Morgan's POV.
London...
ONE YEAR AGO...
Nakalipat na din kami ni Simon sa London halos kalahating taon na kami dito. Ikinasal na din kami.
Isang taon na din pala ang nakalipas, pero parang kahapon lang nanyari at naganap ang lahat.
Para pa din akong nakakulong sa nakaraan. Napaglilipasan ng panahon pero hindi naghihilom ang mga sugat sa puso ko. Hindi matahimik ang utak ko. Ni hindi ko magawang maging masaya at maging malaya sa nakaraan ko.
Dapat masaya at maging kontento na lang ako sa buhay na meron ako. Bumalik na sa dati ang lahat. Okay na ang kompanya, ikakasal na din si dad at si tita Isabelle. Okay na, okay na din si Patch at kuya Landon. Si kuya Zion nahanap na din ang babaeng matagal nya nang hinihintay.
Samantalang ako, anu? Anung nangbago at anung bago sa akin?.
----------
Naging mas mersirable ang buhay ko after kung magpakalayo.
Bed...
Pakiramdam ko sa tuwing may nangyayari sa amin ni Simon, para akong pinaparusahan at pinapahirapan. Ni hindi ko magawang halikan sya sa labi everytime na inaangkin nya ako.
"Are you okay?" Tanong nya after na may mangyari sa amin. I nodded then hinila ko na lang yung blanket at tinakpan ko ang katawan ko at tumalikod ako sa kanya.
Naiiyak ako na hindi ko maintindihan. The more we get into the bed para angkinin nya, the more na nandidiri ako sa sarili ko. Tama ba na ipaubaya ko ang sarili ko sa taong di ko naman talaga kayang mahalin.
"Matulog na tayo" pabulong kung sabi then niyakap ko ang unan ko at hinadkan nya lang ako sa pisngi at nahiga na din sya.
"Good night Hon" sabi nya sa akin then tumango lang ulit ako.
---------------
Morning...
Kung tatanungin man ako kung anu ang naging buhay ko sa loob ng isang taong kasama ko si Simon. Isa lang ang masasabi ko. Napakabuti nyang tao at napaka-huwaran nyang asawa.
Bahay at hospital lang sya. Minsan may mga meetings sya out of the country, nagtatagal sya ng mga tatlong linggo oh di kaya isang buwan.
Hindi sya nagkulang, bagkus sobra-sobra pa nga sya ee. Hindi nya lang binigay ang mga gusto ko kailangan ko, kundi pinipilit nyang punan lahat ng pagkukulang ko. Iniintindi nya lahat-lahat.
Sya na nga itong busy, sya pa tong magsisilbi sa akin paggising at pag papasok na ako sa Art gallery na pinatayo nya din para sa akin.
"Nainom mo na ba yung vitamins mo?" Tanong nya nang ipagtimpla nya ako ng kape.
"Tapos na" sabi nya then hinainan nya pa ako ng pagkain ko. "Hindi kaba malalate nyan?" Taka kung tanong then ngumiti lang sya.
"Nainom mo na yung pills mo?" Pag-iiba nya nang sagot sa akin. Tinignan ko sya then huminga na lang ako ng malalim.
"Oo" maiksi kung sagot then hinalikan nya ako sa labi at kinuha nya na yung gamit nya at nagpaalam na sya sa akin.
"Susunduin kita mamaya, sa resto na lang tayo mag-dinner okay?" Sabi nya then tinignan ko sya.
"Wala ka bang operation na gagawin ngayong araw na to?" Tanong ko sa kanya then umiling sya.
"It's my birthday today. Maaga akong lalabas sa hospital mamaya, magkita na lang tayo sa Art Gallery Mamaya!" Sabi nya then bigla na lang syang umalis ni hindi nya na ako pinagsalita pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/43376304-288-k403212.jpg)
BINABASA MO ANG
Unwanted Status (7RWIS-book2)
RomanceMy Unwanted Status, took my entire life and dignity. How come na ang lalaking pinangarap at hinanap ko ay iisa. Na syang dahilan kung bakit nagpakababa ako ng husto para lang may napatunayan ako sa pamilya ko at sa lahat ng taong minamata ako. Putt...