Morgan's POV.
Hindi ko alam kung paano ko paniniwalain ang sarili ko para lang matahimik ako.
"Nakagawa ako ng isang desisyon na alam ko namang mali at sobrang below the belt. Paano ko nasabi at napilit kay Simon na pakasalan ako, ang kapal naman ng mukha ko sa part na yun." Sabi ko sa sarili ko then itinuloy ko ang pagayus ng ibang gamit ko nang dumating si Patch at laking pasasalamat ko na hindi nya kasama si Simon.
"Ready kana ba at hindi na talaga magbabago ang isip mo?" Bungad nyang tanong sa akin at parang galit pa sya ahh.
"Eto naman din yung gusto mong mangyari diba? Diba nga sinusulsol mo si Simon sa akin noon diba? Mali din bang magpakasal kami at sumama ako sa kanya sa New York?" Mahinahon kung tanong then huminga sya ng malalim.
"My God naman Morgan. Dumaan ka naman sa proseso hwag yung bibiglain mo. Anu to', parang nagbihis ka lang ng damit. After mong masuot at pag-sawaan, papalitan at itatapon mo na lang ng basta-basta?" May pagtitimpi nyang tanong kaya naman napayuko ako. "Gagamitin mo si Simon? Seryoso ba to'!?"dugtong nya pa.
"Hindi ko sya ginagamit at hindi mahirap mahalin si Simon. Alam kung balang araw mamahalin ko din sya" sagot ko then natawa ng bahagya si Patch.
"Haha, Naririnig mo ba ang sarili mo? Ni hindi mo nga nagustohan yung tao dahil sa first love mo at first kiss mong sobrang minahal, hinanap at hinintay mo. At ngayong alam mo nang si Kenzo at yung first love mo ay iisa, sa tingin mo makakalimutan mo sya? Siguro mga ilang linggo or buwan lang. But you will never forget your first Morgan. Kilala kita at alam kung...." tumingin ako sa kanya at naiyak ako kaya naman natigilan sya.
"Kaya nga ako magpapakasal at aalis diba? Dahil, gusto kung kalimutan si Kenzo at yung taong sobrang minahal ko. Gusto kung pareho silang makawala sa isip, sa sistema at sa buhay ko" umiiyak kung sagot kaya hindi agad nakapagsalita si Patch. "Tulungan nyo naman ako at suportahan kahit konti lang. Kahit dito lang, tanggapin nyo na kung anu ang magiging desisyon ko. Gusto kung MAGING MALAYA, GUSTO KUNG MAGING MASAYA AT GUSTO KUNG HANAPIN UKIT ANG SARILI KO. Walang kasing sakit ang mga nangyari sa akin Patch. Sobrang nasaktan ako" humahagulgol kung sagot kaya naman napayakap sya ng wala sa oras sa akin.
"Sorry kung ganyan ang nararamdaman mo. Hindi ko alam na sobrang nahihirapan kana pala." Umiiyak nya ding sagot then mas nag-ngawa pa nga sya kesa sa akin ee.
"Tulungan mo kung makombensi sina kuya at Daddy na magpakasal kay Simon" pakiusap ko then tumango sya at hinaplos nya ng likod ko.
"Susuportahan kita kahit anu pang gusto at maging desisyon mo promise ko yan sayo. But bago sana ang pwede bang sumama kana muna sa ako. Bago tayo umalis" sabi nya then nag-bitaw kami sa pagkakayakap namin.
"Saan?" Kunot-noo kung tanong theng pinisil nya lang ang pisngi ko.
"Basta" sagot nya then ngumiti sya habang naiiyak pa din.
--------------------
Resort...
Dapat sa Airport na kami pupunta pero laking pagtataka ko nang dalhin ako ni Patch sa may dalampasigan kung saan kami nagkita ni Kenzo noon.
"Kung talagang handa ka nang kalimutan at bitawan si Kenzo, Morgan kahit sa huling pagkakataon lang magkaroon man lang kayo ng closure or ng second chance. Mahal kita Best, at hindi ko to', ginagawa para pahirapan ka at saktan ka. Ayoko lang talagang dumating yung panahong kung kelan kasal kana saka ka magsisisi at maghahabol, at gusto ko ring nakapagbagong buhay kana kung sakaling matanggap na ninyo ang desisyon ng isa't-isa" seryoso nyang sabi sabay hinawakan nya pa ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Unwanted Status (7RWIS-book2)
RomanceMy Unwanted Status, took my entire life and dignity. How come na ang lalaking pinangarap at hinanap ko ay iisa. Na syang dahilan kung bakit nagpakababa ako ng husto para lang may napatunayan ako sa pamilya ko at sa lahat ng taong minamata ako. Putt...