[Addison's POV]
Napansin kong unti unti nang napupuno ng tubig ang loob ng kotseng sinasakyan namin kaya binuksan ko ang pintuan para makalabas kami. Napalingon ako kay Jace at hinila ko siya palabas ng kotse saka kami lumangoy paalis sa tubig.
Nang nasa nakaahon na kami sa ibabaw ng tubig ay hinahabol pa namin ang mga hininga namin. Napatingin ulit ako kay Jace at napahinga ako ng maluwag nang nalaman kong ayos lang siya.
"Are you okay? Dumudugo ang sugat mo!"
Sabi niya na may halong pag aalala. Napatingin ako sa tama ng baril na nasa braso pero hindi ko ito pinansin.
"I'm okay. Hindi naman gaanong masakit."
Sagot ko at nginitian ko siya para hindi na siya mag alala. Nginitian din naman niya ako saka siya umalis sa tubig at umupo sa gilid ng dalampasigan.
"So, ano nang plano natin ngayon? Wala na tayong kotse."
Tanong niya kaya napaisip ako. Napatingin ako sa paligid at ininspeksiyon ko ito ng mabuti para malaman kung nandito pa ba si daddy. Nang napansin kong wala na talaga siya ay napahinga ako ng maluwag at tumabi ako sa kinauupuan ni Jace.
"Hintayin nalang muna natin ang yacht. Dadating yun mamaya."
Sagot ko ulit kaya tumango tango siya. Napatingin ako sa mga sugat niya at tiningnan ko ito ng mabuti.
"Hindi ba sumasakit ang mga sugat mo?"
Napalingon siya sa akin at nginitian niya ako ng bahagya sabay tango.
"Sumasakit pero hindi naman gaano. Don't worry about me. You should worry about yourself."
Sabi niya at hinawakan niya ang braso kong may tama ng bala. Tiningnan niya ito ng mabuti saka siya kumuha ng kaunti mula sa bondage na nasa braso niya.
Pinunit niya ito at ito ang ginamit niya para ipantabon sa sugat kong dumudugo parin. Napangiti ako dahil sa ginawa niya at napatitig ako sa mukha niya.
Sobrang seryoso niya sa ginagawa niya kaya hindi niya napansin na tinititigan ko na pala siya habang nakangiti.
"Medyo malalim ang inabot ng bala sa braso mo. I guess it hurts a lot."
Sabi niya at napatingin siya sa akin na tinititigan parin siya. Napangiti siya nang napansin niya yun at pinisil pa niya ang pisngi ko saglit.
"Why are you staring at me?"
Tanong niya kaya agad akong umiwas ng tingin. Umiling iling ako bilang sagot pero tinawanan lang niya ako.
"Don't be shy, you can stare at me as long as you want. I know that I'm too handsome to handle so that's not new to me."
Napairap ako dahil sa sinabi niya kaya natawa na naman siya. Ipinagpatuloy niya ang paglagay ng bondage sa sugat ko habang nakatitig lang ako sa kanya.
I just can't help but to stare at him. His face is just to ethereal for me to resist.
"Should we leave now? Dapat tayong lumayo. We don't know, maybe your dad is still around."
Sabi niya at inangat niya ulit ang paningin niya sa akin. Tumango naman ako bilang sagot.
"Yes, we should. Pero kailangan pa nating hintayin ang yacht na sasakyan natin. Hindi tayo pwedeng lumangoy patungo sa kabilang isla."
Sagot ko kaya tumango tango siya at tinapos na niya ang ginagawa niya. Maya maya ay napansin namin na parang may umiilaw sa amin mula sa likod kaya kinabahan na kami.
Nagkatinginan kaming dalawa habang puno ng pag aalala at kaba saka kami lumingon sa likod ng kinauupuan namin. Nakita namin si daddy na nakatayo lang doon kaya mas lalo pa kaming nagulat at sabay kaming napatayo. Paano niya kami nasundan?
"You guys are waiting for the yacht, right?"
Tanong pa niya at kinuha niya ang baril na kanina pang nasa bulsa niya. Nilagyan niya muna ito ng bala bago niya kami nginisihan at tinutukan nito.
Akala namin ay wala siyang gagawin pero nagulat ako nang ipinutok niya ito sa akin. Tumama ang bala sa tagiliran ko kaya natumba ako sa kinatatayuan ko dahil sa sakit pero kaagad naman akong sinalo ni Jace.
"Wag niyo nang hintayin yun. I cancelled it."
Napatingin ako kay Jace na puno ng pag alala saka ko ipinikit ang mga mata ko nang naramdaman kong nanghihina na ako.
____________________________
BINABASA MO ANG
THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)
RomansLOVE+WAR SERIES #6 Addison Sapphire Guevarra is the campus' mysterious student. Jace Ralph Javier is the campus' troublemaker that can harm or hurt any person anywhere and anytime if he wanted. At first, they thought that they are against each other...