❂ CHAPTER 72 ❂

9 1 0
                                    

[Addison's POV]

Napairap ako dahil sa naisip ko at naramdaman kong umiinit na ang ulo ko. Ayokong magpakasal sa kahit na sino. Dati oo, pinapayagan ko si daddy na ireto ako sa iba't ibang lalake. Pero dati pa yun noong wala pa akong nararamdaman kay Jace.

Kahit na gusto ko nang magwala dito sa kinatatayuan ko ay pinilit ko parin ang sarili kong kumalma. Hindi ako pwedeng gumawa ng gulo dito.

"Sapphire, this is Harold Juarez."

Sabi ni daddy sabay akbay doon sa lalakeng kanina pa nakatitig sa akin. Napairap ako ng palihim pero tumango nalang rin ako.

"And?"

"He is your future husband."

Sabi ko na nga ba eh. Napairap ulit ako ng palihim pero itinago ko yun. Napatingin ako sa lalakeng kaharap ko ngayon at napansin kong kanina pa pala niya ako tinititigan habang nakangisi. Inirapan ko nalang siya at hindi ko nalang rin siya pinansin.

Subukan lang niya akong lapitan, papatayin ko siya kaagad.

"You will have your wedding next week."

Wait, what? Next week? Bakit ang dali naman?

Sobrang nagulat ako sa narinig ko pero parang tuwang tuwa pa yung lalakeng binabalak ni daddy na ipakasal sa akin. Napangiti siya na parang loko saka niya ulit ako tinitigan.

Bwiset.

Napatingin ako kay daddy na nakatingin lang din sa akin at tumango nalang rin ako. Matatakasan ko rin to. Hindi ako papayag na ikasal sa lalakeng to.

"So for now, I guess we should rest first. Follow me, Mr. and Mrs. Juarez. I will guide you to your room."

Sabi ni daddy habang ang laki laki pa ng ngiti. Binitawan na ni daddy ang lalakeng ipapakasal niya sa akin at umalis na sila kasama ng mga magulang niya.

"Umm, Mr. Guevarra. How about me? Saan ako matutulog?"

Tanong pa nito pero hindi ko siya pinansin. Tahimik lang akong nakatayo habang palihim na tinitingnan silang lahat ng masama. Lumingon si daddy sa amin at ngumisi siya kaya nagtaka ako. Anong iniisip niya?

"You will sleep in my unikaiha's room, of course."

Nagulat ako dahil sa narinig ko at tatanggi na sana ako pero hindi ko na yun nagawa dahil nagulat ako nang hinawakan ng lalakeng katabi ko ngayon ang bewang ko.

Agad kong inalis ang kamay niya sa katawan ko at lumayo ako sa kanya. Wag niya akong hahawak hawakan kung ayaw niyang mamatay!

"Come on, Sapphire. Just let him be. He will be your husband, anyways."

That bastard!

Napairap ako at palihim kong tiningnan ng masama ang daddy ko. Hindi niya ako pinansin at tuluyan na siyang umalis para ihatid ang mga bisita niya sa kwarto nila.

"Let's go, future wife. I'll make sure that you will have a lot of fun with me."

Nakangisi pang sabi nito pero inirapan ko lang siya. Bwiset tong lalakeng to.

"No, I won't let you sleep in my room. Doon ka nalang sa kabilang kwarto."

Sagot ko habang tinitingnan ko siya ng masama. Tinanguan naman niya ako bilang sagot kaya napahinga ako ng maluwag. Mabuti naman.

"Sure."

Sagot niya pero hindi ko siya pinansin. Sabay na kaming umakyat sa taas ng hagdan at inihatid ko siya sa kwarto niya saka ako pumasok sa kwarto ko. Pagpasok ko ay napahinga ako ng maluwag at umupo ako sa kama ko. Bwiset na araw to. 

Pinaalis ko na si Jace sa buhay ko kanina. Pinilit ko siyang lumayo kahit na alam kong wala na siyang ibang mapupuntahan. Sana maayos lang siya ngayon. Ayokong mapahamak siya.

Napapikit ako at napayuko. Tahimik na tahimik lang ako pero nagulat ako nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko kaya napalingon kaagad ako roon.

Harold Juarez? Anong ginagawa niya dito sa kwarto ko?

"Why are you here?"

Gulat na gulat na tanong ko pero hindi siya sumagot. Tuloy tuloy lang siya sa paglapit sa akin at maya maya ay napansin kong may hawak hawak siyang maliit na kursilyo kaya nagulat ako.

What is he trying to do?

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon