❂ CHAPTER 78 ❂

6 1 0
                                    

[Addison's POV]

Dahil sa sinabi ko ay mas lalo pang uminit ang ulo niya kaya pinutok na niya ang baril na kanina pa niya itinututok sa noo ko. Napapikit ako sa pag aakalang tatagos ito sa bungo ko pero hindi. Walang bala na tumagos.

Ibinuka ko ang mga mata ko at nakita ko siyang nagtataka kung bakit hindi ito pumutok. Napatingin ako sa baril niya at napansin kong wala pala itong bala. Napangisi ako habang saka ako napatingin sa kanya.

"Next time, be prepared. Tss."

Sabi ko at umalis na ako. Pinigilan niya akong makaalis pero hindi ako nagpapigil sa kanya. Kailangan kong siyang iwasan. Ayokong tanungin na naman niya ako tungkol kay Jace.

"Where do you think you're going?!"

Pasigaw na tanong niya pero hindi ko siya pinansin. Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad at nang nasa likod na ako ng pintuan ay napatigil ako nang bumalik ang isa sa mga utusan niya at lumapit ito sa kanya. 

"Sir, the vehicle and the weapons are now ready. We can go to the police station now."

Bulong nito kay daddy kaya nagulat ako habang palihim akong nakikinig. Police station? Sigurado akong pupuntahan nila si Jace para dalhin siya dito. Alam kong hanggang ngayon ay sabik na sabik parin si daddy na patayin siya at singilin ang dalawang milyong utang niya.

Nagpanggap ako na para bang walang naririnig at agad akong pumasok sa kwarto ko para magbihis. Nagsuot ako ng hoodie at komportableng pantalon para makakilos ako ng maayos. Kumuha rin ako ng baril para may magamit ako mamaya.

Pagkatapos ay lumabas na ako at bumaba ng hagdan. Nang napansin kong wala ang ama ko dito ay napahinga ako ng maluwag at lumabas na ako ng lounge.

Sumakay ako ng kotse at lumabas ako ng mansyon. Gusto kong puntahan si Jace bago pa ako maunahan ni daddy.

Kalmado lang ako habang nagmamaneho pero nagulat ako nang napatingin ako sa side mirror. Nakita ko si daddy na sinusundan pala ako kaya napairap ako. Bwiset!

Binilisan ko ang pagmamaneho ko para hindi niya ako maabutan. Kinuha ko ang sobreng nasa bulsa ko at tiningnan ko ang address ng presinto kung nasaan si Jace ngayon habang nagmamaneho parin.

Napatingin ulit ako sa side mirror at nakita ko doon si daddy na sinusundan parin ako kaya mas lalo pang bumigat ang nararamdaman ko. Kailangan ko siyang mailigaw. Pero paano? Alam kong alam na rin niya kung nasaan si Jace ngayon.

Mas binilisan ko pa ang pagmamaneho ko para hindi niya ako maabutan. Para na kaming nagkakarera dito sa kalsada dahil sa bilis ng pagpapatakbo namin pero hindi ko inalintana yun.

Ilang saglit ay napansin kong malapit na ako sa address na nakasulat kaya tumingin ulit ako sa side mirror. Nang nalaman kong nakalayo na pala ako kay daddy ay napahinga ako ng maluwag. Mabuti naman at naunahan ko siya sa pagdating.

Nang nakarating na ako sa presinto ay agad akong bumaba at pumasok. Lumapit ako sa mga pulis na nakabantay kaya napalingon sila sa akin.

"Papasukin niyo ako sa kung nasaan si Jace Ralph Javier. Kailangan ko siyang makita."

Utos ko kaya kumunot ang noo nila. Napatingin sila sa isa't isa na para bang naguguluhan saka niya ulit ako tiningnan.

"Pero Miss, hindi pa oras ng——"

"Wala akong pake. Papunta dito ang sikat na sindikato ng mga Guevarra kaya yun ang unang atupagin niyo."

Utos ko pero wala silang ginawa. Napatingin ulit sila sa isa't isa na para bang naguguluhan kaya napairap ako. Magsasalita na sana ako pero nagulat kaming lahat nang biglang may tumama na bala sa ulo ng isa mga pulis na kaharap ko.

Unti unti itong natumba sa semento habang duguan kaya agad na nagsialerto ang iba pang mga pulis at inilabas nila ang mga baril nila. Nang napansin kong abalang abala na silang lahat ay pumasok na ako sa lugar kung nasaan nandoon ang mga bilanggo at hinanap ko si Jace.

Kailangan niyang magtago. Siya nalang ang taong meron ako kaya ayokong pati siya ay mapahamak. Gagawin ko ang lahat para hindi siya mawala sa akin.

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon