❂ CHAPTER 35 ❂

21 2 0
                                    

[Addison's POV]

Bwiset yang Jace na yan!

Padabog akong pumasok sa gate namin at kumunot ang noo ko nang napansin kong sobrang ingay ng mga tao sa lounge namin. Nagtaka ako pero naalala ko na nagpaparty pala si daddy ngayon kaya napatango tango ako. Kaya pala.

Hindi ko nalang ito pinansin at dumeretso na ako sa kwarto ko para ayusin ang sarili ko. Naligo ako at nagbihis saka ako naglagay ng make up. Inayos ko muna ang mahabang buhok ko saka ako lumabas ng kwarto at bumaba sa hagdan.

Pagbaba ko palang ay kitang kita ko na kung gaano kasaya at kaingay ng mga guests ni daddy. Napatingin ako sa paligid at napangiti ako nang napansin kong mukhang naeentertain at maayos naman ang mga guests namin na mga milyonaryo.

Tuluyan na akong bumaba mula sa hagdan at nilapitan kaagad ako ni daddy kaya nagtaka ako.

"Sapphire, nandito ang mga anak ng presidente at ng mga senador. You can pick one of them for you to marry."

Nakangisi pang sabi ni daddy pero natawa lang ako. Ayan na naman si daddy, kung kani kanino nalang ako inirereto. Pero okay lang, papatayin ko naman mamaya yung mapipili niyang mapapangasawa ko.

Tinanguan ko nalang din si daddy at nilapitan na namin yung grupo ng mga lalakeng nakaupo lang sa malayo habang umiinom ng champaign. Palihim akong napairap pero ngumiti nalang rin ako para sabihin nilang tuwang tuwa ako na nakita sila.

Napalingon sa akin ang mga lalakeng yun at napatulala sila saglit nang nakita nila ako. Sinadya ko pang ibaba ang fur jacket na suot ko sa mga braso ko para makita nila ang makinis na mga balikat ko.

  "Wow."

Napatingin ako doon sa isang lalake at nginitian ko siya bago kami huminto sa paglalakad ni daddy sa harapan nila. Napangisi naman ito at napalingon siya sa mga kasamahan niya na para bang may pinag uusapan sila gamit ang mata.

"Boys, this is my daughter. Sapphire Guevarra, my princess."

Pagpapakilala sa akin ni daddy kaya agad namang nagsingitian yung mga ugok na bisita ni daddy. Palihim pa akong nginitan ni daddy pero bahagya lang akong natawa.

"Okay boys, you can have her for now. But make sure that you will return her to me after the party."

Sabi ni daddy kaya tinanguan naman sila ng mga ugok nato. Ngumiti nalang rin ako saka umalis si daddy para asikasuhin ang iba pang mga guests niya.

"Are you guys having fun?"

Tanong ko sa kanila kaya agad naman silang tumango. Umupo ako sa couch at sinadya ko pang magpagitna sa kanilang lahat kaya napangiti sila.

Nag usap usap kami saglit pero maya maya ay napansin ko na para bang may kumakaway sa akin mula sa malayo kaya kumunot ang noo ko.

Napatingin ako doon at nakita ko si Jace na nakangisi pa habang naninigarilyo at nakatitig lang sa akin kaya napairap ako. Bakit nandito na naman yan?

Tiningnan ko siya ng masama pero nginisihan lang ulit niya ako kaya agad akong tumingin sa malayo bago pa ako kontrolin ng galit at inis ko. Hanggang ngayon ay gustong gusto ko parin siyang patayin dahil sa pagpapahiya niya sa akin sa campus kanina.

Napairap ako at tinuloy ko nalang ang pakikipag kwentuhan ko habang palihim ko paring sinusulyapan si Jace. 

"So Sapphire, let's go out? I'm sure that you will have a great time with us outside."

Nakangisi pang sabi nung isa pero natawa lang ako. Nakita ko pang may inabot sa kanya yung isa niyang kasama at alam na alam ko kung ano yun. At mas lalong alam na alam ko rin kung anong binabalak nilang gawin.

Napangisi ako at palihim akong napairap. Siguro tingin nila ay madali lang nila akong maloko. Tsk.

"Sure! Let's go outside."

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon