❂ CHAPTER 30 ❂

25 3 0
                                    

[Addison's POV]

What? Anong kailangang pag usapan namin?

Kumunot ulit ang noo ko habang nakatingin parin sa kanya. Iniwasan na niya ako ng tingin at umupo siya sa upuan kaya ganun nalang rin ang ginawa ko.

"Okay, pag usapan natin yang sasabihin mo. But promise me na mabilis lang to. Nandun ang pera ko doon sa lounge at nakabukas pa ang maleta na yun! Paano kung may mangungupit nun ha?! Dadagdagan ko talaga ang utang mo!"

Singhal ko sa kanya sabay irap kaya tinanguan nalang rin niya ako bilang sagot.

"You don't need to worry about your money. Pinabantayan ko sa mga kasamahan ko ang pera mo."

Sagot niya pero inirapan ko siya. Ibig sabihin niya yung mga minions niya? Psh.

"Kahit na. I can't trust them. Baka kunan pa nila ang pera ko. Baka nga ginagawa mo lang to para maiwanan ko ang pera ko at makakuha ka ng dalawang milyon mula doon para pambayad sa utang mo!"

Singhal ko kaya nagulat siya at agad siyang umiling iling bilang pagtanggi sa pinaparatang ko.

"No, of course not. May sasabihin lang talaga ako."

Kalmadong sagot niya kaya pinilit ko ang sarili kong kumalma. Umayos nalang ako sa pagkakaupo at hinubad ko ang white fur jacket na suot ko dahil naiinitan na ako. Inayos ko rin ang black na tube ko pati na ang buhok kong medyo nagulo.

Nang napatingin ako sa kanya ay nakita ko siyang napatulala at napatitig sa akin dahil sa ginagawa ko kaya napairap ako. This guy.

"Sabihin mo na. Wag kang titig ng titig diyan."

Sabi ko sabay irap kaya agad niyang ginising ang sarili niya at iniwasan niya ako ng tingin. Titig kasi ng titig.

"Umm. I just want to say that I need another month to pay my debt. Hindi ko kayang kumita ng dalawang milyon ng basta basta nalang."

Nagulat ako dahil sa sinabi niya at sisinghalan ko na sana siya pero napatigil ako. One month na may utang siya sa akin? Sounds great. Ibig sabihin mapaglalaruan ko pa siya sa loob ng isang buwan.

"Okay. That's fine with me."

Kalmadong sagot ko at alam kong nagulat siya. Akala niya siguro mahirap akong pakiusapan.

"Really? With no interests and conditions?"

Gulat na gulat na tanong niya kaya tumango na naman ako bilang sagot. Kitang kita ko ang pagliwanag ng mukha niya kaya palihim akong natawa.

"Nope. Baka kasi hindi mo na naman mababayaran kapag tutubuan pa namin. Tsk."

Sabi ko sabay irap. Maya maya ay may naisip akong itanong sa kanya kaya napangisi ako.

"Bakit nga pala hindi ka pa makakapagbayad? Hindi ka ba pinapahiram ng pera nung babaeng palagi mong sinostalk?"

Tanong ko kaya alam kong nagulat siya. Napatingin siya sa akin na para bang hindi makapaniwala na alam ko yun.

"Wait, bakit mo alam yan?"

Pagtatakang tanong niya kaya natawa ako. Hindi ba talaga niya alam?

"Tsk. What a dumbass."

Nasabi ko nalang yun bigla habang punong puno parin ng pagtataka ang mukha niya.

"As I said, I always have my eye on you. Kahit saan ka pa pupunta, nakikita kita."

Nakangisi kong sagot sa kanya kaya nagulat siya. Sinabihan ko na siya tungkol dito dati ah. Bakit parang gulat na gulat parin siya?

"May binabalak ka ba kay Addison?"

Tanong niya at napayuko siya. Nagtaka ako kung bakit ganyan ang ikinikilos at sinasabi niya pero hinayaan ko nalang rin siya.

"Kung hindi ka makakapagbayad kaagad, meron."

Sagot ko naman kaya napatingin ulit siya sa akin na para bang seryosong seryoso. Tinaasan ko siya ng kilay at agad siyang umiwas ng tingin na para bang may iniisip kaya kumunot ang noo ko.

"Wag mo siyang idamay dito. Wala siyang kinalaman tungkol sa utang ko. Please. I don't want her to be involved with the mess I made."

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon