❂ PROLOGUE ❂

126 4 0
                                    

[Addison's POV]

Hinawakan ko ng mahigpit ang baseball bat na puno ng tinik na siyang armas ko at dahan dahan akong lumapit sa kalaban ko na iginapos ko sa poste.

Tiningnan ko siya ng masama pero nginisihan lang niya ako kaya naisip kong hindi siya natatakot sa akin. Napatingin ako sa mga kasamahan ko na nasa likod ko saka ko siya tiningnan ulit.

"Jace Ralph Javier, pumili ka ng isa. Babayaran mo ang dalawang milyong utang mo o papatayin kita ngayon mismo?!"

Tanong ko habang nagpapanggap akong hindi kinakabahan. Akala ko ay matatakot siya dahil sa sinabi ko pero hindi. Tinawanan lang niya ako at napangisi ulit.

"None of the above. I will never pay that debt and I will never die either."

What——

Mas hinigpitan ko pa ang paghawak sa armas ko at tinutukan ko siya nito para matakot siya.

"Daughter, just kill him already."

Kalmadong sabi ng ama ko na isang sindikato kaya napalingon ako sa kanya. Anong——

"But dad——"

"I said just kill him already. I know that his life doesn't even worth a million but kill him anyways."

What did he just——

No. He worth more than millions. He's priceless to me.

Mas hinigpitan ko pa ang paghawak sa armas ko at humarap ulit ako sa kanya. Napapikit ako habang nakatingin sa kanyang nakangisi lang habang naghihintay kung kailan ko siya hahampasin ng hawak hawak ko.

"I said smash him! Durugin mo siya!"

Sigaw ng ama ko na parang galit na galit na. Napapikit ulit ako at hahampasin ko na sana siya pero pinigilan ako ng sarili ko. Ibinaba ko ang armas na dala dala ko at napayuko ako saka ako dahang dahang humarap sa ama ko.

"Sorry dad. Hindi ko kaya."

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon