Morgan's POV.
Instant Flashback (two years ago)
Isolation Room.
Halos hindi na ako umuwi para lang bantayan si Simon sa hospital. Ni wala akong sapat na tulog at maayus kain.
"Umuwi kana muna kami na ang bahala dito" mahinahon na sabi ng ate ni Simon na si ate Marga sa akin.
"Okay lang po ako dito Ate." Sagot ko then hinawakan nya ang kamay ko.
"Morgan, wala nang chance si Simon para magising. Doctor said, baka ilang araw na lang pwede na syang mawala sa atin." Kalmadong sabi ng ate nya then tinignan ko syang masama.
"Ganun na lang ba yun. Ganun nyo na lang ba sya bibitawan? Hanggang humihinga sya at nandito sya hindi dapat tayo mawalan ng pag-asa na magigising sya" umiiyak kung sagot then yumuko sya at huminga ng malalim.
"Matagal na kaming handa at matagal na naming tanggap ang mga pweding mangyari sa kanya. Kung alam mo lang kung gaano nya kagustong lumaban para sa sakit nya. Morgan, kaya lang naman nagtagal ang buhay nya dahil gusto ka nyang makasama ee. Ramdam ko ang bigat at hirap sa laban nya. Please bumitaw na tayo sa kanya, pagod na pagod na sya, hirap na hirap na sya" humagulgol nyang pagpapaliwanag sa akin then niyakap ko sya at pati ako napaiyak na din.
"Ate Marga, hindi ko pa kayang bumitaw kay Simon" iyak ako ng iyak habang nagsasalita.
"Naiintindihan ko pero Morgan, tignan mo naman sya. Please hayaan na natin syang magpahinga" sabi nya then naghiwalay kami sa pagkakayakap.
"Madami pa akong gustong sabihin at ihingi ng tawad sa kanya. Paano ako bibitaw kung kinakain pa din ako ng konsensya ko. Niloko ko sya at sinaktan." Sabi ko then lumapit si ate Marga kay Simon at hinawakan nito ang kamay nya.
"Noong kausapin nya ako tungkol sa inyo ni Kenzo, nagalit ako, sinigaw-sigawan ko sya. Sinong matinong asawa at lalaki ang gagawa ng hakbang para lang paglapitin ang asawa nya sa ex-boyfriend nito. Pero noong sabihin nya sa aking magiging masaya sya doon, wala akong nagawa kundi pabayaan sya. Tapos noong sabihin nya na buntis ka, nasampal ko sya, alam mo bang gustong-gusto kitang puntahan para samapalin noon, pero nakiusap sya sa akin na hwag akong gagawa ng kahit anung makakasama sayo at sa baby mo, sinarili ko na lang ang galit ko. Alam mo kung bakit? Morgan masakit kasing tangihan yung taong malapit nang mawala, ayokong pag-sisihan ko yung mga bagay na hiniling nya na di ko ginawa. Ayokong maging malungkot sya sa pag-alis nya." Umiiyak na sabi ni ate Marga habang ako di makatingin ng deretcho sa kanya dahil sa hita ko.
"I'm really sorry. Hindi dapat sana nangyari yun. Hindi ko dapat yung ginawa sa kanya!" Sobrang nagiguilty kung tugon then niyakap ni Marga si Simon.
"Kagustohan ni Simon ang nangyari. Gusto ka nyang maging masaya ee. Alam ko naririnig nya tayo, sabihin mo sa kanya lahat habang andito pa sya" pabulong na sabi ni Ate Marga then lumapit ako at tumayo na sya sa may paanan ni Simon.
Hinawakan ko ang kamay ni Simon at hinalikan ang singsing namin.
I'm hoping na marinig nya ako at mapatawad.
"Simon, kung gaano ako ka-unfair sayo mas unfair kapa pala. Bumangon kana please. Ang dami ko pang dapat pagbayaran sayo. I'm really really sorry for causing you so much pain. Hindi ko naiparamdam sayo ang pagmamahal na dapat para sayo. Gusto kung magalit dahil sa ginawa mong set-up, sa divorce natin, sa mga iniwan mo para sa akin at ng magiging baby natin. Asawa lang kita pero ikaw na ang nangdesisyon sa buhay ko at sa magiging buhay namin ng anak ko" humahagulgol kung iyak then natigilan ako nang biglang gumalaw ang diliri ni Simon.
BINABASA MO ANG
Unwanted Status (7RWIS-book2)
RomansaMy Unwanted Status, took my entire life and dignity. How come na ang lalaking pinangarap at hinanap ko ay iisa. Na syang dahilan kung bakit nagpakababa ako ng husto para lang may napatunayan ako sa pamilya ko at sa lahat ng taong minamata ako. Putt...