❂ CHAPTER 16 ❂

22 1 0
                                    

[Addison's POV]

Nginitian ko siya ng bahagya habang nakanganga parin siya. Para talaga siyang hindi makapaniwala na ito ang mukhang tinatago ko.

"Umm."

Para bang hindi siya nakapagsalita habang nakatitig parin sa akin. Ako nalang mismo ang umiwas ng tingin dahil pakiramdaman ko ay naiilang na ako sa kakatitig niya.

"Ang ganda mo pala. Hahaha."

Sabi niya at pilit niya akong inalis sa paningin niya. Lumapit siya sa akin at sinimulan na niyang gamutin ang sugat ko. Ako naman ay tahimik na tahimik parin habang hinihintay ko kung kailan niya matatapos ang ginagawa niya.

Hindi ako sanay na may gumagamot sa mga sugat ko. Kadalasan kasi ako lang palagi ang gumagamot sa sarili ko kapag nasugatan ako.

Napatingin ulit ako sa kanya at napansin kong parang nagcoconcentrate talaga siya sa paglinis ng sugat ko. Nang tapos na siya ay nilagyan na niya ito ng band aid at nilayuan na niya ako.

"Ayan, nalinisan ko na ang sugat mo. May iba pa bang masakit sayo bukod sa sugat mo? Gusto mo bang magpalit ng damit? Dinuraan ka pa naman ng mga gagong yun."

Sabi niya pero umiling iling lang ako. Wala akong kailangang kahit na ano. Ang gusto ko lang ay makaalis at makauwi na.

"Wala. Hindi ako magpapalit ng damit. Uuwi nalang ako sa amin."

Sagot ko at tinabunan ko ulit ng buhok at hoodie ko ang mukha ko. Tumango tango lang naman siya na para bang naiintindihan niya ako.

"Okay. By the way, matanong ko lang ah. Bakit mo ba palaging tinatabunan ang mukha mo? May pinagtataguan ka ba?"

Tanong niya kaya napatigil ako. Hindi ko pwedeng sagutin ang tanong niya. Baka magkaroon pa siya hinala sa akin kapag sasabihin kong may pinagtataguan ako.

"Sorry, kailangan ko nang umalis."

Sagot ko kaya tumigil na siya sa kakatanong at tinanguan nalang rin niya ako habang nakangiti. Dali dali akong tumayo sa kinauupuan ko at lumabas na ako ng court. Nang medyo nakalayo na ako doon ay napalingon ulit ako sa court at napaisip ako. Hindi ko pa nga pala siya napapasalamatan.

Babalik pa sana ako sa loob pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong maging malapit sa kahit na sino. Baka malaman pa nila ang sekretong pagkatao ko tapos malalagay na naman ako sa panganib.

Dumeretso nalang ako sa paglalakad pabalik sa classroom namin. Nang napansin kong merong mga tao na makakasalubong ko ay inayos ko ang hoodie ko at napatingin ako sa braso ko.

Nagulat ako nang napansin kong wala na roon ang bracelet ko. Tiningnan ko ng maigi ang braso ko at kinapa ko pa ang mga bulsa ko pero wala talaga yun dito kaya nagsimula na akong kabahan.

Hindi yun pwedeng mawala! Nandun sa bracelet na yun ang logo ng pamilya namin! Baka may makakita nun tapos mabubulgar pa ang sekretong samahan namin!

Napakamot ako sa batok ko at bumalik ako sa dinaanan ko kanina. Wala kasi akong choice. Bumalik ako sa covered court para itanong dun sa lalakeng tumulong sa akin kung may nakita ba siyang bracelet.

Nagmamadali ako habang pabalik doon pero napatigil ako nang napansin kong nandoon sa entrance ng court ang mga kasamahan ni Jace. Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Anong ginagawa nila dito?

Dumeretso nalang rin ko doon pero agad akong hinarangan ng mga taong yun kaya napatigil ako. Bakit ba nila ako hinaharangan?

"Hindi ka pwedeng pumasok. May dinidispatsya ang pinuno namin."

Natawa ako ng mahina pero maya maya ay nakita ko nalang yung taong tumulong sa akin na tumilapon sa sahig na duguan kaya nagulat ako. Anong——

Magsasalita pa sana ako pero nakita ko rin si Jace na para bang galit na galit kaya mas lalo pa akong nagulat. Bakit niya ginagawa to?

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon