Morgan's POV
Morning....
House...
Takot at guilt ang naramdaman ko. Ni hindi ko alam kung paano talaga ako nakauwi, hindi ko nga nagawang magpaalam pa kay Kenzo. Matapos na may mangyari sa amin kagabi anung mukha pa ang maihaharap ko sa asawa ko ngayon.
Nakakadirili ang ginawa ko. Maling-mali ang naging desisyon ko. How come na magiging marupok ako ng ganun-ganon na lang.
"Paano mo to' nagawa sa asawa mo Morgan? Paano?" Tanong ko sa sarili ko then pumasok na ako sa loob.
Pagdating na pagdating ko sa living room bumungad sa akin si Sandy kaya naman gulat na gulat talaga ko.
Halos alas singko pa lang ng umaga. Sobrang aga nyang gumising.
"San--dy?!" Kunot-noo kung tanong sa kanya then tinignan nya ako.
"Kadarating mo pa lang, saan ka galing?" Takang yanong nya then lumapit sya sa akin. Hindi ko alam kung paano at anung isasagot ko sa kanya.
"Uhm...may--may tinapos lang ako sa Gallery!" Pagsisinungaling ko at talagang todo iwas ako ng tingin sa kanya.
"Kaaakyat lang ni Simon, halos kadarating ko din lang galing kasi ako sa exhibition ee Nakakuha kasi ako ng ticket remember!?" Tugon nya kaya tumango ako.
"Aakyat na din ako" pagpapaalam ko pero pinigilan nya ako.
"Sandali" pag-pigil nya saka para bang may napansin sya sa may tainga ko. "Asaan ang isang hikaw mo?" Kunot-noong tanong nya then agad kung kinapa ang kanang tainga ko at talagang kakaba-kaba akong tumingin sa kanya.
"Huh!? Ah kasi nakaidlip ako sa table ko kagabi, siguro nalaglag. Ipapa-hanap ko na --lang mamaya sa staff ko" pagpapalusot ko then tumango sya at talagang nag-aalangan akong tumingin sa kanya noon. Ayoko kasing baka makahalata sya or baka kung anu pang mapansin nya sa akin ee."San--dy, aakyat na ako ahh" pag-iwas ko then tumango lang sya.
At talagang kakaba-kaba ako nang tignan ko at tamang-tamang nakatingin din sya sa akin. Kaya minadali ko na lang ang pag-panhik sa taas.
----------------
In our Room...
Inabotan kung naka-impake ang mga gamit ng asawa ko kaya naman nagtataka ako kung anung nangyari at nasa kalabas ang mga iba nyang gamit. Kaya naman dali-dali akong pumunta sa walk-in closets namin para tanungin sya
"Hon?!" Tawag ko sa kanya nang makita ko syang kumukuha ng mga polo nya at napatingin sya sa akin. Then lumapit ako sa kanya at bigla ko na lang syang nilayakap ng mahigpit.
"Hon, are you okay!?" Tanong nya then lalo ko pang isiniksik ang mukha ko sa dibdib nya.
"Sorry kung di ako nakatawag na mag-oover night ako sa gallery" nakokonsensya kung sagot then hinadkan nya ako sa noo.
"Okay lang Hon. I know na madami kang tinatapos at inaasikaso ngayon." Mapagpakumbabang sagot nya sa akin then inangat ko ang tingin ko sa kanya at lalo akong nakonsensya dahil sa nagawa ko at dahil sa sobrang buti nyang tao.
"Salamat Hon"sabi ko then hinalikan ko sya sa labi.
"I'm going to Japan tomorrow morning" sabi nya then kunot-noo ko syang tinignan.
"JAPAN? Aalis ka?" Tanong ko then ngumiti sya at marahang tumango.
"Pinapapunta ako ni Dad, I need to meet the investors at yung mga bagong Doctors na magtre-trained sa akin to be the best Doctor dito sa London" sagot nya saka bumitaw na kami sa pagkakayakap namin sa isa't-isa.
BINABASA MO ANG
Unwanted Status (7RWIS-book2)
RomanceMy Unwanted Status, took my entire life and dignity. How come na ang lalaking pinangarap at hinanap ko ay iisa. Na syang dahilan kung bakit nagpakababa ako ng husto para lang may napatunayan ako sa pamilya ko at sa lahat ng taong minamata ako. Putt...