Chapter 21 : Perfect Timing

343 9 0
                                    

SPG po to' Guys..

Kenzo's POV

Tumingin ng nakakaloko sa akin si Tyron.

"Anu yung eksenang yun Pare?!" Natatawang nakakalokong tanong ni Tyron.

"Wrong timing ka naman eh" inis kung sagot then hinampas nya ako sa balikat.

"Iba ka talaga Kenzo, your game is really awesome. Akalain mong napaglalaruan mo si Morgan sa sarili mong mga palad. Sana may isa pang Morgan na dumating sa buhay ko para fair!"pilyo nyang sabi.

"Sige lakasan mo pa para marinig ka nya?!" Inis kung sabi sa kanya kaya natahimik sya.

"Ay...Sorry naman"

"Anu bang masamang hangin ang nagdala sayo dito?!" Kunot-noo kung tanong then ngumiti sya.

"I just want to know kung anung pinagkakaabalahan ng kaibigan ko, dahil halos di ko na sya makita sa opisina, sa tingin mo masyado syang nageenjoy sa pakikipaglaro sa isang Gamer?" Nagtatampong tugon nya then tinignan ko sya pabalik.

"Nandoon ako office sa kanina" sagot ko na totoo naman talaga.

"Look Kenzo, mukhang sineseryoso mo na talaga tong ginagawa mo, talagang dinala mo sya sa comfort zone mo ahh" seryoso nyang sabi.

"Malapit ko nang makuha ang loob nya, infact hindi na ako makapaghintay na dimating yung time na ma-inlove na sya talaga sa akin."
Tinapik ako ni Tyron sa balikat.

"Hindi sakinakampihan ko si Morgan at kinukontra na kita ah, pero masyado atang kawawa si Morgan, what if hwag mo na lang syang gantihan, tutuhanin nyo na lang kaya yan, tutal dyan naman kayo mapupunta ee?! "

"Tsk, naririnig mo bang sarili mo, kung kelan malapit ko na syang mapaniwala eh at kapag nangyari ang pinakahihintay ko, ipaparamdam ko sa kanya kung paano nya ako binalewala noon."may poot kung sabi kay Tyron then iiling-iling syang sumagot sa akin.

"Kalimutan mo na dapat yung nakaraan nyo. Walang maidudulot na maganda yun. Sa nakita ko kanina, para na talaga kayong couple, siguro kung hindi ako dumating malamang may mangyayari ulit sa inyo" nakakalokong sagot nya then i took a deep breath.

"Paano ko makakalimutan yun. Ee hanggang ngayon galit pa din ang nararamdaman ko sa kanya. Tama ka kung hindi ka dumating, naisakatuparan ko na naman sana ang mga balak ko"

"Kenzo, real talk bakit ba hindi mo na lang sabihin kay Morgan ang totoo na ikaw yung patay na patay sa kanya noon na binasted lang nya para aware sya at magkapatawaran kayo diba?" Kunot-noo nyang tanong then umiling ako.

"Sasabihin ko naman sa kanya pero hindi pa sa ngayon , gusto kung maranasan nya kung paano mabalewala at masaktan"

"Oo sige tutal di na kita mapigilan , after mo syang magantihan, anung susunod na gagawin mo sa kanya?!" Seryoso at deretchang tanong sa akin ni Tyron.

"Sa ngayon hindi ko pa naiisip ang tungkol dyan. Basta ang nasa isip ko ay ang magamit ko sya sa lahat ng paraang gusto ko" matapang kung tugon them tinignan nya ako.

"Wala pa bang nasasabi oh  nababanggit sayo si Morgan?" Kunot-noong tanong ni Tyron sa akin.

"Wala naman syang sinasasabi, anu bang ibig mong sabihi" Tanong ko then umiling sya.

" I heard, and sa tingin ko hindi to rumors ahh, iniwan ng dad nya ang kinakasama nitong si Ms. Isabelle,  ayaw sa kanya ni Morgan kaya sya umalis sa bahay at sya ang puno't dulo ng gulo sa pamilya nila. Kaya napagkasunduan ata ng pamilya nya na kailangan maikasal si Morgan kay Caiden" napatingin ako ng patanong kay Tyron ng sandaling yun.

Unwanted Status (7RWIS-book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon