Chapter 52 : Brokenness

251 6 0
                                    

Kenzo's POV

Restobar ..

Gabing-gabi na at talagang halos buong araw akong napakalunod at napakalasing ng sobra. Masakit tanggaping yung pinakamamahal mo at gusto mong makasama ng pang-habambuhay hindi na pala magiging sayo at hindi na babalik pa sayo.

"Minsan ko nang isinumpa ang alak, alam mo bang apat na araw akong nanghina at umikot ng kusa ang mundo ko dahil sa sobrang kalasingan ko. Pero hindi naman kita masisisi. Iniwan ka at pinagpalit kapa." Natatawang pambabastos sa akin ni Irex dahil nakita nya ako kaya nilapitan nya ako.

"Hin--di ko---  kailangan  ng adviser or ng opinyon  mo. Ka---ya pwe---de ba umalis  kana lang" pagtataboy ko sa kanya then sinalinan nya ng vodka ang baso ko at natawa pa nga sya ee.

"Mukha kang tanga sa ginagawa mo alam mo ba yun?!" Tawang-tawa nyang sagot then hinampas ko ang table kaya nag-laglagan ang mga bote sa sahig at nagkabasag-basag. "Kung dyan ka magiging masaya sa pagbabasag mo, then go, itapon mo lahat ng boteng nakikita mo" sabi nya then inabotan nya ako ng bote sa kamay.

"Umalis kana, hindi kita kailangan dito" sabi ko then natahimik sya.

Then napatingin ako sa kanya dahil may lalaking lumapit at bigla ba naman nyang pinilipit ang braso  ni Irex..

Medyo blurred  ang tingin ko sa mukha nya pero hindi ako pwedeng magkamali, sya yung sinuntok ko noon, tama sya yung fiance  ni Megan na kapated ni Irex.

"Well dito lang pala kita makikita" sabi nya nang tumayo ako para tignan sya ng malapitan.
Then bigla ba naman nya akong Sinuntok sa mukha.

Napasubsob ako sa mga bote noon at halos pumutok  ang mukha ko sa lakas  ng impact noong suntok na yun ahh.

"Shit----bakit mo ako sinuntok?" Tanong ko then itinaob ko yung table at sinugod ko sya at sinuntok pero hindi ako ganun kalakas para mapatumba sya.

"Masyado  kang pakialamero kaya ipapakita ko sayo kung anung hinahanap mo" sabi nya then pinagsusuntok nya ako ng maraming besis. Kaya umawat na si Irex at talagang  parang hindi ko na din kayang tumayo.

"Tama na Matthew, tumigil kana" galit na galit na sabi ni Irex then dumating si Megan. Umawat din sya pero wala silang nagawa.

Iniharang ko ang kamay ko sa mukha ko dahil hindi sya tumigil at talagang pinagsisipa nya pa ako.

"Anu, anung pinagmamalaki mo? Bumangon  at lumaban ka. Ang tapang-tapang mo pero lampa at talunan ka pa pala" sabi nya then bigla kung nahila ang paa nya. Kaya naman natigilan sya at tumayo na ako para makasuntok pa sana pero hindi na ako umabot, bigla na lang akong nanlambot at nanghina at dumilim na din ang paningin ko.

------------------

HOSPITAL...

Inalis ko ang mga apartong nakadikit sa akin at tumayo na ako but suddenly bumukas yung pinto at nagkasalubong ang tingin namin ni Irex.

"Saan punta mo? At bakit inalis mo yung dextrose  sa kamay mo?" Kunot-noo nyang tanong then kinuha ko yung damit ko para makapagbihis na ako. " Nasa 8th floor si Morgan siguro naman hindi kana aalis noh?" Sabi nya kaya natigilan ako at tinignan ko sya.

"Anung nangyari  sa kanya?" Mahina kung tanong then inilapag nya yung pagkain sa table.

"Ang sabi ng kapated ko si Megan remember? , nalunod daw sya at kinailangang madala sya sa hospital dahil walang specialist  sa clinic sa resort nila that time" sagot ni Irex.

"Kelan pa nangyari yan at kumusta  na sya?" Nag-aalala at aligaga kung tanong.

"Okay naman na daw sya. At palabas na din" sagot nya then inalalayan nya akong maupo." Sya nga pala dumating yung kaibigan mong Tyron ba yun, may inaasikaso lang kaya wala sya kaya ako muna ang titingin sayo." Seryoso nyang sabi ulit sa akin then inilapag nya ang pagkain sa side table at kinuha nya yung patungan.

Unwanted Status (7RWIS-book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon