❂ CHAPTER 89 ❂

4 1 0
                                    

[Jace's POV]
[Nine years later]

Nakatulala lang ako habang nakaupo dito sa loob ng selda. Napahawak ako sa buhok kong humahaba na pero hindi ko nalang rin ito pinansin.

It's been nine years, since I was jailed. It's been nine years, since Addison totally forgot about me.

Hindi manlang niya ako binisita ng kahit na isang beses. Huli niya akong binisita noong siyam na taon na ang nagdaan, pero hindi rin niya ako kinausap manlang.

I escaped from this prison three years ago, pagkatapos kong malaman na tumakas pala at naging artista na si Sarah, ang pinsan ko.

Pero isang buwan lang din ang itinagal ko sa labas at nahuli na naman kami dahil nabisto kaming dalawa. Pasalamat nalang nga ako at hindi pa ako tuluyang pinatay ng mga secret agent. Nagmakaawa ako sa presidente na buhayin pa niya ako, at pumayag naman siya kapalit ng isang kondisyon. Kondisyong magbabago na ako ng tuluyan.

Sa loob ng isang buwan na naging malaya ako ng panandalian, sinubukan kong hanapin si Addison pero hindi ko siya nakita. Siguro, dinala na siya ng daddy niya sa ibang bansa at naikasal na siya sa ibang lalake ngayon.

Gustong gusto ko siyang pakasalan kaya gumawa ako ng paraan para makahanap ako ng perang ibabayad sa daddy niya. Sinubukan kong hingan ng tatlong milyon si Sarah dati, pero hindi niya ako binigyan. Pero ayos lang, naiintindihan ko siya. Hindi madaling magbigay ng ganung kalaking pera.

Siguro, hindi lang talaga kami ni Addison para sa isa't isa. Kaya kung ganun, bakit ko pa pipilitin? Kahit na masakit, kailangan kong tanggapin.

Maya maya ay napansin ko na masyado nang naging malalim ang iniisip ko kaya ginising ko ang diwa ko. Napatingin ako sa maliit na bintana ng seldang to at nakita kong sumisilip dito ang sinag ng araw.

Napangiti ako pero bigla kong naalala si Addison dahil doon kaya nawala ang ngiti ko. Agad ko yung iniwasan ng tingin at napayuko ako. Bakit ba hanggang ngayon hindi ko parin siya nakakalimutan? Sa tuwing inaalala ko siya mas lalo lang akong nasasaktan.

"Problema mo?"

Napatingin ako sa isa sa mga kasamahan ko at umiling ako bilang sagot.

"Wala."

Tipid na sagot ko pero tiningnan lang niya ako na para bang hindi naniniwala.

"Alam kong meron. Alam mo ba pare, may nabasa ako sa dyaryo na hinihigaan ko kagabi. Sinabi doon na kapag may bumabagabag sa isip mo ay pwede mo yung isulat para gumaan ang pakiramdam mo."

Sabi niya kaya tumango tango ako. Nginitian niya ako para pagaanin ang loob ko at tinapik ko naman ang balikat niya.

"Sige pare. Salamat."

Tinanguan niya ako at tumayo ako mula sa kinauupuan ko. Humawak ako sa selda at hinanap ko si bossing sa labas. Nang nakita ko na siya ay napangiti ako at agad kong kinaway ang kamay ko sa labas ng selda.

"Boss! Bossing!"

Tawag ko kaya napalingon siya sa akin. Nagpaalam muna siya sa kausap niyang pulis rin at nilapitan niya ako.

"Bakit?"

"Pwede bang humiram ng lapis? O kahit na anong pansulat? Ibabalik ko kaagad."

Sabi ko kaya tumango naman siya at kumuha na nga siya ng gamit na panulat. Malaki kasi ang tiwala niya sa akin. Siya ang isa sa mga nagpalakas ng loob ko habang nandito ako sa loob ng selda. Alam niya rin ang pangarap ko, ang pangarap kong maging isang abogado.

Naghintay ako saglit at maya maya ay bumalik na siya na may dala dalang lapis kaya napangiti ako.

"Oh ayan. Ibalik mo yan mamaya. Gagamitin ko pa yan."

Bilin niya at tumango naman ako. Tinapik niya muna ang balikat ko bago siya umalis. Nang nakaalis na siya ay pinunit ko ang karton na inuupuan ko at napatingin ulit ako sa liwanag ng araw na sumisilaw mula sa bintana.

Habang nakatingin ako doon ay napangiti ako. Napahawak ako ng mahigpit sa lapis at sinimulan ko na ang pagsusulat.

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon