❂ CHAPTER 21 ❂

20 2 0
                                    

[Addison's POV]

Dahan dahan akong pumasok sa classroom at napatingin ako sa paligid. Nagkukwentuhan ang mga kaklase ko at ang iba sa kanila ay nagbabatuhan pa ng kung ano ano.

Napatingin ako sa bandang likod ng classroom at napag alaman kong wala pa pala ang grupong Black Phyton kaya napahinga ako ng maluwag. Mabuti naman at mukhang magiging tahimik ang buhay ko ng ilang saglit.

Lumapit ako sa upuan ko at umupo ako rito. Napatingin ulit ako sa braso ko at napairap ako. Hindi ko nga pala nakita ang bracelet ko kahapon na may logo ng sindikato namin. Dapat kong hanapin yun. Nandito lang yun sa eskwelahan, sigurado ako.

Sinilip ko ang ilalim ng upuan ko habang nagbabasakaling makita ang bracelet na yun pero wala ito. Tumingin ako sa sahig ng classroom namin at tiningnan ko ito ng maigi dahil baka nahulog ko ito kahapon pero wala talaga.

Napakamot ako sa ulo ko dahil sa inis. Nasaan na ba kasi yun? Kapag may makakita at makakilala ng logo na yun paniguradong lagot ako!

Wala na akong magawa kaya tumayo nalang ako sa kinauupuan ko para halughugin ang buong paligid ng classroom nato. Lumuhod ako sa sahig at gumapang ako sa ilalaim ng mga upuan para masilip ko ng maayos ang sahig.

Ilang minuto ko itong ginagawa pero hindi ko parin talaga yun nakikita kaya napakamot na naman ako sa batok ko. Nasaan na ba kasi yun?

Naisip ko na baka siguro wala talaga yun dito sa loob ng classroom kaya tumayo na ako. Napatingin ako sa labas ng classroom at napaisip ako. Wala namang papasok na teacher sa classroom namin ngayon dahil nagresign ang prof namin kaya okay lang siguro kapag lalabas ako.

Kagaya ng naisip ko, lumabas ako ng classroom habang sinusuyod ko ang mga daang dinadaanan ko. Nagbabasakali ako na makikita ko ang hinahanap ko pero wala talaga kaya naiinis na talaga ko.

Nakayuko lang ako habang naglalakad at maya maya ay bigla nalang akong bumangga sa isang tao kaya nagulat ako. Naiangat ko ang paningin ko at nakita ko si Jace na nakangisi pa habang nakatitig lang sa akin kaya palihim akong napairap.

Nandito na naman siya. Wala talagang araw ang lumilipas na hindi niya ako binibwiset.

"Inaabangan mo ba ako?"

What the——

At bakit ko naman siya aabangan? Ulol ba ako para gawin yun?

Hindi nalang ako sumagot at hindi ko nalang rin siya pinatulan. Aalis na sana ako pero hinawakan niya ang braso ko kaya napatigil ako. Anong ginagawa niya? Bakit niya ako hinahawakan?

"Wait lang. Don't be shy. Alam ko na naman na crush na crush mo talaga ako kaya mo ako palaging sinostalk kaya hindi mo na kailangang magtago."

Natatawa pang sabi niya kaya palihim akong napairap. Assumero to.

"Anyways, boys... Una na kayo sa classroom. May gagawin lang ako sa babaeng to."

Utos niya sa mga kasamahan niya at sumunod naman kaagad ang mga ito. Nagtaka ako dahil sa sinabi niya na may gagawin siya sa akin kaya kumunot ang noo ko.

Nang nakaalis na ng tuluyan ang mga kasamahan niya at napatingin ulit siya sa akin saka niya ako tinitigan ng maigi. Ako nalang din mismo ang umiwas ng tingin dahil naiinis na ako sa titig niya.

Maya maya ay inabot niya ang kamay niya sa akin kaya naisip ko na baka susuntukin o bubugbugin na naman niya ako. Yun lang naman talaga ang palagi niyang ginagawa kapag nakikita niya ako.

Hinanda ko na ang sarili ko bago pa niya ako suntukin kaya napapikit ako. Pero naramdaman kong hinawakan niya ang balikat ko kaya kumunot ang noo ko at nabuksan ko ulit ang mga mata ko.

Bakit niya hinawakan ang balikat ko? Akala ko ba bubugbugin na naman niya ako?

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon