Chapter 38 : True Colors

298 10 0
                                    

Zailey's POV

Flashback....

Hindi ko naman talaga intensyon at sinasadyang marinig ang pinag-uusapan ni Tito George at Kenzo sa Hospital eh tungkol sa set-up nila ni Morgan. Kaya  naman para malinawan ako ee kakausapin at papaamin ko si Tyron about sa totoong Status ni Kenzo at Morgan

Condo...

"Anu bang problema at kailangan mo pa akong papuntahin ng alanganing oras dito?" Takang tanong ni Tyron then inilapag ko sa table ang mga pictures ni Morgan at ang mga naging involved na lalaki sa kanya.

"Hindi kasi ako matahimik. Paano nagakakilala si Kenzo at Morgan?" Tanong ko then ngumiti si Tyron sa akin.

"Don't tell me na may balak ka pang pigilan ang kasal nila? Alam ko naman na walang nagbago sa nararamdaman mo para kay Kenzo ee. But Zai, hayaan mo na lang sila. Masasaktan ka lang" seryoso nyang sabi then inirapan ko sya.

"Okay na ee, tanggap ko na ee. Pero may mali at may nangyayari Tyron. Imposibleng wala kang alam" naiiyak ko nangsabi then kinuha ni Tyron at picture ni Morgan at ni Caiden sa table.

"Anung bang sinasabi mo Zai? Hindi---kita maintindihan ee" mahinahon nyabg sagot then huminga ako ng malalim.

"Narinig kung nag-uusap si Tito George at Kenzo sa hospital noon nang mangyari ang insedente kay Morgan. Anung kasunduan ang tinutukoy nila? Anung ibig sabihin ng set-up ni Kenzo at Morgan?" Nagmamakaawa kungbtanong then umiwas ng tingin si Tyron.

"Wala-----wala---akong alam sa sinasabi mo?" Sagot nya then nahalata ko nang nagsisinungaking sya.

"May alam ka at hindi mo yun maitatago sa akin Tyron. Sabihin mo sa akin kaya ba kayo nag-away noon ni Kenzo dahil kay Morgan? Please Tyron sabihin mo na sa akin ang tungkol sa totoong status ni Kenzo at Morgan" pakiusap ko then tumayo si Tyron.

Unwanted Status (7RWIS-book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon