Chapter 70 : Face Slap.

232 7 0
                                    

Kenzo's POV.

House...

Pinatutulog ko na si Sue nang bigla ba namang kumalabog ang pinto kaya naman umiyak si Sue.

"Irex, anu ba, natutulog yung bata" inis na inis kung sabi sa kanya then naupo sya sa paanan ng kama at pinagtatanggal nya ang  sapatos nya. Amoy alak sya at namumungay ang mga mata nya.

"Finally, nagkita na din kayo ni Morgan. So anung naramdaman mo? May nagbago ba? May dapat ba akong katakotan dahil nakita mo na ang beloved ex-girlfriend mo!?" Lakas-loob na tanong ni Irex sa akin kaya naman inilapag ko si Sue at hinarap ko sya.

"Anu bang pinagsasabi mo? Anu bang pumapasok sa utak mo para mag-isip ka nang ganyan?" Pagalit kung tanong  sa kanya.

"Anung gusto mong sabihin ko? Matapos mo kaming talikuran doon, matapos mo akong iwanan doon, anung gusto mong isipin ko, na wala lang yun. Na umiwas ka kasi bad trip ka lang? Kenzo naman alam kung tanga ako pero hindi naman ako manhed. Akala mo ba hindi ko nahalata yung tingin mo sa kanya?" Umiiyak nya nang sabi kaya dumistansya ako ng kunti.

"Hwag mong bigyan ng kahit anung kahulugan ang mga nakikita ng mga mata mo dahil ang mata, ang pinakamakasalanan sa lahat" may pagtitimpi kung sabi then natawa sya bigla .

"Masama bang magselos, masama bang maging ganito ako after ko kayong makita ng ex mo, sa harapan ko pa mismo. Kenzo, sa mata makikita ang katotohanan. Tignan mo ako. Tumitig ka sa mga mata ko, at sabihin mo sa akin na wala ka na ni kahit katiting na pagmamahal kay Morgan" pagkasabi nyang yun hinila nya ako at nagkatitigan kami pero yumuko agad ako.

"Hindi na ako ang mahal ni Morgan" sagot ko then yumuko sin sya at ipinatong ang ulo nya sa balikat ko.

"PWES SABIHIN MO sa akin kung mahal mo pa rin sya hanggang ngayon!" Humahagulgol nyang bulyaw sa akin kaya naman tumayo ako at lumabas na lang ng
Kwarto.

-------------------

Gallery...

Inabangan ko si Morgan sa labas.

Pauwi na sya at tamang-tamang hindi sya sinundo ni Simon.

Hinila ko sya pabalik aa Gallery kaya wala syang nagawa.

"Bitiwan mo nga ako Kenzo" inis nyang saway nang yakapin ko sya.

"I'm so sorry okay. Alam kung maling hindi ko sinabi sayo ang totoo. Nasaktan lang ako" pagpapaliwanag ko then itinulak nya ako palayo sa kanya.

"Pinagmukha mo akong tanga sa harap ninyo. Gumaganti ka nga lang ba sa akin kaya mo to', ginawa sa akin Kenzo?" Mamula-mula ang mga mata nyang nakatitig sa akin kaya naman hinawakan ko ang magkabilang kamay nya.

"Hindi ko magagawa sayo yan Morgan." Nagmamakaawa kung sagot then naiyak sya. Kaya naman niyakap ko sya.

"Siguro nga tama na tapusin na lang natin to ee" niyakap ko sya nang mahigpit pero talagang lumalaban sya.

Nang hindi ko na kayang ikontrol sya bumitaw na ako.

"Bakit, dahil ba sasama kana kay Simon sa Japan? Kaya gusto mo nang tapusin to? Iiwanan mo ulit ako?" Mangiyak-ngiyak kung sagot sa kanya pero hindi sya kumibo basta iyak lang sya ng iyak. "Sasama ka nga ba kay Simon, sabihin mo sa akin please!" Nag-mamakaawa na ako this time sa kanya.

"Sa tingin mo ba gagawin ko yun?" Nakatitig nyang sagot then tinalikuran nya ako pero hinila ko sya at niyakap ng mahigpit. "Natatakot ako Kenzo" hihikbi-hikbi nyang sabi then iniharap ko sya sa akin at pinahed ko ang luha nya.

"Kapag nawala ka pa ulit, hindi ko na alam kung anung mangyayari sa akin. Morgan, kahit ipagtulakan mo man ako palayo, hindi kita susukuan. Wala akong pakialam kung  si Simon ang piliin mo. Ang mahalaga sa akin, ikaw." I cried sobra.

Unwanted Status (7RWIS-book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon