang umiyak nang umalis sya diba?" Tanong ko then tumango naman sya. " Hindi kaba napagod na umiyak at magmokmok noon?" Seryoso  kung tanong then nguniti sya.

"Umiiyak lang naman tayo ng matagal kasi hindi natin kayang hindi isipin yung taong sobrang naging malaki ang katayuan sa buhay natin. Halos 80% ng buhay ko pinaikot ko sa kanya. Sobrang masakit  at talagang wasted din ako noon ahh. Nasasaktan tayo ng sobra kasi mahal na mahal na mahal natin yung taong yun at hindi natin matanggap na nawala agad sila"
Maluha-luhang sabi nya kaya natahimik ako. "Ang tunay palang pagmamahal is yung kahit paulit-ulit at kahit maraming beses  kang masaktan, lumalaban ka pa din at naghihintay ka pa din kahit alan mong wala kang sapat na pinanghahawakan, yung pagmamahal  mo lang yung  nagpapatibay sa paniniwala  mong babalik sya sayo kahit napakaimposible" may kurot sa puso nyang pagpapakatoto kaya naman naiyak ako at yumuko na lang ako.

"Hindi ko alam kung makakaya ko bang maghintay ng matagal oh ang isuko na lang sya kay Simon ee. Sa sobrang tindi nang sakit paramg gusto ko na lang mawala at maglaho" humahagulgol kung sabi  kaya naman hinaplos ni Shannon ang likod ko.

"Kung anu ang nasa puso mo yun ang pakinggan mo, hwag ang isip mo at ang sinasabi mg ibang tao. Tatandaan mo na walang  ibang makakatulong at makakapagpasunod sa isip mo kundi yun ay ang puso mo. Hindi masama ang lumaban at maghintay at hindi din masama ang sumuko at magbagong buhay. Ang daming choices at ang daming option Kenzo. Ikaw ang mamili at ikaw ang magdesisyon noon para sa sarili mo. Nandito lahg kami para umalalay sayo" niyakap ako ni Shannon kaya lalong nangibabaw ang sakit at lungkot na nararamdaman ko.

Sobrang nangungulila ako at miss na miss ko na si Morgan. Gusto ko syang makita, mayakap at mahadkan.

*** Chapter 57 Up next ***

Unwanted Status (7RWIS-book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon