❂ CHAPTER 12 ❂

25 2 0
                                    

[Addison's POV]

Ilang minuto nilang pinatakbo ang kotse at maya maya ay naramdaman kong huminto na ito kaya naisip ko na baka nandito na kami.

Pinakiramdaman ko ng mabuti ang paligid at narinig kong binuksan na nila ang pintuan kaya napalingon ako doon. Maya maya ay naramdaman ko ulit na may humila sa mga kamay ko at pinalabas ako nito ng kotse.

Kahit na hindi ko alam kung nasaan na kami ay hindi ako nakaramdam ng kahit na anong takot. Wala akong pake tungkol sa kung anong mangyayari sa akin. Alam ko namang kahit na gaano pa sila kahigpit sa akin at makakatakas parin ako kung gugustuhin ko.

Pinalakad nila ako saglit at pinakiramdaman ko ang buong paligid. May mga kwarto kaming pinasok at may mga hagdan rin kaming inakyat kaya sinaulo ko ang mga yun para makatakas ako mamaya.

Ilang saglit ay tumigil na sila sa paglalakad kaya yun din ang ginawa ko. Natahimik sila at may naririnig akong para bang tunog ng baril kaya pinakinggan ko ito ng maigi.

Habang pinapakinggan ko ito ay nakumpirma kong tunog nga yun ng baril kaya natawa ako ng palihim. Napangisi ako at napailing iling. Kung akala niyang takot akong mamatay, pwes hindi. Ilang beses ko nang nakita si kamatayan kaya hindi na ako natatakot na mamatay. Kahit ngayon pa mismo.

Tinanggal na nila ang telang itinabon nila sa ulo ko kaya naalis ang buhok ko na nakatabon sa mukha ko. Agad ko naman itong ibinalik at isinuot ko ulit ang hoodie ko.

"Wait...."

Napahinto ako sa ginagawa ko at napatingin ako kay Jace na nakatitig lang sa mukha ko kaya kinabahan na ako. Wag mong sabihing——

"You're familliar."

Sabi pa niya habang unti unting lumalapit sa akin kaya umatras rin ako ng umatras. Tiningnan niya ng maigi ang mukha ko na para bang iniinspeksyon ito kaya agad akong yumuko.

"Show that face. Wag mo na yang itago."

Utos niya na para bang napipikon na pero hindi ko yun sinunod. Patuloy lang ako sa pag atras at maya maya ay bumangga na ang likod ko sa pader kaya alam kong wala na akong kawala.

Lumapit siya sa akin kaya tatakas na sana ako pero hinarangan niya ako gamit ang braso niya. Tinanggal niya ang tape na nasa bibig ko habang nakatitig parin sa akin. Tiningnan niya ulit ng maigi ang mukha ko kaya agad akong yumuko para hindi niya ito makita ng maayos.

"I said show that face!"

Sigaw niya pero hindi ko parin siya sinusunod. Dahil dun ay hinawakan niya ang buhok ko at aalisin na sana niya ito mula sa mukha ko kaya agad ko siyang itinulak palayo. Hindi niya pwedeng makita ang mukha ko. Gusto ko pang makaganti sa kanya bago niya ako makilala.

"You have a guts to push me away, huh? Simple lang naman ang inuutos ko eh! Ipakita mo yang pangit na pagmumukha mo! I want to see your face before I will kill you."

Pangit na pagmumukha ko? Tss. Pagsisisihan niya yan kapag makikilala na niya kung sino ba talaga ako.

Hindi ako sumagot at yumuko ulit ako. Dahil dun ay napikon na siya kaya nilayuan nalang niya ako. Mabuti naman.

"Why are you doing this?"

Tanong ko habang iniiba ko ulit ang tono ng boses ko. Napalingon ulit siya sa akin na para bang nagtataka saka niya ako nilapitan habang nakangisi.

"I'm doing this for fun. I have a problem right now that's why I need a toy to play with."

Sagot niya kaya tumango tango naman ako para kunwari ay naiiintindihan ko ang sinasabi niya.

"Problema? Tungkol ba yan sa dalawang milyon na utang mo?"

Nakangising tanong ko kaya nagulat siya at agad niya akong nilayuan. Palihim akong natawa dahil sa reaksyon niya pero tinago ko yun.

"How did you—— Tauhan ka ba ni Sapphire?!"

Natawa ulit ako ng palihim pero hindi ko sinagot ang tanong niya. Bahala siya diyang lamunin ng kuryosidad.

Dahil sa pananahimik at sinabi ko ay nawalan na talaga siya ng pansensya kaya nilayuan na naman niya ako at sinenyasan niya ang mga kasamahan niya.

"Boys, beat her."

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon