Chapter 73 : It's Over

254 4 0
                                    

Morgan's POV

House...

Hindi ako kinibo ni Simon hanggang sa makarating kami ng bahay. Hindi ko alam kung anung sasabihin ko oh kung anung gagawin ko.

"Magpahinga kana" pamasag nya sa katahimikan namin.

"Bakit hindi ka magalit sa akin? Bakit hindi mo ako sampalin at saktan!?" Umiiyak ko nang sabi sa kanya then hinila ko ang kamay nya at pinagsasampal ko sa mukha ko pero agad nya ring binawi yun.

"Bakit ako magagalit sayo? Bakit kita dapat sampalin at saktan?" Mabulong nyang tanong then titig na titig kami sa isa't-isa.

"Stop acting na wala kang nakita Simon. Alam kung alam mo ang ibig kung sabihin diba!?. MALANDI AKO, NILOKO KITA, ANG SAMA-SAMA KUNG TAO. I'M SO SORRY.....!" humahagulgol kung sabi then inalis nya ang kamay kung nakahawak sa kamay nya. At nakita ko ang mga luha sa mata nya kaya tumalikod sya ng bahagya.

"Pagod lang tayo kaya magpahinga na lang muna tayo please" sabi nya then umalis na lang sya agad.

------------------

Aalis din sana ako nang bigla akong harangin ni Patch sa may main door. At bigla ba naman nya akong sinampal. Hindi lang isang besis kundi dalawa. Halos nga dumugo ang ilong ko sa lakas ng impact ee.

"All this time pinagmukha mo ulit akong tanga. Tarantado ka din pala ee. Ang baboy nyo ni Kenzo." Umiiyak nyang pangiinsulto sa akin habang ako nakayoko. "Pasalamat ka talaga sa asawa mo dahil hindi sya kagaya ng ibang tao. Kung ako lang yun, mahuli ko kayo sa akto, ipapahiya kita, at ipapamukha ko sayo kung anung klase kayong mga tao" dugtong nya pa then naiyak ulit ako.

"Patch, Sorry hindi ko naman gusto-----" natigilan ako nang hilain nya ang damit ko at halos lamunin nya ako ng buhay.

"Hindi mo lang inisip kung anung mararamdaman ng asawa mo. My God Morgan, nagpapakamatay sya sa kakatrabaho para lang mabigyan ka nya ng luxurious life pero sinayang at binalewala mo lang. Bakit nakulangan kaba sa asawa mo? Hindi nya ba magawa at mabibigay ang PANGANGAILANGAN MO?" bulyaw nya sa akin then itinulak nya ako kaya naman nasubsob ako sa sahig.

Grabe ang sakit na naramdaman ko sa may tyan ko hanggang sa may bewang ko.

At talagang namilipit ako, hindi na ako makatayo at naramdaman kung parang may bumubulwak sa may in between ko.

"MORGANNNNN!?"tumingin sa may ibaba ko noon at talagang namutla ako dahil nagkalat ang dugo. Habang si Sandy tumakbo na sya palapit sa akin at inalalayan nya ako. " SIMON,,,,,SI MORGANNNNN, DALHIN NATIN SYA SA HOSPITAL" pagkasabing yun ni Sandy bigla na lang akong nakaramdam ng pagkahilo at nagdilim na ang paningin ko.

------------------

Hospital...

Napatingin ako noon sa buong paligid at laking gulat ko nang makita ko si Simon sa may binta at malayo ang tingin nya kaya naman pinilit kung tumayo para malapitan sya.

May masakit sa may tyan ko at para bang may malalaglag sa may puerta ko. Kaya nagdahan-dahan ako sa paglakad papunta sa kanya.

"Simon!" Tawag ko sa kanya kaya naman dali-dali syang tumingin sa akin. Ang pulo ang mga mata nya at namumugto na ang mga eto.

"Bakit tumayo ka. Makakasama sayo at sa baby ang paglalakad. Magpahinga kana muna"

Napamaang ako sa sinabi nyang yun. Para bang may isnag malaking bitak ng yelo ang bumagsak sa may harapan ko sa sinabi nyang yun.

"Anung ibig mong sabihin? Anung baby----...!?" Natigilan ako dahil niyakap nya ako ng mahigpit.

"Buntis ka Hon" pabulong nyang sabi then naiyak ako kaya naitulak ko sya.

Unwanted Status (7RWIS-book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon